Missing You
Halos isang linggo ang mabagal na lumipas matapos ang tagpong iyon sa pagitan nila ni Axle. Sobrang nalulungkot si Elledashia dahil hindi pa rin siya pinapansin ng binata hanggang ngayon. Ilang beses na niya itong pinuntahan sa bahay ng mga ito ngunit sa tuwina ay itinataboy lang siya. Abala pa naman ito at ang kuya niya sa Montecarlo Al-Sazam Property Group. Maraming inaasikasong proyekto ang dalawa sa loob at labas ng bansa.
Mukhang tinototoo ng binata ang hindi pagpapatawad sa kanya. Lalo tuloy bumibigat ang kanyang dibdib. Pero syempre, hindi niya hahayaang mangyari iyon. Kailangang mapatawad na siya ng binata.
Nagdesisyon siya nang araw na iyon na pupuntahan niya ang binata sa opisina nito. At pasado ala-una na ng hapon ng marating niya ang kompanya dahil sa pagkakaipit sa mahabang traffic.
Masaya niyang tinungo ang opisina nito. Isa rin iyon sa mga madalas niyang gawin sa tuwing bakante ang araw niya at namimiss niya ang binata. Kilala na siya ng sekretarya nito kung kaya dumideretso na lang siya sa loob ng opisina nito kagaya ngayon.
At nabungaran niya ang binata na abala sa pagtipa sa harap ng laptop nito. Binigyan niya ito ng nananantyang ngiti nang saglit siya nitong sulyapan. His face is emotionless gaya ng mga nagdaang araw. Nagpapakita ng kawalang interes sa presensiya niya.
"H-Hi. I brought you lunch. I cooked your favorite afritada. K-Kumain ka na ba?" Tanong niya sa binata habang manaka-nakang humahakbang palapit sa mesa nito.
"Hindi ka na sana nag-abala pa." Sabi nito nang sumulyap sa kanya tapos ay muling bumalik sa ginagawa. "I can manage to take care of myself. Isa pa, it's past one. Lunch is over. Iuwi mo na lang ulit 'yang dala mo." Masungit nitong dagdag.
Ibinaba niya sa lamesa ang bitbit na lunch box carrier.
"Peace offering ko na nga 'to, oh. Ang tagal-tagal mo na 'kong 'di pinapansin. Ilang sorry pa ba 'yong dapat kong gawin para mapatawad mo na 'ko?" Malungkot niyang saad.
"Sinasayang mo lang ang oras ko. Marami pa 'kong dapat gawin. Mabuti pa, umuwi ka na." He said in a firm tone saka tumayo at lumapit sa isang file cabinet at may hinanap na kung ano roon.
"Uy, sorry na nga, eh. Talaga bang hindi mo pa rin ako papansinin?" Pangungulit niya sa binata habang nasa likuran nito. Ngunit nanatiling walang imik si Axle.
Akmang babalik na si Axle sa pwesto nang pigilan ito ng dalaga. Hinawakan ni Elledashia ang isang braso ng binata.
"Debut ko na next week, ah. 'Di ba, ikaw ang eighteenth rose ko?" Nagpapaawa niyang sabi.
Tinignan siya ng binata na sinalubong naman niya. Her eyes full of sadness dahil iyon naman talaga ang nararamdaman niya.
"Hay naku!" Naaaburidong sabi ni Axle. "You're turning eighteen yet you're acting like thirteen." Dagdag nito.
Pero hindi siya nagpaapekto sa sinabi ng binata. Bahala ito sa gusto nitong isipin at sabihin tungkol sa kanya. Ang mahalaga ay tanggapin nito ang paumanhin niya at ang masigurong ito ang eighteenth rose niya sa debut niya sa susunod na linggo.
"Pupunta ka naman, 'di ba? You'll be my eighteenth rose?" She continued with her eyes full of hopes.
Bumuntong-hininga si Axle bago bahagyang niluwagan ang suot na necktie.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...