Chapter Twenty Four

502 22 2
                                    

Dedicated to mariogabaisen

The Ever Arrogant

Magaan ang pakiramdam na tinungo na ni Elledashia ang kwartong inookupa. Bago pa man tuluyang sakupin ng liwanag ang kabuuan ng silid ay nagulat siya nang may magsalita.

"Why in the hell are you with that guy at this very hour?" Maawtoridad na tanong ni Axle sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay nang dominante itong tumayo sa harap niya na nakapameywang pa.

Ano na naman kaya ang problema ng lalaking ito? Naitanong niya sa sarili saka ipinaikot ang mga mata.

"Lumabas ka na, Axle. Magpapahinga na 'ko." Ika niya sa pantay na tono saka sana ito lalampasin.

Ngunit mariin na hinawakan ng binata ang kanyang braso sanhi upang mapahinto siya. Nagsukatan sila ng tingin. Talagang sinasagad ng lalaking ito ang pasensya niya.

"Don't dismiss me like that, Elledashia." Babala nito sa kanya. "Bigyan mo 'ko ng magandang paliwanag kung bakit magkasama kayo ng lalaking iyon sa ganitong oras ng gabi!" Patuloy nito na lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa kanyang braso.

Buong pwersa naman niyang iwinasiwas ang braso mula rito at nagtagumpay naman siya. Nanggigigil na hinarap niya ito.

"Ano bang pakialam mo kung kasama ko si Gio, ha? Ano bang mali do'n?" Mahina ngunit nanggagalaiting tanong niya rito.

Pagalit siya nitong hinawakan sa magkabila niyang braso upang magkaharap sila.

"May pakialam ako because I am damn jealous, Elledashia. You shouldn't be with that boy. You shouldn't be with any other man than me!" Matigas nitong pahayag. And jealousy was now written all over his angry face.

So, Axle was damn jealous over Gio? She feels flattered. But at the same time, irritated! Ano bang karapatan nitong magselos? Wala siyang natatandaang relasyon sa hudyong ito sa mga nakalipas na panahon kaya wala itong karapatang umakto nang ganoon ngayon.

"At kanino dapat ako mapunta, Axle? Sino ang dapat kong pakisamahan? Baka nakakalimutan mong pag-aari na ako ng lalaking pakakasalan ko." Asik niya rito.

Nag-igtingan ang mga bagang nito habang galit na galit na nakatingin sa kanya. Pabalya siya nitong itinulak sa kama sanhi upang mapaupo siya. Itinapat ng binata ang galit na galit nitong mukha sa kanya.

"Where is your damn fiancé, huh, Elledashia? Nasaan ang lalaking pakakasalanmo? 'Di yata't ilang buwan ng nakakalimot sa obligasyon sa'yo." Mariing sabi nito bago gumuhit ang nakalolokong ngiti sa mga labi nito. "At ikaw naman, ilang buwan pa lang ang lumilipas na wala ang nobyo mo'y nagkakaganyan ka na. You are flirting with a boy and acting as if you are more than willing to be laid." He jerkily added.

At hindi nagustuhan ni Elledashia ang pinupunto ni Axle. Hinahamak ng binata ang pagkababae niya. Tinitignan siya nito sa na para bang mababa siyang uri ng babae. Kaladkarin, ika nga ng iba.

Sinampal niya ito ng ubod ng lakas.

"Bastos!" Bulyaw niya rito.

Mariin nitong sinapo ang magkabila niyang pisngi.

"Bakit? Totoo naman, 'di ba?" Nang-uuyam ang tono nito. "Hindi ko alam kung paano mo nagagawang pigilan ang sarili when everytime that I kiss you, you are more than eager to respond. You are beyond willing to share passion and admiration to my sensational kiss. You are losing your mind pero nakokontrol mo. At mas lalong hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob mo para pigilan ako no'ng gabing 'yon when you are already aching for some more. Don't you dare deny it, sweetheart. I can feel the heat coming out from your body. I can see desire in your eyes. I can sense temptation from you mere movements. Alam kong wala ka na sa sarili mo nang mga sandaling iyon but you didn't gave in. And I wonder why." Pagtatapos nito sa pang-uuyam sa kanya.

Hindi niya hahayaang humulagpos ang galit niya ng mga sandaling iyon. Matatalo siya. Lalo lang nitong mapapatunayan ang pang-uuri nito sa kanya. She knew better. Alam niyang sinusubukan lang siya ng binata. At wala siyang balak na mahulog sa pain nito.

But she knew how to play. Nagkakamali ito kung sa tingin nito'y wala siyang ibabatbat. Bakit? Ito lang ba ang may kakayahang maliitin at hamakin siya? She can do better than that. Especially when provoked.

She smirked as she looked straight into his eyes. She must not look affected. She must look triumphant.

"You sure you wanna know why I didn't gave in?" Hamon niya kay Axle.

Bahagya niya itong itinulak palayo sa kanya at siya naman ang tumayo. Marahan niya itong pinaupo sa ibabaw ng kama at mukha naman niya ang itinapat rito.

"Hindi mo talaga alam?" Nakangising tanong niya rito saka bahaw na tumawa. "Yes, Axle, I am responding to your kisses. Why, it was my childhood dream to taste your lips." Makatotohanang sabi niya rito saka hinaplos ng hinlalaki ang mga labi ng binata. "I always thought that you have the sweetest lips ever. I thought that this will always be the kissable one. But you know what? Habang hinahalikan kita, I've realized something. I realized that you weren't enough to keep the fire burning, Axle, dear." Aniya saka hinaplos ng hintuturo niya ang pisngi nito. "You know, I suddenly feel bored. My instinct told me that you can not satisfy the burning desire coming out of my body. I can also tell that you can not even level on it. You don't excite me, Axle. In as much as I don't want to disappoint you, honey dear, I needed to drop you or we'll both suck. Ayoko namang magpretend na nag-eenjoy sa'yo. I always want it to be enticing and exciting. Just like what I and Fabio do it." Mahaba at punumpuno ng seduksyon na sabi niya sa binata.

At nagustuhan niya ang reaksyong nakuha sa binata. Lalong nag-apoy ang mga mata nito sa galit. Naglilitawan na ang mga ugat nito sa leeg. Why not? She just hit his ego.

Mabilis na tumayo si Axle saka siya hinawakan sa leeg at isinadlak sa pader.

"Damn you, Elledashia." Mura nito sa kanya. "Sinisigurado ko sayong babawiin mo lahat ng sinabi mong 'yan sa'kin. Kakainin mo lahat ng 'yan at mahihiya ka sa sarili mo na ikinumpara mo ako sa isang walang kwentang lalaki." Nanggigigil na sabi nito sa kanya bago siya binitawan at iniwan.

Nanggigipupos na dumausdos siya paupo sa sahig. Nakakaubos nang pasensya si Axle. Nawawala siya sa katinuan niya sa bawat oras na nagtatalo silang dalawa. Nakakabaliw ang lahat ng kaganapan sa pagitan nila ng binata.

Masyadong pabago-bago ang ugali na ipinapakita nito sa kanya. Ngunit madalas na ipakita nito ang pagkaarogante sa kanya. Gaya na lang ngayon, akala nito kung sino ito para bastusin at insultuhin siya. Mabuti na lamang at nakahanda siyang makipagpalitan ng insulto dito. And it looks like she won.

Subalit wala siyang sangkaterbang lakas, pasensya at pang-unawa para sa lalaking ito. Hindi niya alam kung hanggan saan at hanggang kailan niya ito matatagalan. Kaya kung hindi ito lalayo ay siya nalang ang lalayo rito.

Pumikit siya at sa pagpikit ay lumitaw ang mukha ni Axle kani-kanina lang. He looked insulted. She had never seen his face like that before. Siguro naman madadala na ito. Maiisipan na rin siguro nito na tigilan siya.

×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×

We are about to reach the end, guys! Salamat po sa walang sawang pagbabasa! Sana po, tangkilin niyo pa rin ang iba ko pang ilalabas na mga story...

Keep safe and enjoy reading.😘

Godbless po

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon