maiingay na tawanan at hampas sa lamesa ang naririnig ko dito sa canteen habang kumakain. argh hindi pa din maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. bwisit talaga! bakit siya pa ang naging prof ko sa physics?!
Napansin ko naman na kanina pa ako tinitignan ni Bley at Ayenn na para bang andami dami 'kong iniisip. "ghorl okay ka lang ba?" "hayaan mo na si Sir Jeremie, thrice a week lang natin siya makikita at ang malala pa ay siya lagi ang first sub natin" magkasunod na sabi pa nila at biglang nagtawanan.
Tinignan ko nalang sila at inirapan saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi sila nakakatulong sa problema ko!!!
Nanahimik lang ako habang patuloy na sinasariwa ang mga nangyari kanina. "Hoy Sheen, kasama mo kami dito. Hindi kami hangin. Oh wait, by the way. ano ang pinag-usapan niyo ni Sir?" sabay taas-baba ng kilay niya na para bang may pinapahiwatig si Bley.
Agad namang kumunot yung noo ko "Hoy Bley, wala ako sa mood makipag-kantyawan sayo. Sira ang buong araw ko dahil kay Jeremie!" inis na tugon ko.
Sinenyasan naman nila ako na wag maingay dahil baka may makarinig sa amin lalo na't teacher si Jeremie dito. Baka sabihin nila na wala akong respeto dahil hindi ko man lang nilalagyan ng 'Sir' bago ang pangalan niya.
"Wait. Sheen hindi nagp-process sa utak ko" naguguluhang sambit ni Ayenn.
"You mean Sir Jeremie was inviting you to go with him here at the canteen because he was not familiar in this University plus he wants you and him to have a closure? But before that, sinabi mo na hindi mo ibibigay sakanya ang bataan?" natatawang tanong sa akin ni Bley na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kay Jeremie.
"Yeah, that's right. At sobrang nahihiya ako dahil naunahan ako ng kaba at 'yun nalang ang nabanggit ko sakanya" inis na sabi ko at hindi ko na talaga alam kung ano pang mukha ang maihaharap ko sakanya sa next meeting namin.
"So iniisip mo na may gagawing masaya sayo si Sir Jeremie at 'yun nalang ang nasabi mo dahil sobrang kinakabahan ka?" natatawang tanong ni Bley sa akin habang si Ayenn naman ay nagpipigil ng tawa. Tumango na lang ako at sabay yumuko sa lamesa. Hindi ko na alam ang gagawin ko huhu.
Buong klase namin ay tahimik lang ako at hindi nakikinig sa mga bago naming profs. Kahit na gwapo ang mga iilan sakanila ay 'di ko pa din magawang bumalik sa dati 'kong mood.
Masyado ng madami ang mga nangyari para sa araw na 'to. Ni hindi ko na nga alam ang gagawin ko kauwi sa condo huhu.
"You look so tired. Omg Sheen it's our first day pa lang naman. Para 'kang nalugi sa lotto" mahinang pagkasabi sa akin ni Ayenn dahil nagd-discuss na ang prof namin sa harap.
First day na first day discussion agad?! Tiningnan ko lang si Ayenn na para bang pinapahiwatig ko na wala ng saysay ang bubay ko dahil sa nangyari kanina. "Don't worry Sheen, makakalimutan 'din 'yon ni Sir Jeremie kaya relax ka lang" pagcomfort naman sa akin ni Bley dahil alam nilang sobra 'kong dinibdib ang nangyari.
Finally. Natapos na din ang last subject namin. 5:00pm pa lang at may oras pa kami para gumala kung saan saan. "Guys" nanghihina 'kong tawag sakanila habang lumalabas ng classroom.
"Sheen kahit hindi mo sabihin sa amin G! lang kami" sagot naman sa akin ni Bley at tumango-tango si Ayenn. Ugh! They really know me well. Agad ko silang niyakap at sinabi na "Iloveyou guys!! Alam na alam niyo talaga ako pag problemado ako. Don't worry it's my treat!!"
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...