My Childhood Dream
Meet me at the bay-bebelove
Napangiti si Elledashia nang mabasa niya ang maikling sulat na iyon ni Axle sa isang maliit na notepad na nakapatong sa side table ng kama niya.
Dalawang araw na silang magkasama ni Axle sa private beach na pagmamay-ari ng kanilang mga pamilya. Doon nila naisipang idaos ang kanilang unang taon bilang magnobyo't magnobya.
Napangiti si Elledashia. Pagkatapos ng maraming taon na lumipas at nasayang sa kanilang dalawa ay naging masaya pa rin sila. At lahat ng naging agam-agam ng binata noon ay hindi nangyari bagkus ay tuwang-tuwa pa ang kanilang mga magulang. At hinihiling ni Elledashia na sana ay hindina matapos pa ang kasiyahang nadarama niya ngayon dahil pagod na siyang harapin pa ang paghihirap, pagdudusa at kalungkutan sa buhay niya.
Nag-inat siya.
Kaninang tanghali ay nanonood sila ng pelikula ni Axle at katulad nang madalas na nangyayari ay nakakatulog siya at hindi natatapos ang pelikula. Inuulit na lang niya iyon sa gabi.
Kung tungkol naman sa pagdadaos ng kanilang unang taon ay wala silang opisyal na pinag-usapan. They been spending happy times together for the past months and they just want to be together for their first year.
Tuluyan nang tumayo si Elledashia at tinungo ang aparador. Kinuha niya roon ang isang mahabang puting bestida at iyon ang naisipang suotin. Inayos niya ang kanyang sarili bago nagpasyang lumabas na ng bahay.
Pagkalabas niya ay agad siyang luminga sa kanyang paligid. Wala siyang natatanaw na tao ni anino ni Axle saanman abutin ang kanyang paningin. Gayunman, tumuloy pa rin siya sa paglabas.
Tinanaw niya ang payapang dagat at kulay kahel na araw hudyat na malapit na itong mapalitan ng takipsilim.
Sa paglinga-linga niya ay nakuha ng isang sulo ang kanyang atensyon. Parang may kung anong bagay ang nakadikit doon. Nilapitanniya iyon at nagulat siya sa nakita. Larawan niya iyon noong siya ay sanggol pa at kasama niya roon si Axle. Isa iyong selfie na hindi niya pa nakita sa buong buhay niya. At malamang na si Axle ang kumuha niyon.
Tinignan niya ang likod at hindi niya inaasahan ang nakasulat doon.
I was seven years old when this beautiful girl already captured my heart. It was a mistake when I looked into her eyes because I got hooked up. Right there and then, I know that she will be my destiny.
Pinahid ni Elledashia ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Sobra na siyang nasorpresa sa larawang nakita ngunit lalo pang nakapagpaantig ng puso niya ang mensaheng naroroon.
Napansin niya ang arrow na nakaturo sa bandang kanan niya. Walang pag-aalinlangan na sinunod niya iyon. Hanggang sa huminto siya sa isang sulat sa buhangin.
The girl I love the most ->->-> at sa dulo ng mga arrow ay larawan niya. Kung hindi siya nagkakamali ay isang taon siya sa kuha ng litrato.
Nakaupo siya sa isang pang-isahang sofa habang kalong-kalong niya ang isang regalo. Nasa tabi niya ulit si Axle ngunit sa pagkakataong iyon ay nakahalik sa kanyang pisngi. At kitang-kita sa larawang iyon ang saya sa mukha man ni Axle o sa kanya.
Muli niyang sinilip ang likurang parte at may nakasulat na naman doon.
Happiest 1st birthday, my love. Wishing for you to grow up fast 'cause I can't wait any longer to tell you about my feelings.
Muli na namang napangiti si Elledashia dahil nakaramdam na naman siya ng masuyong damdamin sa kaibuturan ng kanyang puso. Noon pa man ay talagang minamahal na siya ng binata na bata pa noon at masaya siya sa kaalamang iyon.

BINABASA MO ANG
All I Ask
Storie d'amoreSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...