#4

139 7 0
                                    

'BICHI NANEUN SOLO'




'TENENTENTENENTENENEN BICHI NANEUN SOLO'




'IM GOING SOLOLOLOLO'




Tuesday ngayon at 11am pa ang pasok ko wala kasi kaming pasok sa Physics ngayon. Maganda din ang naging gising ko dahil wala akong iniisip na problema patungkol sa subject na 'yun.




Nandito kami ngayon sa library nila Bley at Ayenn kasama pa ang iba 'kong kaklase para sa groupwork namin. 7am pa lang ng umaga ay nandito na kami para simulan ang ip-present namin. "Sheen ikaw nga ang magsearch tungkol sa history nila. Hindi ko pa kasi tapos gawin 'yung introduction." pakisuyo sa akin ni Bley ng hindi ako tinitignan.




Abala din naman ang iba 'kong mga kagrupo sa paghanap ng mga libro na pwedeng makatulong sa assignment namin. Mukhang ako lang yung hindi tumutulong dito simula kanina.





Kanina pa pala ako nakatunganga dito sa cellphone ko habang naka-connect sa wifi ng library, nakasulpak ang isa 'kong earphones at nanonood ng mga kpop videos. Nakakahiya naman baka sabihan nila ako ng dumbell with highest honor pa naman ako tapos ako pa ang hindi tumutulong? Mahiya ka naman Sheen.





"Hey Sheen. Narinig mo ba ako?" sabat ulit ni Bley pero ngayon ay nakatingin na siya sa akin. "Ah eh oo I heard you, okay I'll search it." wala sa sarili 'kong sagot at ngumiti sakanya. "Sabi ko kasi sainyo sa condo ko nalang tayo mag-search eh. Bakit dito pa? May wifi naman ako dun" suggest ko pa sakanya atsaka sumandal sa couch.





Nahahalata ko naman kay Bley na nahihirapan na siyang gawin yung introduction dahil gusto niya na palaging unique ang mga presentations. "I already told you Sheen, masyadong malayo para sa iba natin na groupmates ang condo mo. One more thing, we also need other sources like books." puna niya pa sa akin.





Hays ikaw na talaga Bley ang dakilang leader namin.  "Pupuntahan ko muna sina Ayenn sa pinakadulo ng library. May nakalimutan akong ipakuha sakanila. Just wait here Sheen." mabilis na sabi sa akin ni Bley at tumango na lang ako atsaka ngumiti ulit sakanya. Agad namang umalis sa pagkaka-upo si Bley at dumiretso na sa pinakadulo ng library.







Huminga naman ako ng malalim dahil ako nalang ang mag-isa dito sa couch. Inisip ko nalang na mas mabuti kung sisimulan ko na ang paghahanap ng mga informations na pinapahanap sa akin ni Bley. I hate history pa naman huhu. "For now, Bye bye Jennie Babalikan nalang kita mamaya para i-stream 'yung Solo MV mo" pagpapa-alam ko pa sa Youtube at nag-pout aalisin ko na sana ang pinapanood 'kong video ng biglang may magsalita sa gilid ko.




"Hanggang ngayon favorite mo pa din ba ang BLACKPINK?" mahinang tanong sa akin ni Jeremie dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit andito siya sa library? Sisirain na naman ba niya 'yung araw ko? Sumosobra ka na Jeremie!!! Hindi na ako natutuwa.





Tumingin lang ako sakanya atsaka pilit na ngumiti. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko at hindi ko nalang siya pinansin. Aaminin ko nahihiya pa ako sakanya pero anong gagawin ko?




Argh. Sumasakit na naman ang ulo dahil sakanya. Tama! You need to act like you're a professional ganon na lang ang gagawin ko. Nag-search na lang ako sa google para maiwasan ko ang tanong niya dahil ibabalik lang non ang mga memories namin!







Ilang sandali pa, hindi pa 'rin siya umaalis! Nakikita ko sa peripheral view ko na nakakatitig pa din siya sa akin at pinagmamasadan ako. Ilang saglit pa, bigla siyang umupo sa tabi ko. Putangina! Bigla akong napa-ayos ng upo dahil sa ginawa niya!





Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now