You're the Inspiration
Nagpalakpakan ang mga dumalo sa opening ng boutique ni Elledashia nang tuluyan na niyang magupit ang ribbon. There were press, business tycoons and famous fashion designers from other countries who are invited in the opening of her boutique named Passion of Fashion.
A year ago, she graduated her baccalaureate degree in Bachelor of Arts in Fashion Design with flying colors. Habang nag-aaral ay madalas na siyang irekomenda ng mga professor niya sa iba't-ibang fashion institute sa loob at labas ng bansa. Pagkatapos na pagkatapos niyang mag-aral ay pinadalhan siya ng isang sikat na university sa Paris ng isang imbitasyon para sa kanyang masteral degree. Pero katulad ng nagdaang mga offer, tinatanggihan niya ang mga iyon. Hindi sa maarte siya o sa kung ano pa man pero wala sa mga iyon ang gusto niya at wala sa labas ng bansa ang puso niya.
Isa pa, hindi siya nagpakahirap nang ganoon para sa ibang tao. Ginawa niya ang lahat ng iyon para sa pamilya niya lalong lalo na kay Axle. Na sa nakalipas na mga taon ng buhay niya ay hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya sa binata. At ganoon din ang binata sa kanya, she has always been treated by him like a sister.
She's loving him for eight years now but to no avail. Pero sabi nga niya, she's a fighter and eight years is not enough to put her down. Nakukuntento na siya sa pagpapapansin sa binata at ginamit niya ang lahat ng iyon bilang inspirasyon. And look where she is right now, starting her life and fulfilling her dreams.
Pagkatapos ng kanyang graduation ay inasikaso niya agad ang pagpapatayo ng kanyang boutique. Marami siyang pinagkonsultahan para sa uumpisahang business at sa tulong ng kanyang pamilya ay nagawa naman niya. At eto nga ngayon, opening ng kanyang Passion of Fashion. She feels so excited and very eager to start her new career. Sa wakas, mas marami na ang makakakita ng mga gagawin niyang damit.
Naramdaman niya ang paghalik ng mommy niya sa kanyang pisngi saka iyon marahang hinaplos.
"I am so proud of you, Elle. So proud." Matapat na sabi ng mommy niya sa kanya na nginitian niya.
Sumunod siyang hinalikan ng daddy niya masuyong hinawakan ang kanyang kamay.
"You made me so proud, anak." Anang daddy niya sa kanya saka dinampian ng halik ang likod ng kanyang mga palad.
Sumunod ang kuya niya na hinalikan din siya sa pisngi.
"Congratulations, sweetheart. You really made it." Bati ng kuya niya sa kanya na masuyo niyang nginitian.
Sunod na lumapit sa kanya si ginang Xania, ang ina ni Axle.
"Oh, hija, I know you can make it." Masayang bati nito sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi.
"Congratulations, Elle. We wish you luck on your new journey." Sabi ni ginoong Hannuf, ama ni Axle at hinalikan din siya sa pisngi.
And then Axle came in front of her. Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi saka ginagap ang kanyang dalawang kamay. Walang nagsasalita sino man sa kanilang dalawa. Basta nakatingin lang sila sa isa't-isa.
"I always know that you can make it, Dash. I'm so happy for you. You never know how proud I am dahil lahat ng pinaghirapan mo, inaani mo na ngayon. I am always here for you whenever problem arises. Congratulations, Dash." Anito saka siya masuyong hinalikan sa noo na madalas nitong gawin. At sa tuwina ay tumatagal iyon ng limang segundo o higit pa.
Nagmulat siya ng mga mata saka sinalubong ang masayang tingin ng binata. Inilagay nito ang kamay niya sa braso nito saka sila naglakad papasok sa gusali kung saan nakadisplay ang humigit-kumulang tatlumpu niyang designs.
Sa tulong ng kanyang mga assistant ay maayos na naaccommodate ang mga bisita. Kitang kita ang kagalakan sa mukha ng mga ito. At halos hindi matapos-tapos ang mga papuring naririnig niya sa mga taong dumalo at nakakakita ng kanyang designs.
She never felt this proud in her entire life. She worked hard for this at unti-unti ng bumubunga ang pinaghirapan niya.
She looks at the man beside her. Bukod sa pamilya niya ay isa rin si Axle sa mga ginamit niyang inspirasyon para marating niya ang posisyon niya ngayon. Nagagalak ang puso niya nang makita ang kasiyahan sa mga mata ni Axle. She knows that he is so much pleased. Ramdam niya na totoo ang mga sinabi nito sa kanya kanina. Masaya siya dahil mayroon na siyang napapatunayan sa binatang minamahal.
Matuling lumipas ang mga araw at naging napakaabala ni Elledashia kasama ang mga assistant niya. Miski kasi ang ibang sikat na mga celebrity sa labas ng bansa ay gustong kuhanin ang serbisyo niya.
Naipahayag kasi sa loob at labas ng bansa ang kanyang mga gawa at unti-unti na siyang nakikilala sa larangan ng fashion industry. Lalo ring dumagsa ang mga invitations na natatanggap niya mula sa iba't ibang modeling agency para sa pagdesign ng mga susuotin ng mga ito o kung hindi naman ay upang gawin siya mismong model.
Kasalukuyan siyang gumuguhit ng ivang disenyo nang makaramdam ng ibang presensiya sa paligid. Nagtaas siya ng tingin at nakita niya si Axle na nakasandal sa hamba ng pintuan.
"Hey!" Nakangiting bati niya sa binata.
"Hey yourself, gorgeous!" Ganting bati nito sa kanya saka tinungo ang kanyang direksyon. "Sobrang busy, ah. Nananahimik ang buhay ko." Biro nito saka umupo sa visitor's chair sa harap ng mesa niya.
Binitawan niya ang lapis saka pilyang ngumiti sa binata.
"Miss me?" Tudyo niya rito.
"Nah... Ang sarap nga ng buhay ko, eh. Payapa." Tanggi ni Axle.
She rolled her eyeballs.
"I am just busy. Don't be jealous of my work." Pang-iinis niya sa binata sabay kindat dito bago tumayo at lumapit sa kanyang personal refrigerator. "What can I offer you, Axle?" Tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang laman ng ref niya.
"How about, start calling me Kuya Axle?" Sagot nito nang makalapit na sa kanya.
Sinara niya ang ref saka tiningala ang binata.
"K-Ku..... K-Ku..... K-Ku..... My gosh! Nahihirapan 'yong bibig ko na sabihin 'yong pinapasabi mo." Eksaheradong sabi niya sa binata na tinawanan nito.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Dash!" Anito sa kanya saka nito tinungo ang balcony sa labas ng opisina niya.
Dalawang canned softdrinks na lang ang inilabas niya mula sa ref at naglagay ng brazo de mercedez cake sa dalawang platito at dinala ang mga iyon sa balcony kung saan may lamesa at dalawang upuan.
Mayroon siyang biglaang meryenda buddy.
-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-
Comment naman po kayo, mga bhebe ko. 😔😔😔
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...