Chapter Fourteen

442 23 7
                                    

Heart Distancing

Habang nagmananeho ay hindi matigil sa pag-iyak si Elledashia. Animo'y may bukal ng luha ang kanyang mga mata. At aaminin niya na napakasakit ng dinanas na ito ni Elledashia. Pakiramdam niya'y ilang ulit na namatay ang puso niya.

Hindi lang iisang beses na kinailangan ni Elledashia na ihinto ang minamanehong sasakyan para ibuhos ang luhang nag-uumapaw sa kanyang mga mata.

At kinailangan niyang muling ihimpil sa tabi ang sasakyan dahil sa musikang pumailanlang sa radyo.

I will leave my heart at the door
I won't say a word
They've all been said before you know
So, why don't we, just play pretend?
Like we're not scared of what is coming next
Or scared of having nothing left
No don't, get me wrong
I know, there is no tomorrow

All I Ask is if
Is this my last night with you?
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do
What lovers do
It matters how this end
'Cause what if I never love again

Lalong bumukal ang mga luha sa kanyang mga mata habang napakikinggan ang sikat na kantang iyon ni Adele. Nakasubsob na siya sa manibela habang patuloy sa pag-iyak. Mukhang kailangan na nga niyang iwanan ang puso niya. Iwan ito sa lalaking hindi naman nagmamahal sa kanya. At napakasakit talagang isipin na ang lalaking pinaglaanan niya ng kanyang pagmamahal ay paulit-ulit na pipiliin ang nakaraan nito.

I don't need your honesty
It's already in your eyes
And I'm sure my eyes they speak for me
No one knows me like you do
And since you're the only one that matters
Tell me who do I run to
Look don't, get me wrong
I know, there is no tomorrow

Dati-rati, balewala naman kung si Farrah talaga ang laman ng puso ni Axle. Ang mahalaga ay wala ito sa mundo nilang dalawa. Kahit pa isinisigaw na ng mga mata nito ang pagmamahal nito kay Farrah ay hindi siya naaapektuhan dahil wala naman si Farrah sa realidad nila.

Let this be our lesson in love
Let this be the way we remember us
I don't want to be cruel or viscious
And I ain't asking for forgiveness
All I ask is if

Hindi alam ni Elledashia kung natuto nga ba siya sa pag-ibig na ito. Hindi niya alam kung magtatanda na siya. Basta ang alam niya nang mga sandaling iyon ay nasasaktan siya.

"Kuya..." Bungad na sabi ni Elledashia sa kapatid na si Dylan saka yumakap dito. Kusang tumulo ang mga luha niya habang nakapaloob sa bisig ng kapatid.

Nakauunawa namang hinaplos ng kuya niya ang buhok at likod niya. Umiyak siya nang umiyak rito habang yakap-yakap nito. 

Ito kaagad ang pinuntahan niya pag-uwi niya sa bahay. Pasado alas-diyes na ng gabi nang makarating siya sa kanila. Mabuti na lang at nakauwi siya ng ligtas kahit na halos buong durasyon ng byahe niya ay umiiyak siya.

"Ang sakit naman nito, Kuya." Sabi niya sa kapatid habang umiiyak.

"You'll get through that. Kayang kaya mo 'yan. Ikaw pa, matapang ka, eh." Pagpapalakas nito ng loob niya.

Bumitaw siya rito. Pinunasan nito ang mga luha niya.

"What happened?" Malumanay na tanong nito saka siya inalalayang maupo sa ibabaw ng kama. Umupo ito sa harap niya bago ginagap ang kanyang mga kamay.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon