"KAMI ANG MANANALO!"
"OM-NI-PO-TENT-WAR-RIORS!"
"MIGHTY CONQUERORS! DI PAPATALO!"
Iba't-ibang cheer ang naririnig namin dito sa loob ng gymnasium. First day na kasi ngayon ng Sports Fest. "Bakit hindi ka nagc-cheer?" tanong naman sa akin ni Bley, may hawak pa siyang pompoms na partner sa damit namin. Sa totoo lang, ang dami 'kong iniisip ngayon.
"Wala. Wala ako sa mood," sagot ko naman saka ngumiti sakanya ng matipid. Hindi na rin naman siya nagtanong at nagpatuloy nalang sa pagc-cheer. Hanggang ngayon, sariwa pa 'din ang ginawa ni Jeremie sa akin. Grabe! Hindi ako pinatulog ng lalaking 'yon! Para siyang bangungot na paulit-ulit na ginugulo kapag gabi.
Nagsisima na sa Opening Remarks ang head ng College Department. Sila kasi ang nagbigay ng go signal na buksan ulit ang Sports Fest. Maingay pa 'din ang buong lugar, halatang sabik na sabik na kami sa labanan na magaganap. One week lang naman ito, kaya kailangan na namin sulitin.
Sa third day pa kami magp-perform kaya naman puro nood lang ang inatupag namin dito sa loob ng university. Sayang nga lang at hindi nakasama si Isaiah ngayon. Dalawang ticket lang kasi ang nakuha ko para sakanya, sa araw ng performance namin at ang fourth day.
Badminton, Lawn Tennis, Table Tennis at Sepak Takraw ang mga available na puwedeng panoorin sa morning shift. Volleyball, Basketball, Baseball at iba pa sa hapon. Naka-jeans lang ako ngayon, turtle-neck na t-shirt at sneakers. Wala talaga ako sa mood pumorma.
Inaabangan ko talaga ang buong laro sa Badminton, dahil noon pa man, eto talaga ang gusto 'kong salihan. Kung sanang hindi ako natamaan ng bola, malamang kasama na ako dito lumalaban. Bukas pa naman ang laban nila Tristan kaya wala na akong balak manood ng laban mamayang hapon.
"Ay sayang!" sigaw ko ng hindi natira ng pambato ko ang shuttlecock. Masyado kasing ginalingan ng kalaban e! Sabagay, matagal ng player ang kalaban niya. No doubt, baka hindi pa manalo ang manok ko.
Nasa Sepak Takraw venue ngayon si Bley, habang si Ayenn ay hindi pa pumapasok. Laban kasi ni Kurt mamaya kaya naman todo prepare siya para sa cheer mamaya. Magb-break 'din kayo mga ulol. Dumiretso muna ako ng canteen para doon magpahinga, sarado kasi ang mga classroom.
Umorder muna ako ng makakain saka tumambay doon ng ilang oras. Hindi kasi ako nage-enjoy masyado sa laban lalo na't hindi pa naman kami ang nakasalang. Nag-scroll na lang ako sa twitter account ko ng may mahagip akong tweet ni Isaiah.
Isaiah Pogi
@isaiahxxMy love for you was like an earthquake, may aftershock.
"Luh? Pinagsasabi nito?" tanong ko sa sarili ko saka napakunot ang noo. Broken na naman ba siya? O hindi pa din siya nakaka-move on sa girl na tinutukoy niya dati? Napakadrama naman, pero infairness nakakainggit siya kasi ang daming likes, retweet at comments ang natatanggap niya.
Habang inuubos ko ang kinakain ko, nagpatugtog nalang ako at sinaksak ang earphones sa tenga ko. Wala 'din naman kasi akong kakilala dito sa loob ng canteen. Pagkatapos 'kong kumain, agad akong bumalik sa venue para sa Badminton.
Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko ang nakasulat sa board. OMG! nanalo ang pambato ko, even though hindi naman kami close. Inubos ko lang ang oras ko sa panonood doon. Pagdating ng hapon, agad akong dumiretso sa court para ipagcheer ang jowa ni Ayenn. Wala naman kasi ako masyadong gagawin.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...