#10

88 7 1
                                    

"I really missed you Sheen" he whispered with a lower tone of his voice. Agad akong kinilabutan dahil sa sinabi niya. Halos five minutes din kaming magka-akap sa harapan ng mga kaklase ko. Ano nalang kaya ang sunod na mangyayari dito?







"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig"





"Sayang naman ang ating pagmamahal"






Kinikilig pa din hanggang ngayon ang mga kaklase habang kumakanta. Hindi ko din naman alam kung ano ang ire-react ko sa ginawa niya. Magkahalong tuwa, kilig at inis ang nararamdaman ko ngayon.






"Enjoy your weekend Class" nakangiting bati ni Jeremie sa lahat ng kaklase ko. Bumitaw na din siya sa pagkaka-akap at inayos ang buhok niya sabay labas ng classroom namin. Napuno ulit ng tilian sa loob, habang ako ay tulala at iniisip kung totoo ba ang mga nangyari kanina.






"Huy, natulala ka diyan?" tanong ni Bley atsaka hinawakan yung kamay ko. "Ang lamig ng kamay ah? Kinabahan?" tanong niya ulit sa akin. Hindi ko naman siya sinagot dahil hindi pa din nagp-process sa utak ko. Sobrang bilis talaga mg pangyayari kanina.






"Kumain muna tayo bago magpalit ng P.E Uniform" aya ni Ayenn at tumango naman kami. Hindi kami kumain sa canteen dahil panigurado akong aasarin na naman ako ng mga kaklase ko. Andito kami ngayon sa kainan sa labas, malapit lang din naman ito sa university.





Hindi ko din naman na-enjoy ang pagkain na inorder nila sa akin. Umorder si Ayenn ng favorite naming tatlo na ulamin, ang kaldereta. Nagugutom din naman ako, pero mas lamang pa din sa isip ko yung mg nangyari kanina. Na-miss ba talaga ako ni Jeremie? Anong klaseng miss naman 'yon? As a friend, as a kapatid or as a future girlfriend?






Hays. Ano ba 'tong naiisip ko, syempre nami-miss ka niya bilang kapatid. Wala ng ibang meaning yon. Hindi ko naman masyadong ginalaw ang pagkain ko at inantay lang silang dalawa matapos kumain.




Nandito kami ngayon sa comfort room at isa-isang nagbihis, medyo gumaan na din naman ang pakiramdam ko dahil pilit akong pinapatawa nila Ayenn at Bley kanina. Wala naman akong nagawa dahil masyadong mababaw ang kaligayahan ko. Ewan ko ba pero matic na akong natatawa kahit corny pa ang mga jokes or sobrang babaw lang.






Andito kami ngayon sa hallway, nakaisip naman ako ng gagawin namin habang inaantay ang time ng P.E subject namin. Tama lang ang sikat ng araw dahil hindi pa naman nagtatanghali, medyo malamig din ang hangin at hindi masyado maalinsangan.






Niyaya ko naman silang mag-picture malapit doon sa may logo ng university namin. Hindi naman sila umayaw dahil gusto din nilang magkaroon ng picture. Aba, magkakaroon pa yata kame ng pictorial dito hahaha. Ako ang naunang nagpa-picture sakanila. Inabot ko naman sakanila ang cellphone ko atsaka humanap ng tamang anggulo.






Suot ko ngayon ang red na t-shirt at shorts namin na uniform para sa P.E. Naka-white shoes din naman ako at nag-high ponytail ako. Naka-light pink liptint din ako na terno sa outfit ko ngayon. Madami-dami din ang kinuhang pictures sa akin ni Bley pero hindi pa ako satisfied hahaha.





"Ano ba yan Sheen, kanina ka pa nagpapapicture. Kami naman!" reklamo naman ni Ayenn sa amin. Gusto ko lang naman dumami ang kinuhanan nilang pictures sa akin para madami akong choices. Naalala ko na iba't ibang pose ang ginawa ko sa tapat ng logo kanina. May wacky, candid, fierce at parang model. Tumapat din naman ako kanina sa sikat ng araw. Gusto ko din kasi ng sunkissed hahahaha.





Si Ayenn na ang nagpapa-picture. Dakilang photographer talaga namin 'tong si Bley. Sobrang galing kumuha ng anggulo. Kagaya ng suot ko kanina, parehas lang kami ni Ayenn pati ng white shoes.





Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now