Chapter Six

448 17 0
                                    

Forgiveness

"Wake up, Elle!" Narinig niyang sabi ng kuya niya sa kanya. Hinatak pa nito ang comforter na nakatalukbong sa mukha niya sanhi para masilaw siya sa liwanag na bumabalot sa kwarto niya.

"Kuya, go away, ano ba?" Reklamo niya saka muling itinalukbong ang kumot sa mukha na mabilis din nitong nahatak.

Mabilis niyang kinuha ang isa sa mga unan niya saka iyon inihagis sa magaling na kapatid. Pero laking gulat niya ng sunud-sunod siya nitong hampasin ng unan na inihagis niya rito.

"Arrrgggghhh!" Sigaw niya ang in one swift move, nagpapalitan na sila ng hampas gamit ang mga unan.

Suddenly, flashes of memories from their childhood came back. They used to this when they were little. Minsan, kasama pa nila si Axle kapag doon ito nakikitulog sa kanila. At hindi sila tumitigil hangga't walang lumilipad na feather at cotton sa loob ng kwarto.

Patuloy sila sa paghampas sa isa't-isa habang nagtatawanan at naghahalakhakan. Hanggang sa mabutas na nga ang unan at dahan-dahan ng bumababa sa ere ang mga mumunting puting feather. Tumigil na sila at magkasandal na sumalampak ng upo sa ibabaw ng kama.

"When was the last time that we did that?" Hinihingal na tanong ng kuya niya.

"Well, I am not certain. Siguro, when you started taking our company." Hinihingal din niyang sagot.

At sa palagay niya ay tama naman ang pagkakatanda niya - na simula nang pumasok na ang kuya niya sa kompanya nila ay marami na silang mga bagay na hindi na nila nagawa kagaya ngayon.

Ilang palitan pa ng hininga ang narinig sa kwarto na iyon hanggang sa maging payapa ang kanilang kalooban.

"I'm sorry, princess. Sumobra talaga ako kahapon." Hinging paumanhin ng kuya niya sa kanya maya-maya.

"Sumobra rin ako, Kuya. Dapat din akong magsorry." Mababang sabi niya.

"It never happened between us. Kahit noong mga bata pa tayo, we never argue like we did yesterday. 'Yong kahapon, ahhh, that was really the first. And it was unbearable." Malungkot na pahayag ng kuya niya.

"Yeah, it was indeed unbearable." Sang-ayon niya sa kapatid.

Kagabi ay nahirapan siyang matulog dahil hindi siya sanay na nakakagalitan ng loob ang kuya niya. Hindi pa nangyari ang ganoon sa pagitan nila kahit noong mga bata pa lang sila at ramdam niya ang hirap ng kalooban niya sa buong magdamag. Sa katunayan, naging mababaw ang pagtulog niya dahil nababagabag siya sa naging pagsasagutan nila ng kapatid. At plano niya talaga ngayon ang humingi ng tawad dito dahil aminado naman siyang sumobra talaga siya.

Pumihit ang kuya niya saka siya inakbayan.

"Let's not argue that way ever again, Elle." Mariing sabi ng kuya niya sa kanya.

"We'll not argue again that way, Kuya, if you'll promise me na hindi mo na bibigyan ng ibang date si Axle." Animo'y batang saad niya.

"Elledashia..." May babala sa tinig nito.

"Kuya," umpisa niya saka pumihit paharap dito at niyakap ito mula sa tagiliran. "I'm loving Axle since I was thirteen. I'm hurting kasi hanggang ngayon, hindi niya pa rin pinapatulan lahat ng pagpapapansin ko sa kanya. But I am not complaining. Kapag kasi nagmamahal ka, hindi ka dapat nagrereklamo. In fact, I am more than willing to wait for him to love me back. Kaya kuya, hayaan mo na ko. I am confident that Axle will love me too. It will be my fault if I get hurt in the end dahil hindi lumagpas bilang kaibigan or kapatid ang turing sa'kin ni Axle. But don't worry, I will not live miserably after that." Mahabang sabi niya sa kuya niya. Animo'y isa siyang batang nagmamakaawa rito.

Umupo siya ng tuwid at tinignan ang kuya niya.

"All I need is your support, Kuya. Afterall, sa'yo rin naman ako iiyak kapag wala talagang epekto lahat ng kagagahan ko. For now, just let me. May katapusan naman lahat ng bagay kaya matatapos din ang pagkaloka-loka kay Axle. Sa ngayon kasi, kahit ayaw na ng utak ko, itong puso ko naman, ayaw huminto." Aniya saka itinapat pa ang kamay sa dibdib. She lightly said all those things.

Mataman lang siyang tinignan ng kuya niya saka bumuntong-hininga.

"Fine!" Sumusukong sabi nito. "For now, I'll let you. Just don't do something more stupid than what you are doing right now." Paalala ng kuya niya sa kanya.

"Kuya, when you're in love, you'll do even the most stupidest and craziest things just to make the love of your life happy." She dreamily answered. "Palibhasa kasi, hindi ka pa naiin-love kaya hindi mo alam." Pang-aasar niya sa kuya niya.

"Kasalanan ko bang hindi pa dumadating ang babaeng mamahalin ko?" Sagot ng kuya niya sa kanya.

Umingos siya.

"I guess, you and Axle are overworking. Nagiging workaholic na kayong dalawa. Nawawalan na kayo ng time para sa sarili niyo. Loosen up a bit, kuya. Hindi tayo malulugi kapag nagliwaliw kayo once in a while." Sabi niya sa kapatid.

Nagkibit-balikat si Dylan.

"Maybe." Maikling tugon ng kuya niya sa kanya.

Napanguso siya saka tinignan ang mga nagkalat na feather at bulak sa loob ng kwarto niya. Kagat-kagat naman ng kuya niya ang daliri at nakapameywang na nilinga ang mga nakakalat.

"I guess, my problema tayo this very morning." Sabi ng kuya niya.

"I guess so, too." Sang-ayon niya.

Saka sila dali-daling tumakbo palabas ng kwartong iyon at tinungo ang komedor kung saan nakahain na ang almusal nila. Naghihintay na roon ang kanilang mga magulang. Humahangos silang umupo saka nagkakatinginan at nagkakatawanan.

"Hmmm. Kagabi lang halatang-halata na hindi kayo nagpapansinang dalawa. Tapos ngayon, mukhang may ginawa kayong kalokohan." Sita sa kanila ng mommy nilang si Dianara. "At parang alam ko kung anong kalokohan ang ginawa niyo." Dagdag pa nito.

"Wala naman po kaming ginawa, 'My." Maagap na sagot ni Dylan.

"Wala?" Sabi ng mommy nila saka tumayo. "Eh, ano 'to?" Tanong nito saka kinuha ang bulak mula sa ulo ni Elledashia.

Nakangiwing nagtinginan silang dalawa saka nagtawanan. Umiiling naman na bumalik sa pagkakaupo ang ginang.

"'Ku, kayo talagang mga bata kayo." Sabi ni Dianara sa mga anak.

Nagkibitan naman sila ng mga balikat.

=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷

Post ko na rin itong story kahit waley...

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon