Back-OffBukas ay nakatakdang bumalik si Fabio sa Paris para tignan ang monthly report ng mga negosyo nito na hindi nito personal na napamahalaan sa lumipas na ilang buwan. Tanging nagagawa lang nito ay ang magcheck ng monthly reports gaya ng sasadyain nito bukas sa Paris.
Kasalukuyan silang nasa hardin ng mansiyon at nagkakape pagkatapos ng hapunan. Imbes na sa tabi niya umupo si Fabio ay umupo ito sa kaibayo. At hindi niya alam kung bakit nang araw na iyon ay parang may kakaiba sa nobyo. Katunayan, madalas itong matulala at nagsimula iyon noong matapos ikasal ang kuya niya mga tatlong linggo na ang nakararaan.
"Elle," anito saka tumikhim.
From that, she can tell that something is really wrong. Sa dalawang taong mahigit na relasyon nila ni Fabio ay hindi siya nito tinawag sa pangalan niya. Palaging hon or honey lang na siyang endearment nila.
"I'm calling off the wedding." Walang paliguy-ligoy na sabi nito na talagang ikinabigla niya.
"W-Wait." Aniya saka lumunok. Ayaw iproseso ng utak niya ang sinabi nito. "W-Why... W-Why are calling off the wedding?" Hirap at paputol-putol niyang tanong. "Fab, this is not funny. I-If you are trying to pull some jokes, I'm telling you, hindi nakakatuwa 'to." Babala niya sa kasintahan.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at ang pagyuko. Inaasahan niyang sa muli nitong pagtaas ng ulo ay sasabihin nitong "joke lang, it's a prank", ngunit hindi iyon ang nangyari.
"L-Look, Elle," anito kapag kuwan. Mababakas sa mata nito ang paghihirap. "Mahirap din sa'kin 'to. I've been thinking about this for how many weeks at naglalaban 'yong kalooban ko sa kung anong gagawin ko. Until I've decided that it's better off this way." Mahinahong paliwanag nito sa kanya.
"B-But why? M-May nagawa ba 'kong mali? O, meron ba 'kong dapat ginawa pero hindi ko ginawa? B-Bakit?" Nagsusumamong tanong niya rito.
Tinignan siya nito bago ginagap ang kanyang kamay.
"Elle, wala kang nagawang mali, okay?" Anito saka sinapo ang kanyang pisngi. "I-It's just that, I don't want you to put in uncompromising situation. Ayokong gumawa tayo ng hakbang na hindi tayo desidido. Ayokong dumating 'yong araw na magsisisihan tayo dahil pumasok tayo sa isang bagay na hindi tayo sigurado." Nahahabag na sabi nito. Narinig pa niya ang pagpiyok ng boses nito indikasyon ng sobrang pagpipighati ng kalooban nito.
Subalit hindi niya maintindihan kung ano ang tinutukoy nito? Ang nalalapit ba na kasal nila? Hindi ba't kapwa naman sila sigurado sa pasya nilang iyon. Desidido na silang dalawa na makapag-isang dibdib. Anong sinasabi ni Fabio na kinatatakutan nito.
"I-I'm afraid I'm not getting your point, Fabio." Malungkot niyang pahayag.
Muli itong bumuntong-hininga.
"I think I already knew the reason why you can't love me back the way I love you." Animo'y siguradong sigurado ito sa inilahad samanatalang ang dating sa kanya noon ay isang akusasyon.
"I love you, Fab. And I'm hundred per cent sure about that." Giit niya.
"Don't get me wrong, Elle. I know that you love me. Trust me, naramdaman ko iyon. But your love is more of an affection, Elle. Mayroon pa ring parte nang pagkatao mo ang hindi mo tuluyang binubuksan sa'kin. And now I know that it was your heart na pagmamay-ari ng iba." Saad nito na ikinatulala niya.
Aaminin niyang may malaking bahagi pa rin ng puso niya ang inookupa ni Axle. Sa lumipas na mga taon ay sinubukan niyang papasukin sa puso niya si Fabio. Bagaman sobra-sobra pa ang ginagawa nito para sa kanya ay hindi nito tuluyang nasakop ang puso niya.
BINABASA MO ANG
All I Ask
RomanceSYNOPSIS Sa batang edad ay naging matindi na ang pagkahumaling ni Elledashia sa kababata at matalik na kaibigan ng kuya niya na si Axle. Hindi niya talaga mapigilan ang pagtibok ng puso para binata. Axle is a perfect man that every woman dreamed of...