I'm super late for our first day! Kailangan ko ng mag-madali! First day na first day. Hindi ka na nadala, Sheen. Kasalanan 'to nila Mike at Britney eh! Bakit pa kasi nila ako niyaya magmall at magsamgy? Napuyat tuloy ako!
Sobrang kabado ako ngayon, hindi dahil sa late ako kung hindi bagong buhay na naman ang tatahakin ko sa school year na 'to. Bakit pa kasi kailangang mangyari ito? Aaminin ko, kahit matalino ako, kinakabahan pa 'din ako. Hindi ko kasi talaga bet ang strand na 'to.
Madami na din ang nagbago sa akin, dahil sa mga past ko, but I was thankful for that. Dahil doon, natuto akong tumanggap ng mga pagkakamali at rejections. At......
Nagbago ako ng dahil sakanya.
Pero bakit 'yun pa ang inaalala ko? Hindi naman ako magkaka-ganito kung hindi nawala lahat ng mga kinagisnan naming mga teachers. Bakit ba kasi kailangan pa nilang umalis? Required ba talagang umalis kapag nagiging masaya ka na? Ang unfair.
Konting tiis pa at makakarating na ako sa university. Argh! Hindi pa ako ready makipag-plastikan sa mga bago 'kong teachers. Marunong naman ako makisalamuha, pero kapag ayaw ko talaga, hindi ko na ipipilit. Simple lang ako sa loob ng classroom at sa buong campus pero sa kaloob-looban ko, e kulang nalang patayin ko sila. Well, ganyan talaga ako. Silent but deadly.
Tama nga din siguro ang sinabi nila. Tahimik ako sa labas, pero nasa loob ang kulo ko.
"Fuck, I'm waiting for your reply," inis 'kong singhal, nakaka-tense pala talaga pag-late ka papasok. Mas nakakainis pa, dahil hindi man lang nag-rereply ang mga kaibigan ko.
Tangina! Hindi man lang ba nila ako i-uupdate kung nandiyan na ang prof namin? Halos kulang nalang i-takbo ko na simula condo hanggang dito.
Finally, nakarating din ako sa room namin. Ugh! na-miss ko ang aircon dito. Agad 'kong inilibot ang mata ko para tignan kung ano ang ginagawa nila. Nakahinga naman ako ng malalim nang makita 'kong busy pa sila sa pakikipag-daldalan at chismisan. Mga kaklase ko nga naman oh, walang pinagbago.
Masaya ang mood ng mga kaklase ko ngayon. Ewan ko lang sa kalagitnaan ng semester. Well, kung sinuswerte nga naman. Hindi na nila shinuffle ang mga pangalan namin. Napatingin ulit ako sakanila na masayang nagtatawanan.
Mga bitch, ilang months lang naman sila hindi nagkita-kita.
Agad ko naman nakita ang dalawa 'kong kaibigan. Kaya naman pala hindi sila nagrereply, panigurado naglalaro. Pagkarating ko sa pwesto namin, agad 'kong ibinagsak ang bag saka naka-pamewang dahil sa inis. "Hey Sheen" bati sa akin ni Bley na nakatutok pa sa phone niya.
Hindi man lang nila ako nilingon? "Yow, bakit ka galit? It's our first day. You should be happy kasi diba sabi mo? Puro mga lalake profs natin? Tawa ka na diyan," pang-aasar naman sa akin ni Ayenn, busy din siya sa pagkalikot ng cellphone niya.
Seriously? What's wrong with them? Hindi 'man lang nila chineck mga messages ko sakanila? Argh! first day ko 'to pero hindi ko makalma ang sarili ko dahil sa sunod-sunod na kamalasan!
"You know what guys? Kanina pa ako nagcha-chat sa gc eh. Ni-hindi man lang kayo nagrereply? What if na-late ako tapos andito na yung prof natin? Mahalaga sa akin ang first impression duh," panenermon ko pa sakanila, sabay irap. Pero wala akong matinong response na nakuha sakanila!
Maya-maya pa, bigla naman silang tumawa. Ngayong tatawa tawa sila? What the heck, malala na talaga sila. "Chill Sheen, ayaw mo 'yun? If na-late ka atleast ikaw ang apple of the eye 'non. Inshort parang star of the night," sabay ngisi ni Bley sa akin. "Whatever, bakit hindi kasi kayo mag-online?" inis na sabi ko sakanila, pero hindi man lang nila ako nilingon! Ghad.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...