Third Person POV
Agad binuhat ni Jeremie si Sheen papuntang clinic, hanggang ngayon wala pa rin siyang malay dahil sa malakas na pagkakatama ng bola sa ulo niya.
"Shit! Please wake up," bulong niya sa sarili habang binababa sa higaan si Sheen. "Ano 'pong nangyari?" nagpapanic na tanong ng nurse, maging si Jeremie ay hindi na din alam ang sasabihin.
"She was accidentally hit in the head by the ball," singit naman ni Tristan na nasa kabilang gilid ng kama, maging siya ay hindi na 'din mapakali.
"Just wait for a minute Sir," sagot naman ng nurse saka kumuha ng mga gamit. Ramdam na ramdam sa buong clinic ang pagkataranta ng dalawa dahil parehas na mahalaga sakanila ang dalaga.
Nang makabalik ang nurse sa puwesto nila, agad nitong chineck kung nagkaroon ba ng pasa o sugat ang ulo ng pasyente. Buti na lang at walang masamang nangyari. Nakahinga naman ng maluwag ang dalawa pero wala ni-isa sakanila ang umalis.
"Mauna ka na, ako ng magbabantay sakanya." panimula naman ni Jeremie habang nakatingin kay Sheen. Natuto na siya sa nakaraan kaya ayaw na niya ulit 'tong iwan.
"I'll stay with her," matigas naman na sagot ni Tristan at pilit na kinakalma ang sarili. Alam din kasi niya na hindi aalis dito si Jeremie.
Ganoon din naman ang nararamdaman ni Jeremie para kay Tristan, nagtitimpi lang siya dahil hindi lang siya ang nagkakagusto sa dalaga. Parehas na sila ngayong nagkakagusto at mas lalo pa'ng nahuhulog.
After 30 minutes, biglang bumukas ang pintuan ng clinic at agad niluwa si Ayenn at Bley. Hindi na rin sila nagulat kung sino ang nagbabantay, dahil naaamoy na nila na may something sa tatlo na 'to.
"Anong nangyari?" bungad na tanong ni Bley sakanilang dalawa habang hawak ang kanang-kamay ni Sheen. "Accidentally hit--" hindi na natapos ni Jeremie ang sasabihin niya dahil pinutol na ni Bley ang usapan.
"Aksidente? Wow! Sino ba ang nakatama sa kaibigan ko? Sabihin niyo sino!?" galit na galit niyang tanong, hindi na rin siya maawat sa pag-iyak dahil sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit hindi na lang siya sumama magpa-register kasama si Sheen.
Sa huli, wala silang nagawa kundi bantayan ang dalaga hanggang sa magising. Halos dalawang oras na din ang nakakalipas simula nang mahimatay siya sa open-space kanina.
Maya-maya pa, dumating ang nurse para sabihin sa apat ang dapat gawin ng pasyente. "Hindi po muna siya dapat ma-engage sa kahit anong sports, it may cause trauma." panimula naman niya habang tinitignan ang papel na hawak niya.
"Give her also a week to rest," huling bilin ng nurse saka umalis. Lahat ng tao ay nalungkot dahil panigurado magwawala si Sheen kapag nalaman niyang hindi siya makakasama sa Sports Festival.
Sa kaloob-looban ni Bley, eto ang pinaka-dahilan ni Sheen kung bakit siya pumasok sa university na 'to. At ngayon, masasayang na naman ang pagkakataon dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Walang umimik kahit isa sakanila, dahil iniisip nila kung anong oras magigising si Sheen. Hindi rin nila pinapansin ang kumakalam na sikmura dahil mas mahalaga na mabantayan nila ito.
Agad nabuhayan ng diwa ang lahat ng humingi ng tubig si Sheen. Hapong-hapo ang itsura niya at namumutla pa, inabutan naman siya ng tubig ni Bley saka pinaupo.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...