Through
Hindi pumasok nang araw na iyon sa trabaho si Elledashia. Naramdaman kasi niya ang sama ng pakiramdam pagkagiaing pa lang ng umaga. Nagpasabi na lang siya kay Lavigna na hindi siya makakapasok.
Kinatok siya ni Nanang Tacing, ang mayordoma at halos magulang na rin nila ng kuya niyang si Dylan.
"Elle, hindi ka pa ba babangon, hija, para sa almusal?" Tawag nito mula sa labas ng kwarto niya.
"Masama ho ang pakiramdam ko, Nana. Pakidalhan na lang ho ako ng makakain rito. Pakisamahan niyo na rin ho ng gamot." Sigaw niya sa kabila ng nananakit niyang lalamunan.
"Nako, oh, sige." Narinig niyang tugon nito.
Nagring ang kanyang cellphone at sinagot niya iyon. Tawag iyon ng kuya niya. Kasalukuyan itong nasa Thailand para silipin ang itinatayong condominium tower doon.
"Hi, baby." Bati nito sa kanya mula sa kabilang linya.
"Hello, Kuya. How are you?" Pangungumusta niya rito.
"Are you sick?" Nag-aalalang tanong nito.
"Masama lang ang pakiramdam ko, Kuya. Nagpaalam na 'ko sa mga kasama ko. Papahinga lang siguro ako buong maghapon then I'll be fine. Pagod lang siguro 'to. Don't tell mom and dad, ha. I don't want them to worry. I want them to enjoy." Aniya na pilit pinasisigla ang boses.
Kasalukuyan naman kasing nasa isang European trip ang kanilang mga magilang kasama ang mga magulang ni Axle. They are really living their lives to the fullest. At sino ba naman sila para kontrahin ang bagay na iyon? Hinahayaan na lang nila ang mga ito at sinusuportahan sa lahat ng gusto.
"Are you sure, you'll be fine? Pwedeng-pwede akong umuwi agad." Patuloy na pag-aalala ng kuya niya sa kanya.
"No, no, no, no, Kuya. I'll be fine. Nandito naman sina Nanang Tacing, eh. Hindi ako pababayaan no'n." Sansala niya rito.
Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin mula sa kabilang linya.
"If anything bad happens, call me immediately, okay?" Bilin nito.
"Opo." Nakalabing tugon niya rito.
At natapos na ang naging pag-uusap nila.
Nang magtanghali ay lalo pang sumama ang pakiramdam niya. Nakapatay na ang aircon at nakasara na rin lahat ng pinto at bintana ng kwarto niya ngunit nilalamig pa rin siya.
Sobrang sakit ng ulo niya na animo'y binibiyak. Nananakit din ang kanyang mga kalamnan. Pinakabalot-balot na niya ng comforter ang sarili dahil sa lamig na nadarama. Pinilit niyang makaidlip sa kabila ng pumipintig na sakit ng kanyang ulo.
Nagising siya dahil sa mabining paghaplos ng isang palad sa kanyang pisngi. Pinilit niyang imulat ang namimigat na talukap ng mga mata.
"Dash." Tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses. "How are you feeling? Nabanggit ng kuya mo na may sakit ka raw. Kumusta ka na?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Pinilit niyang bumangon. Inalalayan siya ni Axle sa pagsandal niya sa headboard ng kama niya. Pilit niyang inaabot ang baso ng tubig na nasa bedside table niya ngunit maagap si Axle at ito na mismo ang nag-abot niyon at nagpainom sa kanya.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...