Cancel ngayon ang review namin kaya pumasok na ako ng maaga. Although wala din namang gagawin dahil busy na daw ang mga profs namin simula ngayon hanggang nextweek. Pagkapasok ko pa lang ng classroom, agad bumungad sa'kin ang nakasulat sa board.
"Happy Anniversary Mylove"
Shit! Ngayon ba ang anniversary nila? Nagkukumpulan na sila ngayon sa harapan, iniisip kung sino nagsulat ng nasa board. Agad 'kong hinanap sa paningin ko si Bley, wala pa pala siya. Panigurado kapag nakita niya 'to, mas lalo lang iinit ang tensyon na namamagitan sa'ming tatlo.
Nilapag ko muna ang gamit ko saka hinanap si Ayenn. Nakikipag-daldalan siya ngayon sa iba 'kong classmates. Agad ko naman kinuha ang cellphone ko at tinext siya para umupo dito sa tabi ko, balak ko kasi sana siyang kausapin para sa pag-aayos naming tatlo. Wala pa si Kurt, busy siguro siya sa gagawin niya mamaya.
"Hey," bungad niya sa'kin katapos mabasa 'yung message ko. Agad naman siyang umupo sa tabi atsaka sumandal na parang hindi kinakabahan sa gagawin nilang eksena mamaya ni Kurt. "Anong balak?" tanong ko naman sakanya, ang tinutukoy ko ngayon ay yung kay Bley.
"Suyuin," maikli niyang sagot ng hindi tumitingin sa'kin. Gets ko naman ang sinabi niya pero wala bang specific na idea? Sobrang lawak naman kasi ng word na 'Suyuin'
"In what way?" I asked her again, this time nakatingin na siya sa'kin. "I have a plan, so don't you worry" kampante niyang sagot saka ngumiti sa'kin. Nako, siguraduhin niya lang. Kung hindi baka forever na kaming tatlo hindi mabuo!
Ilang oras pa, biglang dumating si Kurt. Lahat kami napatingin sakanya ng makita naming may dala-dala siyang bouquet ng bulaklak, mukhang pinaghandaan talaga. Naramdaman ko namang kinilig ng palihim si Ayenn kaya kinurot ko siya. "Maharot," pag-aakusa ko pa saka umirap sakanya.
Hindi lang pala si Kurt ang nandito, may mga kasama pa siyang tatlo na delivery boy! May mga hawak silang pagkain! Ano 'to? May pakain si Mayor sa'min? Agad nag-kantyawan ang mga kaklase ko dahil napuna nila agad na si Kurt ang may pakana nung sulat sa board.
Hanggang ngayon wala pa din si Bley, alam na kaya niya na ngayon ang anniversary nila? Pero paano niya malalaman? Agad dumiretso si Kurt sa harap saka pinatong 'yung bulaklak sa gilid, mukhang may program ang classroom namin ngayon ah!
"I'm here infront of you, to officially announce that I'm in a relationship one year ago," panimula ni Kurt, lahat naman sila ay nagulat at nagkantyawan. Bakit hindi daw sinabi sakanila. Kung alam niyo lang kung sino ang jowa niyan, baka atakihin pa kayo sa puso.
"Today, It's our anniversary. The day she gave her 'Yes' to me." dugtong niya pa. Ang daming chena ni Kurt, bakit hindi nalang niya sabihin straight to the point? Nakita ko naman si Ayenn na pasimpleng inaayos ang sarili, confirmed, maharot talaga.
"She's here, by the way" pagsasalita pa niya dahilan para mas lalong magulat mga classmates ko. "Hindi ko inexpect na ganto na pala kami katagal, despite of keeping it private" pahabol niya pa, bigla naman nagreklamo si Aeron.
"Bakit kasi hindi mo sinabi?" pang-aasar niya, agad naman napalitan ng tawanan ang buong classroom. "I want to keep it private, but I won't deny it. Bobo ka lang Aeron kasi never 'kang nagtanong," pangs-savage ni Kurt. Agad naman kaming nagtawanan dahil napahiya siya 'dun.
Nag-speech pa siya ng sobrang haba, kinuwento niya din lahat kung paano sila nagsimula, magkakilala, mang-ligaw at kung paano siya sinagot ng jowa niya. Hindi na tuloy mapigilan ni Ayenn ang sarili niya sa kilig, ganyan ba talaga kalala ang pag-ibig? Nakakatakot.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
أدب المراهقينSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...