Chapter Seventeen

498 24 2
                                    

Dedicated to LorenaBaldonasa
New Beginnings

Dalawang taon ang matuling lumipas at natapos ni Elledashia ang kanyang masteral with of course the highest degree in Institut Francais de la Mode na isa sa prestihiyosong eskwelahan sa Paris. Sigurado siya sa kanyang sarili na marami siyang natutunan sa pag-aaral niya. Alam niyang maraming nadagdag sa kanyang kaalaman sa larangang napili. Kumpiyansa siyang lalo pang nahasa ang kanyang abilidad dahil sa maraming karanasang napulot niya sa magandang paaralan.

At bilang pasasalamat sa eskwelahang ito ay tinanggap niya ang imbitasyon ng mga ito na manatili siya roon ng isa pang taon upang doon magdisenyo at upang magbahagi ng mga kaalaman niya sa industriya sa mga estudyante ng naturang paaralan. Tinanggap niya iyon upang magbalik ng pasasalamat sa eskwelahang nagpalawak sa kaalaman niya. Kaya naman ang dalawang taon ay naging tatlong taon.

Hindi naging madali para kay Elledashia ang buhay sa Paris. Malaking adjustment ang ginawa niya nang magbalik siya sa buhay estudyante. Nariyang nahirapan siya sa pagcommute dahil sanay siya sa Pinas na may tagahatid-sundo. Kailangan niyang magluto ng sariling pagkain na hindi rin naging madali sa kanya dahil sanay siyang pinagsisilbihan sa kanilang mansyon. At mas lalong nahirapan siyang mag-adjust sa inuupahang apartment na maliit pa sa kwarto niya sa kanilang bahay.

Gayunpaman, lahat ng mga iyon ay napag-aralan niyang makagamayan. Hindi madali pero kalauna'y nakasanayan niya. Natutunan niyang kahit papaano ay makipagsabayan sa kultura ng mga ito. At masaya niyang masasabi na lahat ng iyon ay bahagi ng kanyang tagumpay.

Mabuti na lamang din at nakatagpo niya si Fabio Martin - anak ng isa sa mga propesor niya na nagkataong pilipina ngunit nakapag-asawa ng isang pranses. Nagkakilala silang dalawa nang minsan nitong sunduin ang ina nitong si Madame Athena Santos-Martin. Maganda ang propesora kung kaya naman magandang lalaki rin si Fabio lalo na't nahaluan ng banyagang dugo. Nahahawig ang binata sa Hollywood star na si Josh Duhamel.

Isang businessman si Fabio na nagmamay-ari ng ilang restaurant and bakery chain. Nakapalagayan niya ito ng loob at sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila. Noong una ay nagdadalawang-isip pa siya kung tatanggapin niya ang binata sa buhay niya. Hanggang sa nakita niya ang pagpupursige nito sa kanya. Sinuyo siya nito sa mga paraang siguradong kikiligin ang mga babae. Niligawan siya nito sa paraang alam nito na hindi niya ito matatanggihan. Hanggang sa magdesisyon siyang tuluyan na itong papasukin sa buhay niya matapos ang isang taong panunuyo nito sa kanya. She opened up herself for possibilities, for changes and for opportunities. Afterall, ito naman talaga ang ipinunta niya sa Paris-pagbabago.

And the next two years of her life feels light and heaven. Fabio is very thoughful, caring, loving and understanding. Sa dalawang taong relasyon nila ay hindi ito nangahas na lumampas sila sa limitasyon. Akala niya'y imposibleng muli siyang magmahal ngunit nang dumating si Fabio sa kanyang buhay ay binago nito ang kanyang pananaw.

Kaya naman nang yayain siya nitong magpakasal ay hindi na siya tumanggi pa. Siya pa nga yata ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo dahil nagkaroon siya ng halos perpektong nobyo sa katauhan ni Fabio Martin.

Walang hindi nalalaman ang pamilya niya sa siklo ng buhay niya. Lahat ay agad niyang ipinapaalam sa pamilya. At kitang-kita niya ang kagalakan ng mga ito nang ipakilala niya si Fabio bilang manliligaw, hanggang sa maging nobyo at ngayon ay kanya ng fiancé.

Ngayon ang nakatakdang araw ng pag-uwi nila sa Pinas ni Fabio. Uumpisahan na nila ang mga detalye ng magiging kasal nila pagdating nila sa bansa. Ito mismo ang nagpasyang sa Pilipinas sila magpakasal para raw mas mahigpit ang legalidad ng kanilang magiging kasal at para wala rin daw makapaghiwalay sa kanila na pabiro nitong idinagdag.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon