#31

90 7 13
                                    

Maiingay na tambol at confetti ang sumalubong sa akin pagka-pasok ko palang ng university. Nakakainis! Bakit kasi hindi kame nanalo?! Ang lakas ko pa namang mag-yabang sakanila tapos matatalo kami? Isa pa! Para namang may pa-fiesta dito, awarding day lang ngayon mga teh!




Suot-suot namin ngayon yung costume namin nung nag-perform kami. Kanina ko pa din hinahanap ang mga kasama ko, wala pa ba sila? Sabagay, ang aga ko kasing kumilos. Nag-ikot ikot muna ako sa loob dahil maaga pa naman. Sling bag lang ang dala ko dahil maaga naman kaming uuwi mamaya.




Napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang cheerleader nila Jeremie sa grupo. Walang emosyon akong tumingin sakanya at ganoon din naman siya. Maya-maya pa, bigla siyang lumapit sa akin atsaka bumeso. Close tayo girl? "Hi! I'm Hans," bati naman niya, tulala akong napatingin sakanya dahil hindi naman kami close.





Wala akong pake kung Hans pangalan mo, haliparot. Bestfriend ba kami at agad siyang bumeso? Ang kapal ng mukha, lalo na pag nandyan sa tabi-tabi si Jeremie.





"A-ah, hi Sheen," sagot ko naman saka pinilit na ngumiti. Gusto 'kong sumabog sa galit ngayon at pagsa-sampalin siya dahil ito yung babaeng sigaw ng sigaw sa loob ng gymnasium noong nagp-practice kami! Akala ba niya nakakalimutan ko na yung pa-chancing chancing niya kay Jeremie? Hindi noh!





"Mayroon kaming championship celebration para kay Sir Jeremie, sana makasama ka!" pabebe niyang sabi saka kinuha yung maliit na papel sa bulsa ng bag niya. Wala akong balak kunin yung card pero kinuha niya yung kamay ko at nilapag doon. "See you," pagpa-paalam niya pa saka umalis.





Ang kapal naman talaga ng mukha nila, sila na nga yung na-disqualified tapos nakuha pa nilang mag-invite? Nang-aasar ba sila dahil natalo kami? O baka naman invited lahat at napaka-assuming ko lang? Ah basta! Hindi ako sisipot dito, isa pa andito din si Jeremie. Baka maulit na naman yung ginawa niya sa'kin. Chos.




Pagkatapos 'kong umikot-ikot sa loob ng university. Nandoon na sina Bley at yung iba pa naming kasama sa hallway. "Ayan na yung taksil oh!" sigaw naman ni Bley sabay turo sa akin. Argh! Hanggang ngayon inaasar pa din nila ako dahil sa nangyari kahapon. Hindi ba uso mag-move on mga sis?





Agad naman akong napatayo at sumigaw ng marinig ko ang hiyawan ng mga team mates ni Jeremie at nag-yakapan dahil sila ang nanalo.



"What the fuck! Nanalo! Nanalo siya! Oh my god!" sigaw ko pa habang pumapalakpak.



"We won! Omg! Congratulations, Engineer Basillo!" pahabol ko pa pero agad akong napalingon ng magsalita si Bley sa tabi ko.



"Tanga! Si Sir Tristan ang captain natin!" singhal naman niya sa akin habang natatawa.




Omg! I forgot! Hindi pala si Jeremie ang ka-team ko! What have you done, Sheen. Nakakahiya ka, kung anu-ano na naman ang iisipin niyan ng mga kasama mo! Pag-lingon ko sa likod, lahat sila nakatingin sa akin! Ako pa tuloy ang naglagay ng issue sa sarili ko.




Pagka-lingon ko naman kay Isaiah, kulang nalang at sumabog na siya sa hagalpak ng tawa niya, nakuha pa niyang palu-paluin yung inuupuan namin! "Ano nga ulit? Sinong nanalo?" natatawang tanong naman sa akin ni Esha. Grabe! Hindi ako makakibo dahil sa ginawa 'kong kahihiyan.




Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now