#12

75 9 2
                                    

"You still have 5 minutes to finish the test"

Argh! Hindi ko pa nasasagutan ang latter part. Kasalanan 'to ni Bley e, nakipag-daldalan pa sa akin imbis na mag-review. Ayan tuloy nagagahol ako sa oras.


"2 minutes left"

Nap-pressure na ako sa two minutes na 'yan ha! Salamat naman at nasa pinakadulo na ako ng test paper. Buti nalang at multiple choices kaya agad 'kong nakikita ang tamang sagot.


"Time is up!"


Agad namin pinasa ang mga test papers namin dahil kilala namin si Mrs. Dela Cruz. Kapag hindi naman siya sinunod agad, iiwan niya kami dito kahit hindi pa nakakapag-pass ang iba.


"Natapos mo?" tanong ni Bley sa akin habang inaayos ko ang mga gamit ko dahil uuwi na kami.


"Ako pa ba?" tanong ko sakanya pabalik at ngumisi. Hinampas niya tuloy ako. "Tang-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita naman si Ayenn.


"Guys, I have to go. See you next week" pagpa-paalam niya atsaka bumeso sa amin. Napapansin din namin na palagi siyang busy this week, actually last last month pa. Pero hindi niya nababanggit ang pinagkaka-abalahan niya.



"Palagi yatang busy si Ayenn?" nagtatakang tanong sa akin ni Bley. Hindi pa pala nga niya alam na may tinatagong boylet si Ayenn sa amin. Paano kung sabihin ko kaya sakanya yung natuklasan ko?



"Hayaan mo na siya, tara na!" pagyaya ko sakanya atsaka nauna ng lumabas.





Two Months na 'din ang nakalipas simula nung pumasok ako dito bilang Grade 12 Student. Wala namang nagbago, ganoon pa rin ang sistema. Napanatili ko naman ang pagiging honor student ko at mas lalo pang nag-improve mga grades at performance ko.



Naging competitive din ang lahat pagdating sa akin, pag-nakikita nila ako sa hallway o kaya sa gate tinatawag nila akong 'tigre' dahil ang takaw ko daw palagi sa mga quizzes at performances.


Wala naman kaso sa akin 'yun dahil may mga ka-grupo din naman akong nakikinabang at sila ang nagta-tanggol sa akin hahahaha.


Hindi naman nagbago ang pakikitungo ng mga profs namin sa amin. Ang iba pa nga ay sinasama namin sa boodle fight at pumapayag naman.


Hindi na din naman ako pinapahirapan o kinukulit ni Jeremie. Aba, natauhan yata siya. Hindi na rin ako ang kanang-kamay niya sa section namin. Kung may ipapadala siya sa amin, minsan direct niyang sinasabi sa gc o kaya naman kay Coldeen. Ganoon din naman siya pag may pinapahatid o inuutos sa amin, si Class Mayor pa din ang tinatawag.



Naging malapit naman kami ni Tristan sa isa't-isa, nahirapan kasi ako maka-catch up dati sa calculus dahil umabsent lang ako ng isang araw! Sa susunod talaga ay hindi na ako mag-aabsent, baka hindi ko na kayanin!



Palabas na kami ni Bley ngayon sa gate at balak 'ko sanang yayain siya sa condo para i-chika ang nalalaman ko kay Ayenn. "Sama ka na kasi sa'kin sa condo please?" pagpu-pumilit ko pa sakanya at nagpa-cute. "Busy ako mamaya, babantayan ko pa si Lola" dahilan naman niya sa akin. Wala tuloy akong magawa.


Nag-pout nalang ako dahil hindi ko na naman maku-kwento sakanya. Naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad 'yon at tiningnan.


isaiahxx : labas tayo

sheengvr : nasa labas ako lol

isaiahxx : tanga, kakain sa labas

Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now