#22

93 9 2
                                    

"A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko kay Tristan.



Ano nga 'bang ginagawa niya dito? Never ko 'pang sinabi sakanya ang address ko dito. Nakatingin lang siya sa'kin habang hawak-hawak niya ang mga.... vitamins? Seryoso ba siya? Bakit may hawak siyang vitamins?



"Anong masakit sayo? Sabihin mo lang, dadalhin agad kita sa hospi-" nag-aalala niyang tanong sa'kin pero napatigil siya ng biglang magsalita si Jeremie. "Okay na siya, bumaba na din ang temperature niya." pormal niyang sagot ng hindi tumitingin kay Tristan.



Hindi na nga ako makakilos ng maayos sa dalawa, dadagdag pa siya? Ano ba 'yan! Hindi naman nila kailangang magstay dito, mas lalo lang ako naiilang.



Umupo naman sa kabilang gilid ng kama ko si Tristan at hinawakan ang noo ko. Shemay! Kailangan ba lahat sila gawin 'yan? "Vitamins," sabi niya saka inabot ang plastic. Tinignan ko muna 'yon ng matagal bago kunin.


"Parang bata naman," buwelta ko sakanya at sabay kaming natawa. Nahagilap ko naman na iba na naman ang timpla ni Jeremie. Sumusumpong na naman siya. Maya-maya pa, lumapit na si Isaiah kay Tristan.



"Isaiah bro, diba ikaw 'yung photographer namin sa university?" tanong niya saka inabot ang kamay para makipagshake-hands.


Nakipagshake-hands naman si Tristan saka ngumiti. "Tristan, ah, oo" nahihiya niyang sabi saka humawak sa batok. Kahit kailan talaga wala ng hiya si Isaiah, sobrang kapal ng mukha. Maya-maya pa, kinalabit ako ni Jeremie. Ngayon, sakanya na napunta ang atensyon namin.


"Lalabas lang ako," pagpapaalam niya sa'kin, tanging tango nalang nasagot ko sakanya at tumayo na siya palabas sa kwarto ko.


Ngayon, nagdadaldalan na si Isaiah at Tristan tungkol sa buhay nila bilang engineer. Na-kwento din ni Tristan sakanya na engineer din si Jeremie. Tangina, engineer ang labanan  dito ah.



Naabutan naman ni Jeremie na nag-uusap at nagtatawanan sina Isaiah doon sa study table ko. Habang ako, nakatingin lang sakanila habang nagc-cellphone. Bigla naman niyang kinuha ang phone ko at tinago sa bulsa niya.



"Radiation," panenermon niya pa saka umupo ulit sa gilid ko. Sa totoo lang, medyo gumaan na din ang pakiramdam ko. Ewan ko ba pero parang ang gaan sa pakiramdam na nandito sa tabi ko si ....... Jeremie.



Busy pa din sa kwentuhan sina Isaiah, paminsan-minsan din tumitingin sa'kin si Tristan at tinatanong kung okay lang ba ako. Si Jeremie naman ay nasa gilid ko pa din at binabantayan ako, nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa ginagawa niya.



"Malulusaw ako," reklamo ko sakanya atsaka umirap. "Ang mahalaga safe ka," sagot naman niya sa'kin. Weh? Maniwala sayo, tinanggihan mo nga ako dati e. Sasagot pa sana ako sakanya ng biglang sumigaw si Isaiah.


"Uy laro tayo!" parang batang pagyaya niya sa'min. Ano na naman kaya ang pakulo ng lalaking 'to! Sobrang daldal! Agad silang lumapit sa kama ko saka umupo sa gilid. Kinotongan ko pa siya dahil kung anu-ano na naman ang kalokohan na gagawin niya.



Baka mamaya suntukin nalang siya dito ng dalawa dahil sa kalokohan.




"2 Truths 1 Lie," hindi pa man kami nakakapayag, sinabi na niya agad ang laro. Mas okay naman na laro 'to kesa sa truth or dare! Baka mamaya pahirapan pa nila ako.



Pumayag naman ako sa sinabi laro ni Isaiah, dahil walang gustong sumali kahit isa sakanila. Saka palang sila pumayag nung sumali ako.


"Maiba taya!" isip-batang sabi ni Isaiah, siya talaga ang pasimuno ng larong 'to! Ako ang unang naiba, kaya panghuli akong magbibigay. Unang-una naman si Isaiah, sumunod si Jeremie at Tristan.


Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now