#18

75 10 3
                                    

May pasok na naman kaya mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon ko. Dalawang araw na din ang nakalipas simula nung malaman ni Bley ang lahat.



Nakausap ko na rin naman si Ayenn at inaantay lang namin humupa ang nararamdaman niya ngayon. Lumipat din siya ng pwesto kaya ako nalang mag-isa ang naiwan doon.



Nextweek na din naman ang anniversary nila, kaya doon nalang namin aayusin. Mas maganda sana kung maaga maaayos, pero masasaktan na naman si Bley kung ic-celebrate nila habang okay na ulit kaming tatlo.



Dalawa lang ang subject na pinasukan namin ngayon at halos activities lang ang iniwan. Sabi daw nila ay pina-finalize na nila ang event at schedule para sa upcoming event.




Mag-isa akong lumabas ng classroom at dumiretso sa library. Wala rin naman akong ganap ngayong tanghali, kaya tatapusin ko nalang ang mga assignments ko. Pagkapasok ko, agad akong humanap ng puwesto na hindi ako expose masyado.




Nilapag ko muna don ang bag ko atsaka kumuha ng mga libro bilang reference ko. Wala rin masyadong tao dito dahil lunchbreak na, kaya makakapag-isip ako ng maayos. Sobrang dali lang ng mga tanong at solving dahil meron naman akong guide na nasa book.



"Walang positive or negative sign ang zero," maaliwalas niyang sabi sa'kin. Agad akong napatingin sa likod ko kung sino ang nagsalita. Tangina, si Jeremie na naman.



Tinignan ko ulit ang notebook ko, at tama nga siya! Nilagyan ko ng negative sign ang zero sa first solution ko. Medyo nahiya naman ako dahil consistent honor student ako tapos makikita niya may negative sign ang zero? Myghod.


"Lutang," nahihiya 'kong sabi sakanya atsaka nagpatuloy sa pagsasagot. Agad naman siyang umupo sa tapat ko atsaka ngumiti sa'kin. Inis naman akong lumingon sakanya at binaba ang ballpen na hawak ko. "What?" singhal ko sakanya atsaka umirap.



Ngayon, wala ng expression ang mukha niya! Bwiset ka Jeremie! Ang hilig 'mong manggulo. "Wala na kasing available na seats" sabi naman niya atsaka binuklat ang libro na hawak niya. Lumingon naman ako at wala na ngang bakante!



Hindi ko yata napansin yung oras dahil sa pags-solve?



Walang umimik sa'min kahit isa, kaya sobrang awkward namin. Bawat galaw ko ay maingat 'kong pinag-iisipan, baka kasi pumalya na naman ako.



Sa wakas, patapos na din ako sa assignment ko at makakauwi na ako. Magpapaalam pa ba'ko sakanya o hindi na? Ang rude naman kasi tignan kung iiwan ko nalang siya basta-basta dito, atsaka prof ko pa din siya kahit papaano.



"Sir, mauna na po ako" agad 'kong sinabi sakanya atsaka inayos ang gamit ng bag ko. Naramdaman ko namang huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa'kin.



"May sinalihan ka na ba sa upcoming event?" tanong naman niya sa'kin habang nakatingin, nakakaramdam na tuloy ako ng awkward dahil sa ginagawa niya. "Wala po akong balak sumali," maayos 'kong sagot ng hindi tumitingin sakanya.




Sumandal naman siya sa upuan, pakiramdam ko ay sinu-survey niya ang kilos ko, dahilan para mas lalo akong mataranta! "Ah eh, Sir, aalis na po ako" pagpapaalam ko ulit atsaka tumayo na. "Isasali ka sana namin sa quizbee para sa upcoming event," sabi naman niya dahilan para mapahinto ako sa pag-alis.



Omg, anong sasabihin ko? Should I accept his offer or refuse it? Baka mamaya ipahiya ko lang ang department namin, sisihin pa nila ako. "I'll think about it," mahina 'kong sabi dahil nasa library kami ngayon at agad na akong umalis.




Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now