Chapter Twenty Eight

530 25 2
                                    

Scandalous

Kaarawan ni Axle nang araw na iyon. Alam ni Elledashia na isang malaking pagdiriwang na naman ang gaganapin para sa selebrasyon ng kaarawan nito ngunit hindi siya dumalo. Wala siyang balak na makipagkita sa binata kahit pa kaarawan nito. Idinahilan niya sa mga magulang ang masama niyang pakiramdam kahit wala naman. Umalis ang mga ito na hindi siya pinipilit.

Tinungo niya ang kanyang walk-in closet. Mula sa isang cabinet ay inilabas niya ang isang kahon. Binitbit niya iyon at ipinatong sa ibabaw ng kanyang kama.

Binuksan niya ang kahon at pinagmasdan ang mga nasa loob niyon. Doon niya inilalagay ang mga regalo niya para sa binata sa tuwing kaarawan nito. Pati na rin ang regalo niya rito kada pasko.

Isa-isa niyang inilabas ang laman ng kahon. Una niyang inilabas ang isang kahon ng necktie na ang tatak ay Hermes. Anim ang laman niyon. At habang binibili niya iyon ay iniimagine niya pang inaayos iyon sa suot na tuxedo ng binata sa tuwing papasok ito sa opisina. Ito ang regalo niya sa unang kaarawan ng binata na wala siya.

Sunod niyang inilabas ay ang isang leather bag na gawa ng Arsente. Kilalang brand din sa Paris na gumagawa ng mga bag panlalaki. Christmas gift niya iyon sa binata sa unang taon niya sa Paris.

Pangatlo ay ang Louis Vuitton belt na regalo niya sa ikalawang taon ng kaarawan ng binata at wala pa rin siya. Tatlo pa nga ibinili niya para sa binata.

Sumunod ay ang christmas gift niya ulit sa binata na Messy Weekend Sunglass. Binili niya ito sa South Korea nang imbitahan siya roon ng isang South Korean Fashion Industry upang magbigay ng isang speech na pinaunlakan naman niya.

Sa sumunod na birthday ng binata ay binilhan niya ito ng pabango na ang tatak ay Fragonard sa City of Grass sa France na kilalang gawaan ng pabango.

Sa huling taon ng pasko niya sa Paris ay ibinili niya ng ginintuang relo ang binata na ang tatak ay Givenchy. Sa katunayan ay may pares ang relong iyon na madalas niyang gamitin.

Muli niyang itinabi sa kahon ang kanyang mga regalo para sa binata saka muling tinungo ang kanyang cabinet. Inilapag niya roon ang kahon saka binuksan ang isa pa niyang cabinet. Kinuha niya roon ang isang asul na tuxedo na gawa ng Hugo Boss at siya sanang regalo niya para kay Axle ngayong kaarawan nito. Ito sana ang ipasusuot niya sa binata. Iyon nga lang, everything did not go according to plan. Nagulo ang lahat.

Muli niyang isinabit ang tuxedo sa cabinet. Marahil nga ay talagang nasobrahan siya ng pagkahumaling sa binata. Na sa nakalipas na mga taon, sa kabila ng ginawa nito sa kanya, ay hindi kailan man ito nawaglit sa isip niya. Mayroon na siyang nobyo ngunit kahit kailanman ay hindi niya nakaligtaang bilhan ng regalo si Axle kahit hindi naman nito alam at hindi natatanggap.

Napabuntong hininga siya saka humiga sa kanyang kama. Mag-aalas once na ng gabi ngunit hindi pa siya inaantok. Narinig niya ang pagdating ng sasakyan na sigurado niyang ang kanyang mga magulang ang sakay. Marahil ngayon lang natapos ang selebrasyon ng kaarawan ni Axle.

Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya ngunit muling nagsara nang siguro'y akalaing tulog na siya. Marahil na ang kanyang ina ang sumilip.

Pinilit niyang makatulog ngunit sadyang hindi niya magawa makalipas ang isang oras. Hanggang sa makarinig siya ng tunog ng sasakyan sa labas. Napakunot siya ng noo ngunit hindi siya nag-abala na bumangon. Hanggang sa nakarinig siya ng nagkakaingay sa labas. Animo'y kalabog ng pinto at mga nagtatalong tinig.

Umupo siya saka pinakiramdaman ang paligid.

"Dash, lumabas ka d'yan! Mag-usap tayo!" Sigaw ng isang pamilyar na tinig mula sa ibaba ng bahay nila.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon