It's been a month simula nung lumabas kami ni Jeremie at pumunta ng Baguio. Grabe, pagkapost pa lang niya nung mga pictures namin sa instagram, ako agad ang laman ng usapan sa classroom namin.
Syempre dineny ko 'yon dahil unang-una teacher ko pa 'din siya. Well, ganon din naman siguro ang naiisip niya kaya hindi niya din sinasagot ang mga classmates ko about sa post niya.
Mukhang tinotoo nga ni Jeremie ang sinabi niya, na magsimula ulit kami. Ang hindi ko lang maintindihan, anong klaseng simula? As a friend ba or what?
Kapag nakakasalubong niya ako sa hallway or sa kahit anong lugar, palagi niya akong tinatawag. Minsa naman nililibre niya pa ako at hinahatid sa condo. Ganoon pa din naman ang pagtrato ko sakanya, paminsan-minsan ngumingiti at nagk-kwento.
Hindi ko rin maiwasan mapangiti dahil parang nagiging malapit ulit kami ni Jeremie sa isa't-isa. Pero hanggang doon nalang 'yon no! Ayaw ko na ulit masaktan kagaya dati.
"Sheen!" tawag sa'kin ni Bley, hingal na hingal pa siya kakatakbo. Hindi pa man ako nakakapagsalita, nagsalita na ulit siya. "Alam mo na 'yung balita?" tanong naman niya.
Ha? Anong balita pinagsasabi neto? Andito kami ngayon sa hallway, may dinaanan kasi ako na schoolmate ko na nanghihiram ng lectures. "Anong balita?" tanong ko sakanya saka kumunot ng noo.
"Ibabalik daw nila yung sports fest dito!" masiglang sabi niya saka pumalakpak pa. Bigla naman akong nagising dahil sa sinabi niya. Seryoso? Ibabalik nila 'yon?
Kaya dito kami nag-enroll ng senior high dahil may sports fest na ginaganap kada taon. Kaso nga lang, hindi natuloy last year, kaya first time namin maexperience ngayon ang sports fest.
"Sure ka? Baka naman fake news 'yan," paninigurado ko sakanya. Bigla naman niya akong kinotongan sa ulo. "Fake news your ass," pambabara naman niya saka umirap. Kahit kailan talaga hindi siya mabiro kapag seryoso.
"Okay fine, saan mo nalaman?" tanong ko sakanya. Andito kami ngayon sa bulletin board ng main gate ng university. Madaming estudyante ang nagbabasa ngayon sa nakalagay doon, pero hindi nagpatinag si Bley kaya nakipagsiksikan kami.
Pagkarating namin sa harap, agad tumambad sa akin ang pinaka-hihintay 'kong announcement. Ang Sports Festival.
Nakalagay doon lahat ng sports na pwedeng salihan, buti nalang at nando'n ang balak 'kong salihan. Badminton. Sayang nga lang at hindi kasama doon ang college, panigurado mas lalong hassle sakanila 'yun dahil magp-perform pa sila sa December.
Less than 3 weeks nalang at Sports Fest na, bakit naman biglaan yata? Sa tabi ng announcement na 'yon may pahabol pa silang sinabi.
OMG! Totoo ba 'to? Pati mga profs namin pwedeng sumali sa Sports Fest? Ah, congratulatory gift pala 'to ng college department sa amin. Well, maganda naman ang regalo nila pero bakit kasama ang mga profs!
Kauwi ko ng condo, wala akong masyadong ginawa. Nag-order nalang din ako ng pagkain para sa dinner, tinatamad kasi akong magluto.
Kinabukasan, in-announce na per classroom ang mga gustong sumali sa mga sports since senior high lang naman ang kasali. Niyaya ko naman sina Ayenn at Bley pero ayaw nilang pumayag.
"Sige na kasi, samahan niyo na'ko." pagpupumilit ko pa sakanila bago lumabas ng classroom. "Ayaw nga namin, saka hindi ko hilig ang sports." pagrarason naman ni Bley.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Genç KurguSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...