Chapter Twelve

463 21 31
                                    

Apology

Pasado alas onse na ng gabi ngunit gising pa rin si Elledashia. Sa kabila ng pagod sa pagbiyahe kanina ay hindi niya magawang makatulog. Paano, hindi mawaglit sa isip niya ang naging pag-uusap nila ni Farrah kaninang hapon.

Iba ang naging tama sa kanya ng mga sinabing iyon ng dalaga. Marami siyang naging realisasyon sa mga sinabi nito. Isa na roon ang malungkot nitong buhay sa kabila ng kasikatan at karangyaan. Pero, may kung ano siyang pakiramdam na bukod doon ay may iba pa itong pinagdadaanan ngayon. Kung ano man iyon, hahayaan na niya sa dalaga.

Kinuskos niya ng dalawang palad ang magkabilang braso dahil sa lamig na nararamdaman. Kasalukuyan siyang nasa terasa sa unang palapag ng villa kung kaya naman damang-dama niya ang lamig ng simoy ng hangin.

"Bakit gising ka pa? Hindi ka ba makatulog?" Tanong sa kanya ng isang pamilyar na tinig.

Lumunok siya bago niya tinignan sandali si Axle.

"Excuse me." Aniya saka akmang tatalikod na sa binata ngunit naging maagap ito sa paghawak sa braso niya.

"Sorry." Maya-maya'y pabulong na sabi nito.

"Para saan?" Sarkastikong tanong niya sa binata. "Sa pagkakatanda ko, hindi ka pa naging bastos sa'kin kahit kailan. At hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong maging bastos sa'kin." May himig ng hinanakit sa boses niya.

Tuluyang humarap sa kanya si Axle saka ginagap ang isa niyang kamay.

"I admit, I became so rude earlier. Please accept my apology. Pasensya ka na." Hinging paumanhin ng binata. "It's just that, I am just asking for a privacy on this matter. Ngayon lang. Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik ni Farrah, alam mo 'yan. I want to settle things with her. At wala ng ibang pagkakataon maliban dito." Giit ni Axle sa kanya sa malumanay na paraan.

"So, that's your excuse for being rude to me?" Angil niya. "Bakit ba kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa babaeng 'yon, ha? Hindi mo ba nakikita? Hindi ka na niya mahal. Hanggang pagkakaibigan na lang ang kaya niyang ibigay sa'yo." Patuloy niya.

Binitawan ni Axle ang kamay niya saka nito hinaplos ang sariling buhok.

"I can make her fall in love with me, Elledashia. And maybe this time, she will choose to stay." Nababakas sa tinig nito ang pagkadesperado.

Tinignan niya si Axle. Pilit niyang inuunawa ang emosyong nasasalamin niya sa mga mata nito. Nakikita niya ang paghihirap ng kalooban nito. At humihingi rin ito ng pang-unawa sa kanya.

Ang pagmamahal ba nito sa dalaga ay katulad ng pagmamahal niya rito? Walang sukatan at walang timbangan? Walang makapagsasabi kung kailan matatapos at magwawakas?

Ngunit bakit kailangan pang iba ang itibok ng mga puso nila? Bakit hindi na lang silang dalawa?

Panahon na ba upang magparaya siya? Panahon na ba upang sabihin niyang talo na siya at isuko na niya ang labang matagal na panahon na niyang sinimulan.

Bumuntong-hininga siya saka tumango-tango sa binata.

"Aalis na 'ko bukas. Pasensya na sa istorbo." Iyon lang at tuluyan na siyang tumalikod dito.

Sa kwartong inookupa ay agad niyang inilabas ang mga gamit na kanina lang naayos. Muli niyang ibinalik ang mga damit sa maletang dala. Inilagay na rin niya sa pouch ang mga personal hygien na dala-dala.

Marami-rami rin siyang dala kung kaya't natagalan siya sa pag-aayos. Lagpas ala-una na ng madaling araw nang matapos niya ang ginagawa.

Malungkot siyang bumuntong-hininga. Nag-isip-isip at nagmuni-muni ng mga bagay bagay.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon