Chapter Twenty Three

532 18 1
                                        

A Breath of Fresh Air

Kasalukuyang nagmemeryenda sa hardIin ang mag-asawang Dylan at Guia kasama si Elledashia. Nagkukwentuhan ang mga ito tungkol sa pagbubuntis ni Guia. Nasa unang trimester ito ng pagbubuntis at medyo maselan ang kalagayan nito. Kaya naman napagdesisyunan ng kuya niya na manatili muna silang mag-asawa sa bahay ng mga ito sa Mindoro.

"Elle, you may take a vacation there. Sama ka sa'min. Take a week of vacation or two." Yaya sa kanya ng hipag.

Agad naman niyang nagustuhan ang ideyang iyon.

"I would love to, Ate." Masaya niyang pagsang-ayon dito.

"Siguradong magugustuhan mo ang bakasyon mo do'n, Elle." sabi pa ng Kuya niya.

"Hey, hey, hey." Singit ng isang pamilyar na tinig. "Tama ba ang dinig ko? Bakasyon?" Patuloy ni Axle nang makuha na nito ang atensyon ng lahat.

"'Tol, come join us." Yaya ng Kuya Dylan niya rito saka nagbatian ang mga ito.

Tinanguan nito si Guia kapag kuwan saka siya hinalikan sa noo na hindi niya naiwasan bago ito naupo sa tabi niya.

Nagpakuha ng meryenda ang kuya niya para kay Axle.

"How's the mother to be?" Tanong ni Axle kay Guia.

"Heto, medyo maselan ang unang tatlong buwan ko. Sabi ng ob ko, magpahinga daw muna ako. Kaya napagdesisyunan muna namin nitong si Dylan na magbakasyon muna sa Mindoro. A change of environment will be of great help sa mga maseselan magbuntis. Sasama rin sa amin itong hipag ko. Ikaw, baka gusto mong sumama." Imbita ni Guia kay Axle.

Magsasalita sana siya upang pigilan ang pagyayaya nito ngunit naunahan na siya ni Axle sa pagsagot.

"I'd love to." Nasisiyahang sagot ni Axle.

Narinig nila ang pagtawa ni Guia.

"Your answers were the same." Anito na ang tinutukoy ay ang sagot nilang dalawa.

"So, kelan ba ang magiging bakasyon natin?" Interesadong tanong ni Axle sa mga ito.

Bigla ay nawalan ng interes si Elledashia sa bakasyong iyon. Nararamdaman niyang hindi naman siya mag-eenjoy roon. Iyon nga lang, kahit gustuhin man niyang umatras ay wala na siyang magawa. Naka-oo na siya sa kapatid at hipag. Baka kung ano pa ang isipin ng mga ito kapag bigla siyang umatras dahil lang sa makakasama nila si Axle.

Matapos makakuha ng clearance at referral ang hipag ni Elledashia na si Guia mula sa obstetrician-gynecologist nito ay bumyahe na sila patungong Mindoro.

Naging maayos naman ang byahe nila kung hindi lang kay Axle na sa tuwina ay nakadikit sa kanya. Ginawa niya ang lahat ng magagawa upang makaiwas dito ngunit sadyang makulit ang binata.

Nang makarating sa bahay ng mag-asawa ay agad nilang inayos ang kanilang mga gamit. At kung talagang susuwertehin ka ay magkatabi pa ang kwarto nila ni Axle sa ikalawang palapag. Ang mag-asawang Dylan at Guia ay ang isa sa mga kwarto ssa unang palapag ng bahay ang inokupa upang hindi mahirapan ang babae sa pag-akyat-panaog nito sa silid.

Makalipas ang ilang sandali ay maayos na ang mga gamit ni Elledashia. Sarili naman niya ang inasikaso niya dahil sa tahanan ng mga de Vera sila maghahapunan na kalapit-bahay lang ng mga ito.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon