Leaving
"Mom, Dad, Kuya," umpisa ni Elledashia isang umaga habang nag-aalmusal silang pamilya.
Sabay-sabay na tumingin sa kanya ang kanyang mga magulang at kapatid.
"Ahmm, naisip ko lang," alanganin niyang sabi. "isn't it about time to accept Paris International School offer? You know, for my masteral. Hindi sila tumitigil sa pagbigay sa'kin ng invitations. I think, maybe now is the right time for this." Sabi niya.
Nagkatinginan ang kanyang mga magulang kasama na ang kanyang kapatid. Marahil ay nabigla ang mga ito sa kanyang desisyon. Alam naman kasi nang mga ito kung gaano niya tinatanggihan ang mga offers sa kanya at kung gaano siya kadesidido na manatili sa bansa. Isa pa, ang boutique na naumpisahan niya ay maayos niyang napapamahalaan. Nakikilala na ang Passion of Fashion sa iba't-ibang bansa. Kaya siguradong nabigla niya ang kanyang pamilya sa desisyon niya ngayon.
"I'm still thinking about it, though. You know, the opportunities, the ability to learn more and the chances to explore the fashion industry." Sabi niya.
Muling nagkatinginan ang mga ito. Wari'y iniintindi lahat ng kanyang sinabi. Hindi niya masigurado kung ano ang ipinapahiwatig ng tinginan ng mga ito.
Ilang linggo na ng naglalaro sa isipan niya ang ideyang tanggapin ang alok na iyon sa kanya ng Paris International School. Ikinonsidera niya rin ang iba pang alok sa kanya gaya ng pagpasok sa model industry o sa showbusiness ngunit sadyang wala roon ang puso niya. Mas gusto niyang tanggapin ang alok ng Paris International School para sa kanyang masteral. Of course, she will benefit the more in Paris Fashion Industry. Siguradong marami siyang matututuhan at mas mapapalago nito ang kaalaman niya sa larangang napili.
But those points were just secondary. The main point of her leaving the country is to forget, move on and grow. Masyadong maliit ang mundo nila ni Axle. Hindi malabong magtagpo sila nang magtagpo. At sa ngayon ay hindi niya pa kaya iyon. Masyadong masakit sa kanya ang mga binitawan nitong salita at ang mga hakbang na ginawa nito.
Wala mang kasiguraduhan ngunit alam niyang may mabuting maidudulot sa kanya ang gagawing paglayo. She been so hard to herself for years and maybe it's now time to set herself free.
Muli niyang tinignan ang pamilya niya na noon ay sabay-sabay na ngumiti sa kanya.
"Oh, my, precious," sabi ng ina niya. "We've been waiting and dreaming for you to accept those offers. Why, because we knew that you can do more than this. You can be more of who you are today. You can be the best." Dianara added with convictions.
Napangiti siya sa tinuran ng ina.
"What took you so long to notice those offers? Matagal na kaming nagtataka sa'yo kung bakit ba binabalewala 'yong mga invitations nila." Singit ng kanyang ama na halatang masayang-masaya rin kagaya ng kanyang ina.
"Oh, pa'no ba 'yan, Mom, Dad, mukhang bibilhan niyo na 'ko ulit ng bagong Porsche. Nanalo ako sa pustahan natin, oh." Maya-maya ay sabi ng kuya Dylan niya. "Sabi ko naman sa inyo, eh, tatanggap din 'yan ng offers. Lalo na kapag na-bored 'yan." Mayabang pa nitong saad saka siya tinanguan.
Tuluyan na siyang napangiti sa mga ito. Buong akala niya'y pipigilan siya ng kanyang pamilya iyon pala'y susuportahan pa siya ng sobra-sobra pa sa inaakala niya.
"So, Kuya, pinagpupustahan niyo pala ako?" Kunwari'y mataray niyang tanong.
"Why not? It's a Porsche afterall." Mahangin na sabi nito.
She smirks.
"Pustahan din tayo, Kuya." Taas-noong sabi niya sa kapatid. "Hindi magiging kayo ni ate Guia." Tukoy niya sa babaeng natitipuhan ng kanyang kapatid ngunit may iba namang nobyo.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...