Chapter Twenty Nine

596 21 1
                                    

Love is all that Matters

Matapos ang sandaling usapan at kasunduan ay hinayaan sila ng mga magulang niya na makapag-usap ng sarilinlan. Nagtungo sila sa gazeebo sa likod ng bahay upang doon mag-usap.

Nakatalikod si Elledashia sa binata habang nakatanaw sa swimming pool nang biglang ipinulupot ni Axle ang mga braso sa beywang niya at isubsob ang mukha sa leeg niya.

"Bakit hindi ka pumunta sa birthday ko?" May himig pagtatampo sa boses nito.

"Don't ask. Alam mo namang galit ako sa'yo, eh." Pagtataray niya sa binata.

Naramdaman niya ang pagbuntong-hininga ng binata bago kumalas sa kanya at pinihit siya paharap rito.

"I'm sorry, okay?" Masuyong sabi nito saka inabot ang kanyang mga kamay at dinampian iyon ng halik. "Alam kong hindi ko dapat pinuntahan si Farrah nang araw na iyon but she and her daughter were in danger at that moment." Pahayag nito na nakakuha sa atensyon niya.

Iginiya siya ng binata na maupo.

"Farrah has been a battered wife." Umpisa ni Axle. "Noong magpunta siya rito sa Pilipinas ay hindi niya pa alam na nagdadalang-tao siya. No'ng magdesisyon siyang tumakas mula sa manager niya upang magbakasyon ay napansin ko na agad na may mali. Parang naging balisa si Farrah. At habang bakasyon ay nakumpirma nga niya na nagdadalang-tao siya ngunit ayaw panagutan ng lalaki na isa ring modelo. He is asking Farrah to abort the child which she can't do. To save her from controversy, I repeatedly told her that I will father the child which she repeatedly refuse. Ayaw niyang ipasa sa akin ang obligasyon ng iba at ayaw niyang ako naman ang malagay sa alanganin." Salaysay ng binata.

"Kumalat ang balita ng pagdadalang-tao ni Farrah. And because they are model, not to mention famous in their industry, naging laman sila ng usap-usapan. In order to kill the bad image, the guy proposed to Farrah. Hanggang sa naikasal na nga silang dalawa. And as what usually happens in their career, once na nasangkot ka na sa isang issue, siguradong masisira ang career mo. As for Farrah, wala namang problema sa kanya. She already fulfilled her dreams for her family. Pero 'yong guy, ibinunton lahat ng sisi kay Farrah. Kesyo kasalanan daw ni Farrah kung bakit nasira ang magandang image ng lalaki at kung bakit nawalan ito ng magandang career."

"Nang minsang makasalubong ko sa isang mall si Farrah at ang anak nito, nagulat ako sa hitsura ni Farrah. Pinilit ko siyang magtapat sa'kin at sinabi nga niyang sinasaktan siya ng asawa niya. I offered help but she refused. Sinabi niyang naniniwala siyang magbabago raw ang asawa niya. But the moment she called me was different. She's asking for help which I actually did. Walang kasing ibang nakakaalam ng sitwasyon niya maliban sa'kin. Ayaw niyang mag-alala ang pamilya niya sa kanya. It took me days to get back at you kasi tinulungan ko siyang magfile ng kaso sa asawa niya. Tinulungan ko rin siya na magpaliwanag sa pamilya niya and she's back with them now." Mahabang kwento ni Axle sa kanya.

Hindi niya alam na ganoon pala ang sinapit ng buhay ni Farrah. At nagagalit siya sa lalaking umalipusta rito because Farrah doesn't deserve that. She's very pure and generous. Lahat ng ipinakita nito sa kanila ay totoo. At naging napakabuti sa kanya ni Farrah kahit na sandaling panahon lang sila nagkasama. Kung sana lang nalaman niya agad ang tungkol doon noon, baka natulungan niya pa ang dalaga.

"So, everytime that Farrah needs you, you will always leave me behind, ganoon ba?" Naninibughong tanong niya rito.

"Of course not. You will always be my top priority, love." Anito saka sinapo ang kanyang mukha.

"Talaga lang, ha?" Aniya sa binata saka iniiwas ang mukha rito saka muling tumayo.

"Bakit mo sinabi kina Mommy and Daddy na matagal mo na 'kong mahal? Don't you think that lying to them will not do you good?" Diretsa niyang tanong na muling nakatalikod rito.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon