HappinessIto na ang isa sa mga araw na pinakahihintay ng mga Montecarlo - ang pag-iisang dibdib nina Dylan at Guia. Nais ni Guia na sa simbahan nila sa Mindoro ikasal na sinang-ayunan naman ng mga partido ng Montecarlo. Handa na rin ang bahay na kaagad lilipatan ng mag-asawa sa tabi ng bahay ng mga de Vera. Pero dahil parehas nasa Maynila ang trabaho ng dalawa ay nagpagawa rin sila roon ng modernong bahay sa isa ring eksklusibong sabdibisyon.
Handang-handa na ang lahat. Naghihintay na lang sila ng hudyat ng pagsisimula ng entourage. Hanggang sa isa-isa nang maglakad ang mga magkakaparehang principal sponsors. Maya-maya ay kasunod na ang mga secondary sponsors. At nang sila na ni Fabio ang susunod na magkaparehang maglalakad ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapatingin kay Axle na nasa altar na siyang best man ng kanyang kuya.
Gusto niyang maglihis ng tingin ngunit parang may magneto ang tingin nito sa kanya na nahihirapan siyang putulin ang koneksyon sa pagitan nila. Pakiramdam niya'y nagbago ang buong paligid kagaya nang madalas mangyari noon sa tuwing nariyan si Axle. Bigla ay nakita niya ang sarili bilang bride at hindi bilang abay. At si Axle na nasa altar na katitigan niya ay ang kanyang groom.
Just like before, everything is magical. Everything is fantastically amazing. Naging mabagal ang pag-inog ng kapaligiran, naging mabagal ang pagkilos ng mga tao na ubod ng saya para sa kanila at silang dalawa lang ni Axle ang nagkakaintindihan sa mga oras na iyon.
"Are you okay?" Ang tanong na iyon ng nobyo ang nagpabalik sa wisyo ni Elledashia.
"Y-Yes." Sagot niya saka ito nginitian.
Pagkatapos nilang magmartsa ay naghiwalay na sila. Muling napagawi ang tingin niya kay Axle. At hindi niya alam kung nananadya ba ang lalaki dahil nakatingin din ito sa kanya. Intently and obviously.
And she once again daydreamed. Na matagal na panahong hindi nangyari sa kanya. Lalong hindi kailanman nangyari sa nobyo niyang si Fabio. At ipinagtataka niya ang bagay na iyon dahil kay Axle lang talaga nangyayari iyon.
A pang of guilt sliced her heart. She's being unfair to Fabio. And to think that Fabio is her fiancé.
Wala pa itong alam tungkol kay Axle bukod sa kababata nila ito at matalik na magkaibigan ang dalawang pamilya na magkasosyo sa trabaho. Hindi niya inaabala ang sarili na sabihin kay Fabio ang tungkol sa kabaliwan niya kay Axle. Isa pa, wala naman silang naging relasyon ng binata. Hindi malabong pagtawanan siya ni Fabio kapag sinabi niya ritong kaya siya pumunta sa Paris ay upang makalimot at magmove-on mula sa isang one-sided love story.
Nagbawi siya ng tingin. Tinignan niya ang mga susunod pang abay. Hanggang sa pagkakataon na ng bride na magmartsa patungo sa altar. Napakaganda nito. At halatang-halata ang kasiyahan sa mukha nito.
Bigla siyang napaisip.
Handa na ba siya sa panibagong yugto ng buhay niya? Handa na ba siyang suungin ang buhay may asawa?
Bakit bigla ay pumasok ang mga katanungang iyon sa kanyang isipan? Nagdududa ba siya? Nag-aalinlangan kaya?
Tinanaw niya ang nobyo na nakatingin din pala sa gawi niya. He looked at her with fondness in his eyes. Kahit kailan man ay hindi nagbago ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Lagi siya nitong tinitignan as if he is falling in love with her over and over again.
Sa mahigit isang taon ng panliligaw nito sa kanya at sa mahigit na dalawang taon nilang magkarelasyon ay lagi nitong ipinararamdam sa kanya na mahal na mahal siya nito. Wala itong naging pagkukulang sa kanya. And there is no doubt he will be a lovable husband and an amazing father.
Kumaway at ngumiti ito sa kanya na nginitian niya rin ng pagkatamis-tamis. She knows deep in her heart that being with Fabio forever will be the luckiest thing to happen in her life.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...