Dedicated to Rosemariecoz23
Nobody
Ilang linggo nang nakababalik sa bansa ang magnobyong sina Fabio at Elledashia. They spend most of the time making quality time with each other na ngayon lang nila halos nagawa ng malaya at walang iniisip na oras dahil sa Paris ay kapwa sila abala sa kani-kanilang mga gawain.
Noong nakaraan ay magkasama nilang binisita ang kanyang boutique na tanyag na tanyag na sa buong mundo. Kahit noong nag-aaral siya ay naging hands-on pa rin siya sa Passion of Fashion at paminsan-minsan ding tumatanggap ng mga kliyente na personal siyang kinukuhang designer.
Lahat ng kanyang mga tauhan lalo na ang kanyang kaibigan-slash-assistant manager na si Avril ay masayang-masaya na muli siyang makita. Masaya rin ang mga ito nang personal na makilala si Fabio.
Ngayong araw ay nanatili sa mansiyon sina Elledashia at Fabio upang ayusin ang kanilang mga gamit. Sa makalawa na ang pag-alis nilang mag-anak patungo sa probinsya nina Guia sa Mindoro.
Natapos nang mag-empake si Elledashia kung kaya naman nagpasya siyang tulungan ang kasintahan sa pag-aayos ng gamit nito. Tinungo niya ang kwartong inookupa nito at nadatnan niya itong nag-aayos pa ng gamit nito.
Agad siya nitong sinalubong saka masuyong hinalikan sa labi.
"I missed you, hon." Sabi ni Fabio nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
Natawa naman siya.
"You missed me?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "Hon, parang binobola mo ko n'yan, eh. We are on the same roof, 24/7 tayong magkasama, pa'no mo 'ko mamimiss?" Sabi niya sa nobyo habang nakapulupot ang braso sa batok nito.
"Eh, sa namimiss ko ang fiancee ko, eh. Masama ba 'yon." Ungot ni Fabio saka inihilig ang ulo sa kanyang balikat.
Napangiti naman siya.
"Oh, sige na nga. Namiss mo na 'ko." Aniya.
"Hmmm." Ungol ni Fabio saka siya hinalikan sa kanyang balikat, sa kanyang leeg, sa kanyang tainga. His giving her wet kisses.
Napapikit siya sa sensasyong ipinadadama sa kanya ng kasintahan. Napaungol din siya.
"Fab..." She moaned his name.
"Oh, damn, hon." Tugon ng lalaki sa kanya habang patuloy sa paghalik sa kanya.
Hanggang sa bumagsak sila sa malambot na kama. Napapailaliman siya ng binata habang nakapulupot ang kanyang mga braso sa batok nito.
"Hon..." ungol ng binata bago tumigil sa paghalik sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. Alam niyang pinigilan na naman ng nobyo ang sarili nito na angkinin siya.
Masuyo niya ring hinaplos ang pisngi nito habang ang isang kamay niya ay nasa dibdib nito.
Nasa ganoon silang posisyon nang may biglang nagbukas ng pinto ng kwartong kinaroroonan nila.
Then a very domineering man entered the room with a very authoritative image. It was none other than Axle. Naglalabas ng apoy ang mga mata nito dahil sa galit. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit.
"What do you think you are doing the both of you?" Galit na tanong nito.
Noon lang umalis sa pagkakaibabaw sa kanya si Fabio. Noon lang din siya bumangon at umupo sa tabi ng nobyo.
"What do you think we are doing, Mister?" Cool na tanong ni Fabio kay Axle ngunit alam ni Elledashia na nagtitimpi lang ang nobyo.
"Don't fool me!" Mataas pa rin ang boses na sabi ni Axle.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...