#36

72 5 3
                                    

"Ano pa ba ang kulang?" agad akong napaisip kung may nakalimutan ba akong dalhin para sa hiking. Hindi ko mapigilan mapangiti dahil first time 'kong gagawin 'to. Madalas kasi hindi ako pinapayagan ng parents ko.





3AM palang gising na ako, hindi rin ako makatulog sa sobrang excited. Maaga din kasi ang calltime nila sa University. Mukhang tulog pa ata siya, pero I'll leave a goodmorning message nalang. Baka isipin niya hindi ako concern sakanya.






To : Jeremie

Goodmorning love! Excited na ako sa hiking for two days. Sayang nga lang at hindi kita kasama sa mismong first monthsary natin. Takecare of yourself and I love you.






Okay na siguro 'yan, baka mamaya ma-umay siya kung hahabaan ko pa ang message ko sakanya. Isang malaking backpack lang ang bitbit ko, masyado kasing hassle kung madami akong bagahe na dadalhin. Baka hindi ko ma-enjoy ang trip namin 'don.





I also booked a taxi, online. Wala pa kasing taxi na pakalat-kalat dito sa lugar namin. Buti nalang malapit ang location ng driver and he'll be here in 20 minutes. Siguro maghihintay nalang ako sa labas, so I secured my condo na naka-lock talaga siya.





Minsan kasi naabutan ko ang condo ko na may footprints sa tapat mismo ng pintuan. As a student, I find it creepy baka mamaya saktan nila ako dito. Wala pa naman akong kasama dito.





Sobrang bigat ng bitbit 'kong bag, hindi kasi kami uuwi for two days. Kaya dinala ko na lahat ng kakailanganin ko. Nahihirapan tuloy ako sa pag-lock ng pintuan, so I decided na ilagay yung backpack sa lapag. "Let me carry it," bulong naman ng nasa likod atsaka kinuha ang bag sa gilid ko.






"Thanks--" agad akong naistatwa dahil wala naman akong kasama dito. Pagkalingon ko sa likod, sinusuot na ni Jeremie ang backpack ko at nakuha 'pang ngumiti. Agad napakunot ang noo ko sakanya, anong ginagawa niya dito?






"Good morning, love." bati naman niya then he kissed my forehead. Shemay! Agad nawala ang kunot ng noo ko dahil sa ginawa niya, nagsisimula na naman akong mamula sa kilig! "G-good morning hehe, anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang matapos 'kong i-lock ang pintuan.






"Masama ba? Girlfriend naman kita," agad akong napapikit dahil sa sinabi niya. Magkahalong kilig at inis ang nararamdaman ko, napaka-pilosopo ng sagot niya and at the same time sweet. "Yung totoo nga?" seryoso 'kong tanong atsaka umirap.






Bigla tuloy nagbago ang expression ng mukha niya dahil sa inasta ko. Jeremie knows me well, pag-ikot pa lang ng mata ko alam na niyang malapit na akong ma-badtrip. "Masama ba?" he innocently asked and started to act like a baby.





Whaaa! Ang aga aga ganito ang bungad niya sa'kin. "H-hindi ba may fieldtrip ka din sa ibang sec--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya.





"Maaga pa naman eh, let's go." sambit naman niya saka ako hinalikan sa pisngi at nagpatuloy na siya sa paglalakad. "Hoy Jeremie!" sigaw ko pa pero mapang-asar na ngiti lang ang sinusukli niya habang naglalakad siya papuntang elevator.






Pagkasakay namin ng elevator, agad akong kumapit sa katawan niya. Habang nakayakap ang isa niyang kamay sa'kin. Maaamoy mo talaga sakanya ang pabangong panglalaki. "Pinanligo mo ata yung perfume mo?" mapang-asar 'kong tanong atsaka yumakap ulit sakanya.






"Matagal mo lang akong hindi niyakap kaya naninibago ka," sagot naman niya saka hinigpitan pa lalo ang pagkaka-yakap sakin. Nang tumunog na ang elevator, agad itong bumukas. Balak pa sana naming magtagal na ganoon ang posisyon pero na-istatwa kami sa pagbukas ng elevator.






Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now