"Putangina," sigaw ko habang padabog akong umakyat sa kuwarto ko. Argh! Seriously? Is it fucking necessary to attend that event? I've been planning the schedule for my birthday tapos masisira lahat ng 'yon because of that stupid event!
"Ma'am may tao po sa labas," pagtatawag naman sa'kin ni Yaya Jabez. Napabato pa ako ng isang unan sa lapag bago ako magsalita. "Uso maghintay Yaya," pamimilosopo ko pa atsaka umirap. Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas.
Pagkalabas ko ng bahay, agad tumambad sa akin ang tatlong malalaking box. "What the fuck," singhal ko pa habang binababa nila 'yon isa-isa. Habang papalapit ako sakanila, unti-unti akong napapaisip bakit ang dami ng pinadala.
"Ang dami?" tanong ko sa nag-deliver, habang pumipirma. Ngumiti naman siya bilang sagot. Ugh! Why do I need to ask them, wala naman silang kaalam-alam! "Nevermind," pahabol ko atsaka tumalikod, umalis na din naman sila kaya dumiretso na ako sa loob.
Pinabuhat ko nalang 'yon sa mga maids at sinabing i-akyat sa kuwarto ko. Nang mailagay na nila, agad na akong dumiretso doon para tingnan ang laman.
"Oh my god!" halos mapalitan ng gulat lahat ng pagka-inis ko dahil sa nakita ko. Shit, totoo ba 'to? Golden peach ang kulay ng gown at may pa-crossback pa siya. Agad akong tumapat sa salamin, atsaka tinignan kung babagay ba sa'kin.
Mas lalo akong napatakip sa bibig ko ng may kasama pa 'yon na heels. Para akong nasa langit, sa sobrang ganda ng gown na 'to. Pagkakuha ko palang ng heels, agad 'kong napansin ang isang maliit na papel.
"Choose one from the three,"
-Mommy
One lang? Hindi ba pwedeng suotin lahat 'to? Argh! Uso naman mag-change outfit ha. Anyways, bubuksan ko muna yung iba. Mas lalo akong napahanga dahil alam na alam talaga ni Mommy ang taste ko.
Yung isang box, medyo daring ang porma nung gown pero peach na naman! Seryoso? Hindi ba pwedeng red ang kulay nito? Tumapat na naman ako sa salamin para tignan and as expected, may kasama siyang heels. Whaaaa pakiramdam ko para akong prinsesa sa mga pinili nila.
Habang binubuksan ko ang isa 'pang box, I decided to call my Mommy. Hindi ba puwedeng suotin lahat 'to mamaya? Gosh, napalitan lahat ng inis ko nang excitement! [Hello Sheen] bungad naman niya, iniwan ko lang sa bed ko ang cellphone atsaka ni-loud speaker.
"Hello, Mommy!" sigaw ko naman sakanya pabalik atsaka tumitingin ulit sa salamin kung baga ang gown na 'to. Backless siya at kitang-kita na talaga ang kaluluwa mo. [Did you like--] hindi na natapos ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya.
"Mommy! Can I wear all of this later?" tanong ko naman saka umupo sa kama. Although one color lang lahat ng 'to, pero I really love it's design. [Isa lang anak, isa lang katawan mo] pang-aasar naman niya, agad akong napa-nguso dahil sa sinabi niya.
"But I can do change outfit naman eh," I reason out while biting my nails, I hope she will agree to my request. [Okay, fine just be kind later] sagot naman niya dahilan para mapatili ako. "Omg! Thank you Mommy, ikaw na ang bahala kay Daddy ha! Mwa!" sigaw ko pa sakanya sa kabilang linya.
Mukhang ako ang magiging apple of the eye mamaya, because of my outfit. Tinawagan ko muna ang salon na palagi 'kong pinupuntahan everytime na may event akong dadaluhan, sinabi ko sakanila na pumunta sila doon ng 3PM.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...