Friday ngayon, Physics at P.E. lang ang subject namin. Maaga akong nagising dahil ayaw ko ng maulit ang nangyari sa subject kay Tristan-- este Sir Tristan. Kasalanan 'to ni Bley eh! Bakit pa kasi siya nag-imagine na magkakagusto si Sir Tristan sa akin?
Nasisiraan na ata siya. Bago ako naligo ay inayos ko na ang susuotin ko papunta sa university. Dahil madami pa akong oras para magpaganda, binagalan ko na ang pagkilos ko hahaha.
Red na t-shirt at shorts-- yan ang uniform namin hindi ko din alam kung bakit ganito ang uniform pag PE subject namin. Paano nalang pag nadapa kami? Mas okay pa din ang jogging pants. White shoes naman ang pinartner ko at kinuha ko din sa kwarto ko yung pony-tail ko na color white para matchy-matchy haha.
Katapos kong maligo ay inayos ko na ang mga dadalhin ko na gamit para mamaya, mauuna muna kasi ang subject na Physics bago ang PE. Hindi din naman kami pinapayagan mag-suot agad ng PE Uniform.
Niyaya din ako nila Britney at Mike na magkita mamaya since weekend na din naman. Hindi din naman ako makatanggi sakanila dahil ngayon nalang kami ulit magkikita.
Morning shift ang dalawa kong papasukan na subject pag friday. Kaya madami akong oras para maglibot mamaya. Papasok na ako at inaantay na ako nila Bley at Ayenn sa classroom.
Napag-usapan din naman na pare-parehas kami na mag-white shoes. Noong una ay ayaw nila dahil masyado daw pang-bata pero sa huli pumayag din sila. Iniisip ko palang na pare-parehas kami mamaya, ay para kaming powerpuff gilrs hahaha.
Sobrang hassle talaga pag-friday na, imagine magdadala ka ng uniform sa ng university at kailangan mo pang mag-bihis argh! Isa pa sa problema ko ang Physics na yan. Hindi ko na din alam kung ano na ang lesson na tinatackle nila.
Bahala na mamaya, hanggang ngayon hindi pa din naman kami okay ni Jeremie eh. Sa totoo lang, simula nung dumating siya dito nawala na sa alignment yung buhay ko. Do I deserve this? Sht.
Nasa hallway na ako ng magkasalubong kami ni Tristan. Hindi na naman ako mapakali, babatiin ko ba siya o magpapatay-malisya ako na hindi ko siya nakita? Ay basta! Bahala na. "Goodmorning" bati niya sa akin sabay ngiti. Natulala tuloy ako sa ngiti niya, ano ba yan Tristan baka mahimatay ako dito? chos.
Nag-stop siya at tinignan lang ako pagkatapos niyang bumati. Napatigil din naman ako, nag-iisip kung ano ba ang isasagot ko. "H-hi Sir" nahihiya kong sagot atsaka yumuko. Gosh, bakit ba kasi palangiti ka Sir Tristan? Nag-smile ulit siya atsaka sinenyasan ako na aalis na siya.
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad, nawala tuloy ako sa focus. Hindi ko na alam ang gagawin ko neto pag nagsimula na ang class namin mamaya sa physics.
Buti naman at wala pa si Jeremie dito, napatingin naman ako sa relo ko almost 10minutes late na siya. Ano kayang nangyari sakanya? Sa tagal naming magkakilala, never siyang na-late. Ugh! Nevermind! Mas mabuti nga na hindi siya pumasok dito eh!
"Hey, bakit kaya wala pa si Sir?" tanong naman ni Bley sa aming dalawa ni Ayenn. Nahahalata ko sakanya na kanina pa siya badtrip at wala sa mood.
Ilang beses ko din siyang nahuli na nagmumura ng pabulong. Hindi naman ako kumibo dahil nonsense at obvious naman ang tanong niya. Hindi din naman sumagot si Ayenn dahil busy siya sa pagla-laro. Mahuli ko lang talaga kung sino ang jowa netong babae na 'to, lagot siya saken.
Nang mapansin ni Bley na wala kahit isa sa amin ang gustong sumagot. Padabog niyang binitawan ang notebook na hawak niya at dumiretso sa puwesto nila Coldeen.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...