Company
Kinabukasan, mga bandang hapon ay niyaya ni Gio si Elledashia na mamasyal sa bayan na pinaunlakan naman ng dalaga. Isinama siya nito kompanyang naipundar nito. At namamangha siya sa binata dahil sa palagay niya ay malayo na ang narating nito ngunit wala pa rin itong kaere-ere sa katawan. He stayed humble kahit na mataas na rin ang disposisyon nito sa buhay. Kunsabagay, miski ang ate nitong si Guia ay talaga namang napakakumbaba kahit na may sinasabi na rin sa buhay.
Matapos iyon ay niyaya siya nitong magpunta sa Sabang. Matatagpuan ang lugar na ito sa dulo ng Verde Island. Kilala ang Sabang sa tatlong iba't-ibang beaches ngunit magkakadugtong; Sabang Beach na tinaguriang "Party Beach" dahil dito ka makakakita ng mga masisiglang bar, ang Small La Laguna Beach kung saan matatagpuan ang mga naggagandahan at kilalang mga hotels and resorts, at ang Big La Laguna Beach kung saan ito ang may pinakamalinis na tubig. Tamang-tama ito para sa paglalangoy at pagsa-sun bathing.
Ngunit ang sadya nila roon ay ang Hemingway's Bistrot na isang Austrian Restaurant. Nabanggit niya kay Gio kung gaano niya kagusto ang mga pagkaing-dagat kaya naman dito siya niyaya ng binata. Hemingway's Bistrot offers seafood dishes with a twist kaya naman talagang dinadayo ng mga turista.
At agad na nagustuhan ni Elledashia ang ambiance ng nasabing resto. Nakatayo malapit sa pampang ng dagat at nakabukas lang ang mga haligi nito. Akmang-akma upang matanaw mo ang naggagandahang alon ng dagat.
Laking gulat pa ni Elledashia nang ilapag na ng waiter ang mga order nila dahil ang isang napakalaking serving ay tamang-tama sa apat na katao. Agad na naglaway si Elledashia sa mga inorder nila. Shrimp Cocktail, The Classic Royal, Tuna Salad, Grilled Salmon Salad, Maryland Crab Cake, Linguini with Clam Sauce at Filet Mignon Brochette.
"Wow!" Namamanghang sabi ni Gio sa kanya. "Are you really sure na mauubos mo lahat ng 'to?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
Tinawanan niya ito.
"Oo naman. Tutulungan mo 'ko, syempre." Determinadong sagot niya rito.
"Teka," anito. "wala ka bang dietary plan? Hindi ka ba nagda-diet?" Tanong nito.
Nakangiting umiling siya dito.
"Nah," sabi niya. "I have a good metabolism. Kaya nga hindi ako nananaba, eh. And it's not as if I always eat like this. Ngayon lang naman 'to, 'no. Isa pa, kung tumaba man din ako, wala namang problema dahil hindi naman model." She coyly said.
Nagkibit-balikat na lang ang binata saka nila nilantakan ang sandamakmak na pagkain sa harap nila. Sarap na sarap si Elledashia sa mga pagkaing inorder. Marami na siyang kinainang seafood restaurant pero iba ang Hemingway's Bistrot. Lalo pa nga at ang Austrian Resto na ito ay nakatayo malapit sa dagat na nakapagpalakas pa lalo ng dating ng ambiance nito.
Matapos ang mahabang sandali ay nagawa naman nilang ubusin ang lahat ng kanilang inorder. Nadala nila sa kung anu-anong kwento kaya nairaos nila ang sandamakmak na mga putaheng iyon. Halos hindi na sila makatayo sa sobrang kabusugan.
"Do you drink alcohol?" Tanong ni Gio kay Elledashia habang nagdadrive pauwi.
"Occassionally, yes." Sagot niya. "But not too much. Mababa kasi ang alcohol tolerance ko, eh. Kaya 'pag nakaramdam na 'ko ng hilo, titigil na 'ko." Dagdag pa niya.
"So, hindi ka pa nalasing kahit kailan?" Tanong ulit ng binata sa kanya.
Binalingan niya ang binata saka umiling. "Nope. I haven't. Why?" Tanong niya naman dito.
Nagkibit-balikat ang binata. "Wala naman. Yayayain lang sana kita sa Bikini Floating Bar. You know. A must visit tourist spot din kasi 'yon dito, eh. For fun and experience. But of course, it will be up to you kung gusto mong pumunta do'n." Sabi ni Gio sa kanya.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...