#19

76 11 0
                                    

"Ate paabot po ng bayad," utos sa'kin ng babaeng katabi ko dito sa jeep. Argh! Pinaka-ayaw ko talaga ang nag-aabot ng bayad nila! Dapat talaga sa harap nalang ako pumwesto okaya naman sa pinakadulo para hindi ako mag-abot.




Pagkatapos 'kong inabot, agad 'kong sinulpak sa tenga ko ang earphones ko at nagpatugtog. Mamaya pa ang pasok namin pero dahil kasama ako sa quizbee na 'yon, napapa-aga ako.




Plinay ko agad ang favorite playlist ko atsaka tumingin sa bintana. Hindi pa masyadong mainit kaya halos mga namamalengke lang ang nakikita ko sa daanan. Agad naman pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kahapon.




"Nagseselos ako," mahina niyang sabi saka huminga ng malalim. Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Tama ba 'yung narinig ko? Or mali ang pagkaka-intindi ko?



Humarap ako sakanya atsaka lumapit ng kaunti para tignan kung ano ang expression ng mukha niya. "What did you say?" tanong ko sakanya atsaka hinawakan ang noo ko, halatang di makapaniwala sa sinabi niya kanina.



"I'm jealous okay?" pag-uulit niya pa. Anong jealous pinagsasabi niya? Lutang ba siya? Nakatingin siya ngayon sa kabilang wall, tahimik na nag-iisip ng susunod na sasabihin.



Maya-maya pa, lumapit siya sa'kin dahilan para mapa-atras ako. "Stop," pagsusuway ko sakanya pero hindi niya ako tinigilan. Hanggang sa mabunggo ako sa pader. Napalunok nalang ako dahil sobrang lapit na niya sa'kin.


"Im fucking jealous, Sheen" seryosong tono ng boses niya. Mas lalo pa akong nataranta dahil nakatingin siya ngayon ng diretso sa mata ko!



"J-jealous? For what?" tanong ko sakanya pabalik. Nakatitig lang siya ngayon sa'kin, habang ako naman ay pinagpapawisan na. Tumawa lang siya saka umatras ulit.






"Para po!" sigaw ko ng makabalik ako sa wisyo. Tangina, lumagpas na'ko sa university. Pagkababa ko ng jeep ay naglakad pa'ko ng sobrang haba. Kasalanan mo 'to Jeremie! Bakit ka kasi ganyan!



Pagkarating ko ng library, nadoon na silang lahat. As usual, magkakatabi 'yung apat 'kong kasama. Uupo sana ako doon sa isang gilid kung saan hindi ako mapapa-gitnaan nila Jeremie at Tristan pero nakalagay doon yung isang box na may laman na documents.



Pagkarating ko sa tapat nila, agad silang napalingon sa akin maliban kay Jeremie. Ngumiti naman ako sakanila, binati naman nila ako at sinabi nila na kanina pa nagsimula ang review.


Wala akong choice kung hindi umupo ulit sa gitna nilang dalawa. Napatapik ako sa noo ko ng maalala na naiwan ko pala ang ginawa 'kong reviewer sa kwarto ko. Agad 'kong kinuha ang cellphone at inisip kung sino ang pwede 'kong utusan.




"What's wrong?" tanong ni Tristan sa'kin, napalingon ako sakanya atsaka ngumiti. "I forgot my reviewers," sagot ko sakanya atsaka nag-isip ulit kung kanino ako makikisuyo.




Agad akong dumiretso sa contacts atsaka hinanap ang number ni Isaiah. Hindi na ako nagdalawang-isip at tinawagan ang number niya. Buti nalang at nag-ring, dali-dali naman niyang sinagot ang tawag ko.




[Hello?] tanong niya, halatang naistorbo ko pa yata siya sa pag-tulog niya. "Ah, favor" nahihiya 'kong utos sakanya. Ilang segundo din natahimik yung kabilang linya, halatang lutang pa siya sa pagkakagising.




Hindi din ako umalis sa pwesto ko, kaya rinig na rinig nila yung response ko kay Isaiah. [Ang aga-aga bimubulabog mo ako!?] sigaw niya sa kabilang linya, agad ko naman nilayo ang cellphone ko. Kalalaking-tao ang ingay-ingay.




Truth in your Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now