Farrah
Kasalukuyang nagba-browse si Farrah ng kanyang twitter account nang makita niya ang isang article tungkol kay Farrah. Ayon sa balita, nasa bansa daw ang sikat na modelo para sa isang clothing line na kinuha ito bilang endorser. At ayon din sa kampo ng dalaga ay malaki raw ang posibilidad na manatili na sa bansa ang modelo dahil sa kabi-kabilang mga talent agencies ang kumukuha dito.
Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Elledashia dahil sa balitang iyon. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na magkita si Axle at Farrah.
Alam na kaya ng binata na nandito si Farrah sa bansa? Hindi naman imposible iyon kung sakali.
Nakagat niya ang ibabang labi. Samu't saring isipin ang pumapasok sa utak niya. Iba't-ibang emosyon ang pumapasok sa dibdib niya. Paano na ngayon?
Bigla ay gusto niyang tadyakan ang sarili. Paano? Limang taon na nawala si Farrah sa bansa at hindi man lang niya nagawang angkinin si Axle. Kasabay ng mga pangarap niya sa buhay na maging matagumpay alang-alang sa pamilya at kay Axle. Gusto niyang may mapatunayan at maging karapat-dapat para sa binata. Iyong titignan siya nito bilang babae at hindi kapatid.
Nagkulang pa yata siya.
Paano na ngayon?
Kailangan niyang umisip ng paraan upang hindi magtagpo ang dalawa.
Tinignan niya ang kanyang schedule. Puno iyon hanggang next week. At pagkatapos niyon ay ang anibersaryo ng kanilang mga magulang.
Napapikit siya saka nanlulumong sinapo ang kanyang ulo. Huminga siya ng malalim saka hinilot ang kanyang sentido. Kailangan niyang umisip ng paraan. Hindi pwedeng ganito.
Maaga niyang tinapos ang trabaho at pagkatapos ay dumiretso sa bahay ng mga Al-Sazam.
Laking gulat niya nang pagdating niya sa mansyon ng mga ito ay naroroon si Farrah. Kakwentuhan ng mag-asawa ang modelo.
Mabilis niyang sinipat si Farrah. Napakaganda pa rin nito. Limang taon ang lumipas pero hindi kumupas ang ganda nito. Years have sculpted the curves of her body perfectly. Her face and body, indeed, are to die for.
Her gestures and actions are very graceful. Mahinhin pero sopistikada pa rin ang dating. Farrah looks fragile and vulnerable. At naiinis siya dahil sa paningin niya ay perpekto ang babae.
At ang mas lalo pang nakapagpainis sa kanya ay ang pagpunta ng babae sa mga Al-Sazam. Hindi ba nito alam ang sakit na idinulot nito kay Axle nang umalis ito at mas piliin ang pagmomodelo? Nakakainis pang isipin na talagang magkikita na ang dalawa ngayon.
Does she wants Axle back?
Nahinto lang ang pagsipat niya rito nang mapuna ng ginang ang presensya niya.
"Oh, Elle, darling, you're there." Magiliw na bati ni Tita Xania sa kanya.
Nginitian niya ang ginang at nakipagbeso dito ng magsalubong sila. Ganoon din ang ginawa sa kanya ng kanyang Tito Hannuf.
"You've been so busy, dear. Nakakalimutan mo na kaming dalawin ng Tita Xania mo. Dapat na ba kami magtampo?" Anito sa pabirong himig.
"Tito, alam niyo naman pong wala kayong dapat ipagtampo. Heto nga po't nandirito ako ngayon, 'di ba? Kasi namimiss ko na po kayo, eh." Sabi niya rito.
"Ay, Farrah's here, hija. Nakabalik na pala ng bansa at heto, dinadalaw din kami." Sabi ng ginang na lumapit pa sa modelo. "Farrah, this is Elledashia, bunsong anak ng mga Montecarlo. Kapatid ni Dylan. Remember her?" Pakilala sa kanya ng ginang.
"Of course. Madalas siyang pagkuwentuhan ni Dylan at Axxain no'n, eh." Sagot nito saka ngumiti sa kanya at walang anu-ano'y nakipagbeso sa kanya.
Elledashia could feel that Farrah's smile is so genuine and she can't help but to smile back at her.
![](https://img.wattpad.com/cover/225054369-288-k187032.jpg)
BINABASA MO ANG
All I Ask
Любовные романыSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...