Halos murahin ko na ang cellphone ko ng makita ko kung sino 'yung lalakeng 'yon. Hindi pa din ako makapaniwala dahil sila pa lang dalawa? Aba, para akong hihimatayin dito, sobrang worth it ng pagod ko pero hindi ko matanggap ang natuklasan ko. Agad akong lumapit sakanila at dahan-dahan silang ginulat.
"Hoy Kurt! Ayenn!"
Sinigawan ko sila dahilan para mapalingon sila sa akin. Hanggang ngayon ay nakatitig pa din sila sa akin. Halatang nagulat sila dahil sa ginawa nila kanina.
"Sheen, let m-me explain" nauutal na sabi sa akin ni Ayenn dahilan para mapa-takip ako sa bibig ko.
"So, i-ikaw ang babygirl ni Kurt?" nauutal ko naman na tanong sakanya dahil hindi pa din ako makapaniwala. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero umatras ako. Feeling ko parang pinag-taksilan ako ng langit at lupa. Paano pa kaya si Bley nito?
"It's not what you think, let us explain first" sabat naman ni Kurt dahilan para mabaling sakanya ang tingin ko. "Wow, explain? para saan pa?" sarkastiko 'kong sagot sakanya dahilan para matahimik siya.
Papatayin ko na sana ang record sa phone ko at aalis na 'don pero hinila ako ni Ayenn at inakap. "Sorry, s-sorry kasi tinago ko sainyo ni Bley. Alam mo naman ang sitwasyon namin diba?" pagpa-paliwanag niya, halatang naiiyak na.
Hindi pa din ako nagsalita dahil hindi ko na alam ang susunod na mangyayari pagkatapos nito. Niyaya nila ako na pumunta sa malapit na milktea shop para i-kwento nila ang mga pangyayari sa akin.
Madaming tanong ang bumabagabag sa isip ko ngayon dahil sa nasaksihan ko kanina. Mas mabuti pa yatang hindi ko na inalam pa. Ako tuloy ang naiipit sa sitwasyon nila ni Bley.
"So, last-year pa pala kayo nagkaka-mabutihan?" seryoso 'kong tanong habang naka-titig sakanila. Magkatabi sila ngayon sa kabilang upuan, katapat naman nila ako. "O-oo, hindi ko na nasabi sayo kasi-" hindi na natuloy ni Ayenn ang sasabihin niya dahil nagsalita si Kurt.
"As much as possible, pwede mo bang itago muna 'to? Hanggang sa first anniversary namin?" pagm-makaawa niya dahilan para himasin ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Nagpapatawa ka ba? Ayokong saktan si Bley" pagdadahilan ko naman sakanila. Ayokong biguin si Ayenn pero paano nalang yung isa?
Nabalot ng katahimikan ang puwesto pero agad din akong nagsalita. "Kailan ba first anniversary niyo?" tanong ko sabay irap sakanila. Napansin 'kong napa-smile agad si Ayenn dahil sa tanong ko. "Next-next week" mabilis niyang sagot. "Agad-agad?" tanong ko ulit sakanya, ganoon na pala sila katagal. Nakaka-inggit naman.
"Pag-iisipan ko" maikli 'kong sagot sakanila, hindi ko din naman maipa-pangako na malilihim ko 'yon dahil ayaw ko rin saktan si Bley. "Ano 'bang balak niyo?" tanong ko na naman sakanila. "Balak namin ipaalam sa klase na kami na" masayang sabi ni Kurt, agad naman akong nabulunan sa iniinom ko dahil hinawakan niya pa ang kamay ni Ayenn na nasa lamesa.
"Tang-ina," pagmumura ko sakanila dahil napaka-PDA nila dito. Agad binawi ni Ayenn ang kamay niya kay Kurt dahil muntik na'kong mabilaukan dahil sa ginawa nila.
"Bakit hindi niyo pinaalam sa amin agad? Eh di sana tanggap na namin" reklamo ko sakanila saka sumandal sa upuan. Nagka-tinginan pa sila dahil sa tanong ko. Halatang pinag-iisipan ng maayos ang sasabihin.
"Uhm, inaalala kasi namin si Bley. Alam 'kong gusto niya din si Kurt" mahinang sabi ni Ayenn, iniisip niya na siguro na napaka-taksil na namin kay Bley. Well, siya lang.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...