The Reason Why
Ilang araw na ang lumipas simula nang magbakasyon doon si Elledashia. She's enjoying the vacation so well.
Karaniwan na sa umaga na sabay-sabay silang nag-aalmusal. Si Axle ang nauunang gumising sa kanilang tatlo kung kaya ito na rin ang nakatoka sa pagluluto ng almusal nila. Dahil kapwa sila tinatanghali ng gising ni Farrah ay madalas na alas diyes na ng umaga ang nagiging umagahan nilang tatlo dahil hindi naman mag-aalmusal si Axle kapag tulog pa silang dalawa. At ang tanghalian nila ay nagiging alas dos ng hapon.
Kadalasan ay nagpapatan silang dalawa ni Farrah sa dalampasigan ng dagat tuwing alas kuwatro ng hapon habang si Axle ang siyang abala sa miryenda nilang tatlo.
Sa gabi naman ay nag-iihaw sila ng kung anu-anong seafood habang nagbobonfire sila o kaya minsan ay nagmomovie marathon.
Madalas ay magkakwentuhan sila ni Farrah. Marami na siyang nalaman tungkol sa dalaga mula sa pamilya nito hanggang sa modeling career nito.
At humahanga siyang tunay kay Farrah dahil wala siyang nakitang pagbabago sa ugali ng babae. Kung paano niya ito nakilala ay ganoon pa rin ito - sadyang masayahin at mapagkumbaba. Hindi ito kakikitaan ng kalakihan ng ulo sa kabila ng karangyaang mayroon ito. Madali itong sumaya kahit na sa mumunting bagay lang.
Ngunit may mga pagkakataong nakikita niyang tulala ang dalaga. Animo'y napakalalim ng iniisip nito. Hindi maalis sa isip niya ang posibilidad na may problema itong pinagdadaanan ngunit ayaw niyang panghimasukan ang parteng iyon ng buhay nito. Nais niyang kusa itong magsabi sa kanya.
Natapos na niya ang iginuguhit niyang istilo ng isang gown. Sa kanya kasi ibinilin ng isang kliyente iyon kaya napilitan siyang gawin kahit nasa bakasyon siya. Ilang detalye ang ipinakuha niya kay Lavigna, ang isa sa mga assistant niya, para sa gown na ito. Kinuhanan niya iyon ng litrato at ipinadala sa email account ni Lavigna.
Mag-aalas diyes na pala ng gabi.
Lumabas siya sa terasa ng kwarto niya saka tumanaw sa labas. Agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Tumingala siya sa madilim na kalangitan na animo'y hinagisan ng nagkikislapang mga brilyante. Kay liwanag ng bilog na bilog na buwan. Sapat upang mabastahan niya ang nakapaligid sa kanya.
Sumagap siya ng hangin saka iginala ang paningin. Napagawi ang tingin niya sa dalawang tao sa 'di kalayuan banda roon. Kumunot ang noo niya habang kinikilala ang dalawa. Si Farrah nga iyon at si Axle.
Akala niya'y masama ang pakiramdam ng dalaga? Halos buong maghapon itong lumabas ng kwarto nito. Ipinagdala pa nga nila ito ng almusal, tanghalian at gabihan. Ngunit anong ginagawa nito ngayon sa labas kasama si Axle?
Pinakatitigan niya ang dalawa at animo'y nagtatalo ang mga ito.
Lumabas siya at dali-dali niyang pinuntahan ang mga ito. They were so engrossed with their talkings to even notice her presence nearby.
Nagtatalo nga ang mga ito base sa mataas na boses ng dalawa.
"Hindi mo kasi naiintindihan, Axxain." Gumagaralgal na sabi ni Farrah sa binata.
Napakunot ang noo niya.
Umiiyak ba si Farrah?
"Ako ang hindi mo naiintindihan, Farrah." Ganting sabi ni Axle sa dalaga. "I am more than willing to father the child. Wala ka ng iba pang iisipin. We'll marry and we'll live together. We'll live as family." Dagdag pang sabi ni Axle.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomansaSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...