"OMG!" sigaw ko ng makita ko ang mukha niya, sobrang pawis at namumutla na siya. Agad akong lumapit para hawakan ang noo niya, nanginginig na 'din ako sa kaba dahil sa mga nangyayari ngayon. First time 'kong makita na ganito ang kalagayan ni Jeremie
Buti naman at hindi siya nilalagnat, kung magkataon man, hindi siya makakapaglaro sa darating na Sports Fest. "Hey!" paggising ko sakanya pero ungol lang ang sagot niya. Ilang beses ko pa siyang ginising at niyugyog pero hindi siya sumasagot! Bigla tuloy akong nagpanic dahil baka mamatay siya dito ng kasama ako, wag naman sana!
Bakit kasi hindi pa siya umuwi kanina? Edi sana hindi na ako naistorbo! Ano na naman kaya ang dahilan niya bakit nagka-ganito siya sa loob ng gymnasium? Pinagod niya siguro ang katawan niya hanggang sa hindi na makayanan.
"I'll ask for help," pagpapaalam ko sakanya habang pinupunasan ang pawis niya. Makikita mo sa mukha niya yung panghihina, dahilan ng sobrang pagkapagod. May mga pagkakataon din na nahihirapan siyang huminga.
Tumayo ako kaagad saka dumiretso sa pintuan. Akmang bubuksan ko na ang pinto, hindi siya mabuksan! Agad 'kong kinalabog ang pinto para tignan kung nakasarado na ba talaga. Ayaw niya talagang mabuksan! Hindi kaya ni-lock na ng mga guard dahil akala nila wala ng tao dito? Hindi maaari!
"Shit!" bulong ko pa sabay hampas sa pintuan. Mas lalo akong kinakabahan dahil wala akong maisip na paraan. "Help! Someone is in emergency!" sigaw ko pa pero wala akong boses na naririnig galing sa labas. Sinubukan ko 'pang kalabugin ang pintuan para makagawa ng ingay pero wala 'din epekto.
Agad 'kong nilabas ang cellphone ko para tawagan si Tristan, Bley, Ayenn or kahit sino pa man pero nagr-ring lang ang phone nila. Sino ba naman kasi ang sasagot ng tawag sa kalagitnaan ng gabi? Wala naman diba! Wala akong choice kung hindi mag-isip ng ibang paraan at maghintay dito ng matagal.
Hindi na din ako nag-sayang pa ng oras at agad akong dumiretso sa banyo ng gymnasium para kumuha ng tubig. Nanginginig pa din ang laman ko dahil si Jeremie pa man din ang kasama ko. "This is getting me more crazy!" sigaw ko pa sa banyo sabay sipa sa balde. Hindi rin kasi ako sanay mag-alaga ng ibang tao.
Buti nalang at hindi nila pinapatay ang tubig dito. Kumuha ako ng isang tabo saka nilagay sa tabi ni Jeremie. Nahihirapan na naman siya ngayon huminga at paminsan-minsan umuungol sa sakit. Huminga naman ako ng malalim saka umupo sa tabi niya. "Pupunasan lang kita," pagpapaalam ko dahil baka mamaya, kapag nagising siya, labag pa sa kalooban niya.
Hindi na din ako nakapagpaalam at kinalkal ko na ang bag niya, nagbabaka-sakaling may makitang towel. Masyadong magaan ang dapa niya kaya panigurado, konti lang ang laman nito. Mukhang wala pa yata akong mapapala sa bag niya.
Cellphone, towel at isang t-shirt lang ang nakita ko sa loob ng bag niya, wala ng iba. Seriously? Wala siyang dalang emergency kit na kahit ano? Teacher pa man din siya. Nakakainis talaga! Bara-bara 'kong pinunasan yung mukha niya pati na 'din yung braso. Nakaramdam 'din ako ng pagka-ilang dahil anytime, baka magising siya.
Medyo may kabigatan din yung katawan niya dahil wala siyang malay. Kailangan niyamg madala agad sa malapit na hospital or emergency. Hindi ko din kasi masuri kung malala ba ang nararamdaman niya. Namumutla lang kasi at sobrang nanghihina pero hindi nilalagnat.
"Sheen..." pagtawag niya pa sa pangalan ko dahilan para kabahan ako. Teka nga lang, bakit siya nagpanggap bilang Tristan sa mga text niya kanina? Ang weird lang, dahil sa dinami-dami ng pwede niyang tawagan bakit ako pa? 'Di bale, kapag nagising siya doon ko nalang itatanong.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...