Chapter Twenty Two

528 25 4
                                    

Escort

Araw ng anibersaryo ng mag-asawang Al-Sazam. Kahit ayaw dumalo ni Elledashia ay hindi naman maaari dahil siguradong magtatampo sa kanya ang mag-asawa. Hindi rin naman magandang dahilan ang mababaw niyang rason na ayaw niya lang makita si Axle sa pagtitipon na iyon.

Isa pa, hindi siya katulad ni Axle na kayang isantabi ang isang mahalagang okasyon ng pamilya para sa isang taong wala naman kinalaman sa buhay nila.

Isang pamilya silang nagtungo sa pagtitipong iyon. Agad na sumalubong sa kanila si Axle. Binati nito ang kanyang mga magulang at nakipagkamay sa kanyang kuya. At nang siya na ang babatiin nito ay nagbago ang hilatsa ng mukha nito. Mukha itong naiirita.

Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Tinaasan niya ito ng kilay.

Napakaelegante ng suot niya na humahakab sa katawan niya. She shows off her skin and proudly flaunted her sexy body.

Isang gold sparkly sequined haltered gown ang suot niya na ang neckline ay deep flow na halos makita na ang kanyang pusod. Her cleavage were on a completely show-off. It was a whole backless dress kung saan lantad na lantad ang kanyang buong likod na hanggang balakang niya ang kita.

She won't mind what people would think about her for wearing dress like this. Afterall, she's a fashion designer. She must wear elegant dress and look very glamorous. Magiging kahiya-hiya naman kung isa siyang fashion designer na hindi kayang magdala ng damit na gawa niya. One more thing, those people are their people. They must have some decency to talk about her, right?

Axle kissed her on her forehead. Saka nito kinuha ang kamay niya at isinukbit sa braso nito. Wala na siyang nagawa kundi umabrisiete rito habang pumapasok sa loob ng bulwagan.

Nagbatian ang kanilang pamilya.

"Happy anniversary, Tito Hannuf and Tita Xania." Bati niya sa dalawa saka humalik sa mga ito.

"Salamat, hija." Pasalamat ng ginoo sa kanya.

"You look stunning, hija. You look great as ever." Papuri sa kanya ng ginang.

"Tita, talaga." Nakangiting sabi niya rito.

"Ganyang-ganyan din itong si Tita Xania mo noong bago kami ikasal. Pagkaganda-ganda." Pagbibida ng ginoo sa asawa nito.

"Nambola pa 'to." Kinikilig na siniko ng ginang ang asawa bago siya tinignan. "Siguro, ganyan talaga kapag ikakasal na, lalong nagiging blooming." Patuloy ng ginang na nginitian niya.

Naagaw lang ang atensyon nila nang magsalita na ang emcee ng programa. Ipinanghila siya ng upuan ni Axle ngunit hindi nakalagpas ang hitsura nito sa kanya. Mukha pa rin itong iritable at nababanas sa isang bagay na hindi niya alam kung ano. Busangot na busangot ang mukha nito. Muli ay tinaasan niya ito ng kilay nbago tuluyang naupo.

Nasa kalagitnaan na sila ng programa kung saan maaaring magsayaw ang mga nais magsayaw. At inimbitahan siya ni Axle na magsayaw kahit na pasimple niya itong tinatanggihan.

Hawak-hawak nito ang kamay niya habang patungo sila sa espasyo kung saan may mga magkakapareha rin na nagsasayaw.

Nagharapan na sila ng binata at agad siya nitong hinapit sa kanyang likuran sanhi upang lalong magkadikit ang kanilang katawan. Hinapit siya nito ng ubod ng higpit na kahit tangkain niyang lumayo rito ay hindi niya magagawa. Tumatama na rin ang mabangong hininga ng binata sa kanyang mukha sa sobrang pagkakalapit ng kanilang katawan.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon