Agad akong kumuha ng tupperware para ilipat doon ang mga chicken wings na binili ko. Naramdaman ko din naman na lumabas na si Bley sa kwarto dahil sa kalabog ng pinto.
"A-anong binili mo?" tanong niya habang nauutal. "Ah, chicken wings!" excited 'kong sabi habang tinaas ang isang piraso. Palagay ko ay nasa likod ko siya ngayon dahil rinig na rinig ko ang boses niya.
"Ako na magluluto," matipid naman niyang sabi sa akin. Tumango lang ako bilang pag-agree sakanya at hindi na lumingon. Ako na rin ang nag-ayos ng mga gagamitin niya sa pag-pirito.
Pagkatapos 'kong ayusin lahat, agad akong lumingon sakanya sa likuran ko. Bakit ang tahimik niya? Nakita ko naman siya na naka-upo sa pinakadulong upuan ng lamesa at naka-tingin sa malayo. Medyo mugto din ang mata niya.
"Bley," tawag ko sakanya pero hindi siya lumingon. "Bley, okay ka lang?" pagtatawag ko ulit sakanya. This time, natauhan na siya at inayo ang upo. "A-ah, ano nga 'yon?" tanong naman niya sa'kin. Alam 'kong may mali sakanya ngayon at kailangan 'kong tuklasin.
"Umiyak ka ba habang wala ako?" tanong ko sakanya atsaka umupo sa tapat niya. Umiwas naman siya ng tingin saka kinapa ang dalawang mata. "Wala, wala 'to. Nalagyan lang ng sabon kanina" pagrarason naman niya, pero hindi ako naniniwala dahil sumisinghot pa siya.
Ilang saglit pa, tumayo na 'rin siya atsaka nagsimula ng magluto. Tumayo na din ako at nagpaalam na pupunta sa kwarto. "Ah, Sheen" pagtawag niya ulit sa'kin. Napalingon naman ako dahil sa boses niya, halatang malungkot.
"Bakit?" kinakabahan 'kong tanong sakanya. Ngayon, ay hindi na siya makatingin ulit. "W-wala, hiniram ko muna saglit ang charger mo," sagot naman niya saka tumalikod ulit para magluto. Tumango nalang ako bilang sagot kahit hindi niya makita.
Pagkapasok ko sa kwarto, agad 'kong kinuha ang cellphone ko. Humiga muna ako saglit, pero hindi talaga ako mapakali dahil sa kinikilos ni Bley ngayon. Feeling ko ay nasasaktan siya ng sobra ngayon.
Naisip ko naman na bumalik sa kusina para samahan siya. Tahimik lang siyang nagluluto at kung minsan natutulala pa. Inobserbahan ko din siya kung anong atmosphere ang dumadaloy ngayon sa isip niya, para naman makasabay ako at hindi ko siya ma-offend kung saka-sakali.
Ilang minuto pa at bigla siyang nagsalita, dahilan para magulat ako. "Sheen," pagtawag niya ulit sa pangalan ko. Agad akong napalingon sakanya, baka sasabihin na niya ang problema niya.
"Bakit?" tanong ko naman sakanya, sa totoo lang abang na abang na ako sa mga posibilidad niyang i-open sa akin. "What does friendship means to you?" tanong naman niya. Agad nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya.
"What do you mean?" tanong ko sakanya pabalik. Inis naman niyang binagsak ang hawak niyang pang-prito. "Just answer me!" sigaw naman niya, at parang naluluha na siya kahit hindi ko man nakikita.
"Uh-eh, friendship is somehow full of trust?" patanong 'kong sagot sakanya dahil hindi ako ready sa mga tanong niya sa'kin. Agad naman siyang lumapit sa sa akin at tumawa. "Full of trust huh?" pagkukumpirma naman niya sa'kin.
Hindi ako naka-kibo dahil sa mga tanong niya, ni hindi ko rin alam kung bakit siya nagkakaganyan. Natahimik din kami ng ilang minuto, bumalik na din siya sa pagluluto habang ako naiwan dito na tulala.
"What will you do if someone betray you?" tanong niya ulit sa akin, pero this time mas malamig ang boses niya. Para tuloy akong nasasakdal dito na pilit pinapaamin sa mga kasalanan ko.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...