Isaiah's POV
kleng_ and cldn04 started following you.
Sino 'tong mga 'to? Halos lahat ng pictures ko sa instagram ay ni-like na nila, ganto ba ako ka-hot? Baka matapos na career ni Daniel Padilla kapag nadiscover pa nila na marunong akong umarte.
Dumiretso ako sa messages para i-dm sana si Sheen. Yung babae talaga na 'yon napaka-manhid! Nakita ko namang nag-dm sa'kin yung @kleng_ Hihingi yata siya ng autograph sa'kin, ready na ako!
kleng_ : hi i'm claire
isaiahxx : wala akong papel at ballpen pang-autograph. sorry
kleng_ : wtf?!
Wtf siya dyan? Eh, siya nga 'yung unang nagdm. Chineck ko naman ang profile niya at nakita 'kong pina-follow niya si Sheen. Na-kwento naman niya sa'kin na schoolmates daw sila, akala ko pa naman hihingi na ng autograph.
kleng_ : may I ask u something?
isaiahxx : nagtatanong ka na nga e, nagpapa-alam ka pa?
kleng_ : okay. About Sheen sana.
Pagkabasa ko palang ng message niya, agad akong nabuhayan ng loob. Ano naman kaya ang itatanong niya? Hindi ko pa din nakikita si Sheen simula nung ihatid ko sakanya 'yung mga reviewers niya. Hangga't maaari kasi ayaw 'kong ma-attach muna sakanya
kleng_ : anong status niyo ni Sheen?
Status? Ano 'bang status namin? Single? Atsaka bakit niya sa'kin tinatanong? Tatay niya ba 'ko? Baka naman tinatanong niya status na gusto naming i-update sa facebook?
isaiahxx : feeling blessed
Pagkatapos 'kong i-send sakanya 'yon, kay Sheen naman ako nag-dm. Pakiramdam ko ay wala siya ngayon sa unit niya dahil weekends. Baka nga umuwi siya sakanila e.
Last time kasi gusto ko sana siyang sorpresahin sa condo niya at nagdala pa ako ng cake at chips, pero pagkadating ko ay wala pala siya. Wala naman akong choice kung hindi ipamigay sa mga batang-kalye yung sobra 'kung pagkain dahil hindi ko naman mauubos 'yon.
isaiahxx : nasaan ka?
sheengvr : nasa puso niya
isaiahxx : wews. iba naman nasa puso niya
Kahit kailan talaga napaka-siraulo ng babaeng 'to. No doubt kaya nagustuhan ko siya. Bukod sa tama lang ang timpla ng pag-uugali niya, kaya niya pa'kong sabayan sa kalokohan ko. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya sa omegle.
sheengvr : ebarg, nu kelangan?
isaiahxx : nasa condo ka?
sheengvr : wala, nakila daddy ako.
Mas okay naman na doon siya kapag weekends, atleast nakakasama niya ang pamilya niya. Hindi rin siya nag-iisa.
isaiahxx : ganon ba? paki-kamusta nalang ako kay mom at dad!
sheengvr : isaiah brim schofield!!!!!
Pagkatapos niyang magreply, hindi ko na siya sinagot. Gusto 'kong ma-enjoy niya 'yung moments nila ng pamilya niya. Agad naman akong dumiretso sa gallery ko at tinignan ang mga pictures namin ni Sheen.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...