"So bukas pa natin malalaman kung anong team tayo sa cheering squad?" tanong sa'kin ni Bley. "Kaka-announce lang diba? Ulit ulit?" inis 'kong sabi sakanya at nauna ng lumabas ng gate.
"Eto naman oh, bakit ka ba badtrip?" tanong niya ulit habang hinahabol ako. "Dahil ba doon sa nilaro natin kanina sa classroom?" pahabol niya pa, pero hindi ako umimik dahil gusto ko na talagang umuwi.
"Okay, mukhang hindi ka talaga sasagot. Bye," pagpapaalam niya saka sumakay na ng jeep. Pagkauwi ko ng bahay, agad akong naligo. Nag-advance reading din ako para kahit papaano, alam ko ang mga susunod na lessons.
Hindi na din ako nagluto ng dinner at kumain nalang ng cake. Nagscroll muna ako sa mga social media accounts ko at natulog agad.
Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-jogging. Hindi ko gaanong nakikita ngayon si Isaiah, dahil sabi ni Bley may out of the country daw silang business. Naks! Iba talaga kapag kilala ka worldwide, buti nalang at naging kuya ko siya.
Pagkapasok ko palang ng gate sa university, agad tumambad ang mga schoolmates ko sa bulletin board. Anong meron? Bakit nagkakagulo sila? Yung iba naman ay tumitili pa sabay picture doon sa nakalagay na paper.
Agad akong nakipag-siksikan para mapunta sa pinakaharapan. Nakita ko naman si Ayenn at Bley na busy sa paghahanap. "Anong meron?" bungad ko dahilan para magulat sila. "Andito ka na pala! Tingan mo 'to," turo ni Bley doon sa isang papel.
"Sa Omnipotent Warriors ka kasali! Magkasama tayo!" sobrang hyper niyang sabi saka inakap ako. Napatingin naman ako kung anong sports ang ipagc-cheer namin.
Omnipotent Warriors
Basketball Team #1
Tristan FuegaNakita ko agad ang pangalan ko doon sa kasunod na papel at ang pangalan ni Bley. So, siya ang ipagc-cheer namin? Mas okay na 'yan! Kaysa naman mapunta ako sa team ni Jeremie. Mas lalo lang ako mahihirapan.
Napatango-tango nalang ako saka lumingon sakanila, "Ikaw Ayenn, saan ka naka-assign?" tanong ko naman saka hinanap ang pangalan niya. Wala kasi siya sa listahan namin kaya panigurado nasa ibang sports siya.
"Malamang, malakas ang bebe niya kaya doon siya nilagay sa team ni Kurt." hirit naman ni Bley saka siniko si Ayenn. Tumawa naman silang dalawa saka kinilig, mukhang bati na silang dalawa ni Kurt. Nasa Basketball Team #8 daw siya at pinakahuli sila.
Si Tristan at Jeremie lang pala ang profs na sumali sa Basketball na sports. Nang mapalingon ulit ako sa bulletin board, agad 'kong nahagip yung apelido niya dahilan para tignan ko kung sino ang mga makakasama niya sa cheering squad.
Mighty Conquerors
Basketball Team #7
Jeremie BasilloAgad akong tumingin kung sino ang mga naka-assign na schoolmates ko sakanya. Halos mga kilala at sikat na babae ang mga naka-assign sa grupo niya. Mukhang mahihirapan kaming makalaban sila.
It was an ordinary morning, puro activities pa din ang pinapagawa sa amin. Buti nalang at nakonsensya namin si Class Mayor na bukas nalang ipasa.
"So, saan tayo pupunta?" panimula naman ni Bley. Andito kami ngayon sa milktea shop na palagi naming pinagtatambayan. "Kahit saan," opinyon naman ni Ayenn. Sa totoo lang, wala na talaga kaming mapuntahan dahil hindi naman kami pwedeng umuwi.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...