Dedicated to mirenrabacal
Giving Up
Pagsikat ng araw kinabukasan ay nagpasya na si Elledashia na umuwi. Nagulat pa sina Dylan at Guia sa kanyang naging desisyon. Wala pa kasing isang linggo ang nagiging bakasyon niya. Idinahilan niya na lang ang ilang demanding na kliyente niya na nais siyang makita at personal na makausap.
Pero bago siya tuluyang umalis ay dinaanan niya muna si Gio. Kahit sandaling panahon ay itinuring na niya itong kaibigan. Lalo pa at ang laking bagay na nahingahan niya ito ng problema niya.
"Ang daya mo naman. Aalis ka na agad." Ani Gio sa kanya.
"I really have to." Sagot niya rito.
"Ipapasyal pa sana kita sa ibang lugar dito, eh." Dagdag pa ng binata.
"Some other time. I really want to go back here." Paniniyak niya rito na nginitian nito. "Thanks for the great time. I really had fun." Nakangiting pasalamat niya sa binata.
Hinawakan siya nito sa braso.
"Don't mention it." Sabi nito saka siya binitawan.
"When you have a spare time, punta ka sa'min. Ikaw naman ang ipapasyal ko." Imbita niya sa binata saka ito hinawakan sa braso nito.
"Oo ba!" Masayang pagsang-ayon nito.
"I'm going." Paalam niya saka siya tuluyang tumalikod dito.
Luminga siya sa paligid. Partikular niyang tinignan ang bahay ng kuya niya. May isa siyang magandang alaala na iiwan doon. Isang alaala na sa palagay niyang habangbuhay nang nakatatak sa puso niya. Iyon nga lang, mananatiling alaala na lang ang pangyayaring iyon sa buhay niya.
Masaya siyang sinalubong ng kanyang mga magulang sa mansiyon. Pinilit niyang pasayahin ang pakiramdam niya. They bond together. Masayang ikinuwento sa kanya ng mga magulang niya ang naging byahe ng mga ito sa Europe kasama ang mga mag-asawang Al-Sazam.
Masayang-masaya si Elledashia sa kapalaran ng mga magulang. Naging napakaligaya ng mga ito sa isa't-isa. They were on their late fifties and yet, their love for each other never fade. Gayundin sa mag-asawang Al-Sazam. Napakasaya rin ng mga ito sa isa't-isa.
At ang kuya niya ay nahanap na ang makakasama nito hanggang sa pagtanda nito. Ngunit siya, paulit-ulit na sumugal sa isang lalaking kailanman ay hindi magiging kanya.
Mula sa kanyang pagbyahe hanggang sa makauwi siya sa mansiyon ay hindi tumigil sa pagtawag at pagpapadala ng mensahe si Axle sa kanya. He texted how sorry he was for leaving her. Pinapasagot nito ang tawag upang makapag-usap sila but she declined. Hindi niya rin sinagot isa man sa mga ipinadala nitong mensahe. She had enough.
Pagod na siyang paulit-ulit na maging tanga. Sawa na siyang paulit-ulit na maging talunan. Masakit na ang puso niya sa paulit-ulit na sugat na natatamo niyon.
She hates Axle to the core. Ilang beses nitong ipinamukha sa kanya na si Farrah lang ang kaya nitong pag-alayan ng pag-ibig. Hindi nito pinansin lahat ng ginagawa niya. Para rito ay isa lang siyang nakababatang kapatid. And it hurts her more when Axle chose Farrah over her a long time ago. What's even worsts was when he asked her to leave out of his life which she did.
Nagpakalayo-layo siya. Sumubok siyang umibig ng iba. But she never succeeded. Akala niya ay tuluyan na siyang nakawala sa anino ni Axle but she failed. Nagkasala siya kay Fabio nang hindi niya sabihin rito ang tungkol kay Axle. At sa tuwina ay nagkakasala siya sa nobyo dahil hindi niya mapigilan ang sarili na ikumpara ito kay Axle kahit pa nga sobrang layo ng mga katangian ni Fabio sa binata.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomansaSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...