Dedicated to badassole
Acceptance
Ilang linggo ang lumipas matapos ang paghihiwalay nilang iyon ni Fabio. Natapos ang relasyon nila sa maayos na paraan at nanatili silang magkaibigan. Iyon nga lang, hindi niya pa ipinapaalam sa kahit na sino ang hinawalayan nila ng nobyo. Pinakiusapan niya rin itong huwag munang ipaalam sa pamilya niya. Sigurado kasi siyang mabibigla ang lahat at alam niyang hindi rin maiiwasang mag-alala ang mga ito para sa kanya. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay makakaiwas silang dalawa sa kontrobersya. Saka na siya magpapaliwanag sa mga ito.
Hindi naman masakit para sa kanilang dalawa ni Fabio ang naging hiwalayan nila. Dahil maayos naman nilang natapos ang relasyon. Malungkot oo, dahil hindi naman nila ninais na sa ganoong paraan matapos ang relasyon nila. Ngunit alam naman nilang tama ang kanilang naging desisyon dahil para iyon sa ikabubuti nilang dalawa.
Nakabalik na siya sa trabaho at sinigurado niyang magiging hands-on siyang muli sa kanyang boutique. Tamang-tama naman dahil nalalapit na ang anibersaryo ng mag-asawang Al-Sazam. Halos lahat ng dadalo sa anibersaryo ay sa kanya nagpagawa ng damit.
Abala siya sa paglalagay ng detalye sa isang gown nang biglang pumasok ang kanyang sekretarya at sinabing mayroon magpapasukat ngayong araw. Sinabi niyang papasukin iyon at hindi niya inaasahang si Axle pala iyon.
Nagtama ang kanilang mga mata at naging mabilis ang pagtahip ng kanyang dibdib.
Ngayon niya lang muling nakita ang binata matapos ang gabing iyon. At sa tuwina ay hindi siya handang makaharap ito.
"Hi." Preskong bati nito sa kanya.
Lumunok siya saka tinalikuran ang binata imbes na batiin ito. Natetensyon na naman siya kaya dumistansya pa siyang lalo dito. Nilapitan niya ang isang manikin na pinagsasabitan niya ng kanyang medida. Pumikit siya sa harap ng manikin saka huminga ng malalim. Pilit niyang pinapayapa ang sarili.
Nang akmang haharap na siya sa binata ay hindi niya inaasahang nasa likod na niya pala ito kaya naman bumangga siya sa matipunong dibdib nito.
"Ooopppsss, careful sweetie..." sabi ni Axle saka siya inalalayan sa kanyang beywang.
Awtomatiko siyang napatingin dito at nabasa niya ang kapilyuhang ibinabadya ng mata nito.
Mabilis niya itong itinulak palayo sa kanya.
"Susukatan na kita. Marami pa akong gagawin." Masungit niyang sabi ngunit animo'y wala lang epekto sa binata. Cool na cool pa itong tumindig sa harap niya. Mukha pa itong tuwang-tuwa sa nakikitang pagkabalisa niya.
Pumuwesto na siya sa likod ng binata at kinuha ang shoulder length nito. Sunod ang arm girth at arm length. Isinunod niya ang neck line dahilan upang magkalapit ng bahagya ang mukha nilang dalawa. Ipinupwesto na niya sa batok nito ang medida nang bigla siya nitong hapitin sa beywang niya dahilan upang magkadikit ang katawan nila.
Hindi agad nakakilos si Elledashia. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Animo'y lumipad ang isipan niya at nawalan siya ng lakas na itulak ito.
For a moment, they just stare with each other. Nawala ang kapilyuhan sa awra nito. Ibinabadya ng mga mata nito ang pagkasabik sa kanya.
Totoo ba iyon o guni-guni niya lang?
Itinukod niya ang dalawang palad sa dibdib nito upang itulak ito ngunit imbes na ito lang ang matumba ay nadamay siya dahil sinadya nitong hilahin siya. Bumagsak ito sa couch na naroroon at bumagsak siya sa ibabaw nito.
"Sorry." He said, back with being playful.
Nasa ganoon silang posisyon nang pumasok ang isa sa mga assistant niya na si Lavigna.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...