#28

68 8 9
                                    

Last day na namin ng practice ngayon at dry-run na bukas. Todo practice kami ngayon dahil mamaya magkakaroon kami ng actual formation sa gymnasium.





"Guys! 15 minutes waterbreak," announce ng leader namin saka umalis. Maaga kaming nagpractice ngayon para masulit naman ang last day.






"Oh," sabay abot sa'kin ng bottled water ni Bley. Agad ko namang kinuha 'yon saka uminom, nakaka-dehydrate talaga ang init. "May lakad ka mamaya?" tanong ko sakanya, ilang segundo pa siyang hindi umimik. Mukhang may lakad 'to mamaya.






"Nevermind," pagpuputol ko sa usapan namin saka umalis doon. Naramdaman ko namang sinusundan niya ako habang tinatawag pa din ako. "Uy! Saglit lang kasi," pagpapaliwanag niya pa, pero hindi ko na siya nilingon.






"Bakit?" walang-emosyon 'kong sagot. Hindi naman ako nagagalit sakanya dahil ayaw niyang sumama. Ang point ko lang, bakit hindi niya diretsuhin? Maiintindihan ko naman e.






"May lakad ako mamaya. Sorry," straight to the point niyang sabi, magsasalita na sana ako pero nauna ulit siya. "Pero, pwede ka namang sumama sa'min!" pahabol niya pa. Duh! Ano ako, third wheel? Wag na lang.







"Wag na, maghahanap nalang ako ng ibang kasama." pagrarason ko pa saka umalis doon. Nagsisimula na naman akong ma-badtrip. Buong practice tuloy hindi ako kumibo, wala din akong pake kung mali-mali yung steps na magagawa ko.







12PM na ng matapos kaming magpractice, mamaya pa namang hapon ang dry-run kaya umuwi muna ako sa condo ko. Bumili din ako ng pain reliever dahil sobrang sakit ng mga muscles ko sa likod.





"Shit!" singhal ko ng mabunggo sa pader yung braso ko. Sa totoo lang, sobrang sakit na ng katawan ko. Umidlip lang ako ng ilang minuto saka nag-prepare para sa dry-run mamaya.






Naka-red shirt at mini-skirt kami mamaya. Napag-usapan din kanina na hindi muna ilalabas ang secret steps namin, baka kasi makakuha sila ng idea. Pagkalabas ko ng condo, agad bumungad sa'kin yung maliit na paso na may halaman.






Matagal-tagal na din akong hindi nakakatanggap ng mga halaman. Lumingon-lingon muna ako sa gilid, nagbabaka-sakali na makita ko ang nag-iwan nito dito. Nang mapansin 'kong wala namang tao, agad akong umupo para kunin yung paso.






Maliit pa lang na dahon ang tumutubo, mayroon na naman akong aalagaan. Sa ilalim ng paso, may isang maliit na color peach sticky-note ang nakalagay. Agad 'kong kinuha 'yon saka binasa.





Goodluck to your dry-run later! Sending you more power!! Fighting!!






Weird? Paano niya nalamang dry-run namin ngayon? Iba kaya yung nagpadala neto? Iniwan ko muna 'yon sa loob ng bahay saka umalis.




Pagkarating ko ng gymnasium, iba't ibang kulay ng damit ang nagr-represent ng bawat team. Buti nalang at wala kaming ka-kulay. Napalingon naman ako sa mga cheerleaders ng group nila Jeremie, nags-selfie sila ngayon.




Medyo gold ang theme ng damit nila pati pompoms. "Feeling magaganda!" bulong ko sa sarili ko saka umirap. Wala naman silang ginagawa sa akin pero sobrang init ng ulo ko sakanila. Nasa pinakataas naman na upuan ang mga players ng Basketball.






Nahagip ko din naman si Tristan kanina, pero hindi siya nakatingin sa akin. Busy kasi siya sa pakikipagkwentuhan sa iba niyang team mates. Maya-maya pa dumating na si Bley, saka tumabi sa akin.

Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now