Chapter Eight

468 17 1
                                    

Her Help


Masyadong naging abala si Elledashia sa kanyang pag-aaral. Katapusan na ng ikalawang semestre ng ikatlong taon niya sa kolehiyo at ang kanilang pinag-aaralan ay pahirap na ng pahirap. Parami ng parami ang mga ginagawa nila sa eskwelahan. Kung minsan ay pati ang sabado at linggo niya ay napupunuan din ng gawain.

Pero ngayong araw ng linggo ay bakante siya. Makakahinga siya ng maluwag ngayon at makakapagpahinga buong maghapon. Wala siyang balak ayusan ang sarili niya. Pasado alas-onse na ng umaga pero hindi pa rin siya bumabangon, ni hindi pa nakakapag-almusal at hindi pa rin nakakapagmumog man lang. Balak niya lang ay humilata at magcellphone. She will breath today and free herself.

Dahil wala naman siyang napapala sa kanyang facebook, instagram at twitter ay ipinasyang matulog na lang ulit. Inilapag na niya ang cellphone sa bedside table nang bigla itong magring.

Kumunot ang noo niya pero wala siyang balak sagutin ang tawag. Natapos ang pagring niyon ngunit muling tumunog. Hindi niya pa rin sinagot. Hanggang sa ikaapat na tawag ay napilitan na siyang sagutin iyon. Tinignan niya ang pangalan at ganoon na lang ang pagtahip ng kanyang dibdib nang makitang si Axle pala ang tumatawag. Mukhang may emergency.

Umupo siya saka sinagot ang tawag.

"God, Dash. What took you so long to answer the phone?" Naiiritang bungad nito sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya rito.

"I need you help." Sabi nito.

Kumunot ang noo niya dahil sa kuryosidad. This is the first time that Axle is asking for her help.

"Puntahan mo 'ko ngayon din, Dash. You have to pretend that you're my girl. I really really need your help. Dalian mo." Anito sa nagmamakaawang tinig.

Tumaas ang kilay niya. She will help Axle by pretending to be his girlfriend?

"Wait, Axle. I don't understand." Naguguluhanh sabi niya rito.

"I'll explain later. Basta, puntahan mo na 'ko agad. Please. And be good in acting. I'll hang up now." Nagmamadaling sabi nito saka pinutol na ang tawag.

Madaling madali niyang inayusan ang kanyang sarili at ilang sandali pa ay pumapasok na siya sa loob ng restaurant na sinabi ng binata.

Nilinga niya ang paligid at sa mesa sa bandang dulo ay nakita niya si Axle. Bahagya itong nakatalikod sa kanya kaya tanging ang mukha ng babaeng kasama nito ang nakikita niya.

Base sa kanyang obserbasyon ay mukhang ayaw ni Axle ang babaeng nasa harapan nito. Is she his date? Ang cheap, ha!

Maganda pero parang retokada. Ang dalawang braso nito ay nakapatong sa lamesa at parang sinasadya nitong ipakita ang cleavage nito sa mga mata ni Axle. Hindi pala parang dahil sinasadya nitong ihain sa lamesa ang retokadong mga dibdib nito. The girl is slim at imposibleng may natural itong hinaharap.

She walks gracefully at the same time, sexy. She walks like a beauty queen full of sophistication. At nang marating na niya ang mesa ng mga ito ay agad siyang pumorma na animo'y isang possessive na girlfriend.

"L-Love" Nauutal na tawag sa kanya ni Axle.

She knew that it was part of the act pero nang mga sandaling iyon, parang mas gusto niyang kiligin. Parang gusto niyang paniwalain ang sarili niya na totoo ang endearment na iyon sa kanya ng binata. Oh, how she wished it was indeed true.

"Love?" Hindi makapaniwalang bulalas ng babae na lalo niyang napatunayang talagang retokada dahil sa medyo tabingi nitong ilong.

She raised her eyebrow before she threw a deathly glare to the girl in front of him.

"What's the meaning of this Axxain Lennoux?" Mataray niyang tanong habang sa babae nakatingin.

"Ahhmmm-"

"Ano? Wala kang maisagot?" Putol niya sa sinasabi nito. "In six months time magiging tatay ka na. Ganyan ba 'yong gusto mong ituro sa magiging anak natin?" Pauyam niyang tanong sa binata.

At parang gusto niyang matawa sa nakuha niyang reaksyon sa binata. Parang gusto nitong sabihin sa kanya na sumobra ang acting niya. Pinandilatan pa siya nito ng mata.

"W-Who's this girl, Axxain?" Maarteng tanong ng babae na tumayo at itinuro siya.

"Don't ask dahil mapapahiya ka lang." Babala niya sa babae saka luminga sa paligid. "Or if you'll insist, I'll let you know who I am." Matapang niyang dagdag.

Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya.

"My gosh, Axxain. I never felt this humiliated in my entire life." Nanggigigil na sabi ng babae kay Axle saka padarag na hinablot ang bag nito at nagmamartsang lumabas ng restaurant na iyon. Natanaw pa nila ang pagmamaniobra nito ng kotse nito saka mabilis iyong pinatakbo.

Doon siya natatawang umupo habang sapu-sapo ang tiyan dahil sa pagpipigil niyang humalakhak. Mula sa naging reaksyon ni Axle dahil sa pagsasabi niya na nagdadalang tao siya hanggang sa reaksyon ng babaeng iyon nang malaman nito kung sino siya sa buhay ni Axle ay sapat na para matawa siya.

"You're acting went overboard, Dash." Nakangiting bulong ni Axle habang nakadukwang sa lamesa. "Sinabi mo talagang magiging tatay na 'ko? Grabe ka. Sabi ko, girlfriend lang hindi wife." Anito pero nakangiti. Nagpipigil lang din tumawa.

"Eh, sino ba kasi 'yon?" Natatawang tanong niya sa binata.

"Anak ng kaibigan ng isang investor. Gusto daw ipakilala sa'kin. Hindi ko naman matanggihan. He was the one who arranged this. Lunch lang naman, eh. Kaya lang, sumobra na 'yong pagpapapansin. Nawawalan na ng class. Halatang-halata pa lahat ng mga ipinagawa sa katawan. God." Eksaheradong pagkukwento nito na lalo niyang ikinapilipit sa pagtawa.

"Akala ko, ako lang ang nakapansin sa salamat dok na beauty niya." Sabi niya kapag kuwan saka sila muling nagtawanan.

Maya-maya ay tinawagan nito ang isang waiter at iniabot doon ang card. Ilang sandali pa ay ibinalik na ng waiter ang card sa binata.

Tumayo si Axle at pumunta sa gilid niya. "So, sa'n mo gustong pumunta ngayon?" Anito saka inilahad ang isang palad sa harap niya.

Pinaningkitan niya ito ng mata.

"Are you asking me out, Mister?" Pilyang tanong niya rito.

Nagkibit-balikat ito. "Well, you could say that." Sagot nito.

Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti saka tinanggap ang nakalahad na palad nito. Inalalayan siya nitong tumayo saka nito inilagay ang kamay niya sa braso nito.

They left the restaurant looking like a happy couple. Well, they are indeed happy because of what they did. And Elledashia will be more than happy if she and Axle are truly a couple.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Naiimagine niyo ba kung gaano kagwapo si Axxain Lennoux Al-Sazam? Kung hindi, search niyo po si Omar Borkan Al-Gala. Siya po 'yong ginamit kong hero dito. Artista, model at photographer po siya sa UAE. Totoo pong nadeport siya noong pumunta sila sa KSA para sa isang business.

Sobrang gwapo kasi talaga so I got inspired na siya po 'yong gamitin kong hero as Axxain Lennoux Al-Sazam. Gumamit din ako ng surname and names na medyo Arab ang dating para medyo makatotohanan.

Just want you to know, guys, na matindi po ang pagreresearch ko sa mga bagay bagay para tumugma ang lahat dito sa kwento nito. #JUSTSHARING

Sana po maappreciate niyo just like how much I appreciate your thoughts, votes and shares. Nagmamakaawa na po si BHEBE CHEEKAY na i-follow niyo na po siya.

Keep safe always, guys and God bless.

Love lots,
Bhebe Cheekay

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon