Chapter Eleven

422 12 0
                                    

Misery

Naging napakaabala nang dalawang linggo na lumipas kay Elledashia pero hindi naging hadlang iyon para hindi niya malaman kung ano ang mga pinaggagagawa ni Axle.

Iyon nga lang, dalawang araw bago ang anibersaryo ng kanilang mga magulang ay huli na ng mabalitaan niyang nagfile pala ng leave of absence si Axle. Hindi ito nakadalo sa anibersaryo ng kanyang mga magulang. Ayon sa mga magulang nito na sina Tito Hannuf at Tita Xania ay nagpasabi na ito sa kanyang mga magulang pero hindi niya iyon nalaman agad.

Ang masama pa, ayaw sabihin ng Kuya Dylan niya sa kanya ang kinaroroonan ng binata dahil kabilin-bilinan daw nito na huwag ipapaalam sa kahit na sino kung nasaan ito. Kahit ang mga magulang ng binata ay hindi nakakaalam kung saan ito matatagpuan.

Sobrang nagngingitngit ang kalooban niya!

Pero nakagawa siya ng paraan. Ilang impormasyon lang ang kinailangan niyang ibigay sa kanyang magaling na kapatid at, bwela, ibigay rin nito sa kanya ang impormasyong kailangan. Ibigay ng kuya niya sa kanya ang kinaroroonan ni Axle. Iyon nga lang, hindi niya nagustuhan ang idinagdag nitong impormasyon. Humingi pala ng tulong itong si Farrah kay Axle para itago ito pansamantala sa media.

Kaya naman heto siya ngayon, naglalakbay patungo sa Aurora. Nasa isang private resort daw ang dalawa.

Matapos ang humigit-kumulang walong oras na pagbyahe, sa wakas ay natunton na niya ang naturang resort.

May isang gwardiyang sumalubong sa kanya sa entrada.

"Magandang araw ho, Ma'am." Bati nito sa kanya.

Nginitian niya ito. "Magandang umaga rin ho, Manong Guard. Bisita ho ako ni Axxain Lennoux Al-Sazam at Farrah Gozun." Pakilala niya rito.

Sandali siyang sinipat ng gwardiya saka siya pinatuloy. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho sa mahabang driveway. Ilang mga kubo, villa, hardin at private pools ang nadaanan niya bago niya natunton ang pinakamalaking villa na tinuro sa kanya ng guard na siya raw inookupa ng dalawa.

Malayo-layo pa lang siya ay natanaw na niya ang dalawa na nakaupo sa terasa ng bahay at masayang nagkukwentuhan habang nagmemeryenda.

Lumingon ang mga ito sa direksyon niya at awtomatikong napakunot ang noo ni Axle nang makilala ang sasakyan niya.

Tumayo ito at sinalubong siya.

Bumaba siya ng sasakyan at sinalubong ang nagtatanong na tingin ng binata.

"What are you doing here?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya.

Gustong sumama ng loob niya dahil imbes na salubungin siya nito ng halik, sinalubong siya ng tingin nito na animo'y nagsasabing hindi siya dapat na nandirito. Pero hindi siya papaapekto rito. Hindi siya magsusungit.

"Hello to you, too, darling." Nakangiting bati niya rito gamit ang british accent bago siya pumihit at tinanaw si Farrah na nakaupo pa rin at nakatingin sa direksyon nila. Kinawayan niya ito at nakangiting kumaway rin naman ito sa kanya.

Siya na ang humalik sa pisngi ng binata saka patakbong tinungo ang kinaroroonan ni Farrah na kaagad namang tumayo at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at beso.

"Hey, this is quiet a surprise, Elle!" Nakangiting sabi nito nang magbitaw sila. Kumikislap ang mata nito ng katotohanang masaya ito sa presensya niya roon.

"Well, I really wanted to surprise you." Nakangiting sagot niya rito.

"How long will you stay here, Elledashia?" Tanong ni Axle mula sa likuran niya.

All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon