"Miss can I sit here?" I immediately asked in a hurry, bago pa ako maunahan. Puno na kasi ang mga upuan dito sa loob ng milktea shop. Hindi pa man siya pumapayag, agad na akong umupo. Which made her eyebrows up.
"May kasama ka ba? Oh, sorry!"
"No, it's okay. Paalis na din naman ako. I'm just waiting for my friends," sagot naman niya atsaka umirap. Galit ba siya o ganoon lang talaga siya makipag-usap? Ang weird, panay irap siya sa cellphone niya.
Agad 'kong nilabas ang laptop ko habang hinihintay ang order ko. Kailangan na kasi naming ipasa ang mga files na 'to sa professor namin. Buti nalang at binigyan niya pa kami ng extrang time.
"One Large Dark Choco Mousse for Mr. Jeremie!" sigaw sa counter, dahilan para mapatayo ako at kunin 'yon. "Thanks," pagkabalik ko, lukot na ang mukha nang nasa harapan ko.
"Fuck you! Hindi kayo sumipot! Argh! Bomba!" bulong niya pa atsaka tumingin sa akin. "Ano tinitingin-tingin mo?" singhal niya sa'kin at umirap na naman. Napailing nalang ako dahil sa mga inaasta niya. Mukhang teenager pa lang siya, kaya pagbibigyan ko na.
Almost 30 minutes na din ang na-consume ko dito, pero hindi pa din umaalis yung babae. Siguro nagpapalamig siya ng ulo dahil hindi sumipot ang mga kaibigan niya? Well, narinig ko naman kaya hindi ko na kailangan i-deny.
I stopped myself from checking the papers and go to restroom para umihi. Pagkabalik ko, she's already playing Mobile Legends. "Hey, naglalaro ka ba nito?" she asked, still mad. "Uh.. Y-yes," bakit ako nauutal? Partida mas matanda pa ako sakanya.
"Tulungan mo ako magpataas ng rank," utos niya atsaka umirap. Wow, ngayon ko lang siya nakilala at kung makautos parang close kami? "Ano? Gusto mo ba o hindi?" galit na talaga siya, sobrang talim pa ng tingin.
I nodded twice and bring out my phone para maglaro. She looks scary, baka kapag hindi ko siya pinagbigyan, baka pagbantaan pa ang buhay ko! "A-anong rank mo na?" I asked without looking, baka mamaya umirap na naman siya.
"Master 1," sagot niya, dahilan para matawa ako ng hindi sinasadya. "Oh wait! I didn't mean that laugh," depensa ko pa pero huli na ang lahat ng itapon niya sa akin ang crampled tissue.
After 4 games, Grand Master na siya. "I better go, thanks for the game." maikling sagot niya atsaka umalis. What the fuck is that? Matapos ko siyang tulungan agad aalis? Aba, napaka-attitude yata ng batang 'yon?
Pagkatingin ko sa relo, 3 PM na. Inayos ko na ang mga gamit ko at umalis doon para umuwi ng bahay. Muntik pa akong matawa habang sumasakay ng jeep nang maalala ko ang expression ng mukha niya kanina nang malaman ko na Master pa lang ang rank niya. She's cute.
"Par! Ayun oh! Yung babaeng attitude na sinasabi ko sayo, yung nagpabuhat sa'kin sa ML tapos nilayasan ako bigla. Walang modo!" bulong ko pa kay Aldwin nang pumasok sa Korean Restaurant yung babae, kasama ang mga kaibigan niya.
"Maganda naman siya pare, ligawan mo na!" kantyaw naman nila para tignan ko sila ng masama. "Sabi ko nga! Gagawa nalang tayo ng project," pagbabawi niya atsaka tumingin ulit sa laptop.
"Sheen! You're out again!" sigaw ng kasama nilang lalaki.
"No! I am not! Pinagtutulungan niyo kasi ako!" sigaw naman niya, agad nagtawanan ang dalawa niyang kasama. So Sheen pala ang pangalan niya. What a cute name, bagay na bagay sa personality niya.
"Hey, hindi mo na ba ako nakikilala?" I raised my brows nang magkita kami sa meat section ng isang grocery store. "Excuse me? Who are you?" nakuha pa niyang magtaray, pagkatapos ko siyang tulungan?
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...