Sa loob ng dalawang araw, wala kami masyadong ginagawa dahil busy sa pag-conceptualize ang mga profs namin para sa upcoming celebration ng buwan ng wika.
Halos puro meetings ang dinadaluhan ng mga profs namin kaya wala kaming lesson, kadalasan puro activity lang. Sinabi din nila na bukas na ang announcement sa mga kaganapan para sa celebration na 'yon.
Usap-usapan din na mayroong iba't ibang palaro na may kinalaman sa wika. Lahat naman kami ay hindi na makapaghintay dahil makakaranas na ulit kami ng outside activity. Siguro ay ito na lang ang pinaka-pahinga namin sa pag-aaral.
Habang pauwi na kami ni Bley, agad niya ako hinila papunta sa bulletin board para tumingin. Naka-post na pala ang mga activities and games na pwede namin salihan. Two-weeks pa pala bago ang celebration, mukhang pinaghahandaan pala talaga nila.
Nilibot ko naman ang papel ko doon sa mga pwede namin salihan na activities at games. May mga nakalagay din doon na apelido ng mga profs namin, sila siguro ang in-charge.
"Sheen, tignan mo si Sir Tristan at Sir Jeremie ang naka-assign sa quizbee" pabulong na sabi sa'kin ni Bley at tinuro ang papel. Agad ko din naman tinignan 'yon kung totoo nga ba ang sinasabi niya.
#2. Labanan ng Utak
> limang tao ang kailangan
> tagisan ng talino at memorya
Teacher in-charge : Sir Jeremie B. & Sir Tristan F.
Agad akong napatakip sa bibig ko dahil sa nabasa ko. Shet! Sila ba talaga ang in-charge doon sa activity na 'yun? Swerte naman ng tuturuan nila dahil parehas na gwapo charot hahahaha.
Umalis din kami doon matapos namin hagilapin ang mga activities at games. I-aannounce din naman ang theme at twist ng celebration namin bukas kaya doon nalang ako magb-base.
Kinabukasan, wala pa din kaming ginagawa at naka-tengga lang kami dito sa loob ng classroom. Inaantay na lang namin ang meeting at uuwi na rin kami.
Agad naman akong napatingin kay Ayenn na ngayon ay nasa ibang upuan-- malayo sa amin. Hindi na rin kami nagsasabay-sabay umuwi ni Bley dahil sa natuklasan ko last-week. Napailing nalang ako ng maalala ko ulit 'yon. Next-week na pala ang anniversary nila.
Halos tatlong-oras pa kaming nakatulala dito habang inaantay ang announcement nila na pumunta na kami sa open-space. Medyo mainit din dito dahil wala naman itong bubong na pwede namin pag-silungan.
Halos tumagal din ng ilang minuto ang introduction ng nagsasalita sa harap. Halos lahat din ng college teachers at profs namin ay nasa harap. College kaya ang makakalaban namin?
"Sa buwan na ito, ating ipinagdaraos ang Buwan ng Wika. Alam ko, alam nating lahat na ito ang pinakahihintay na'tin na selebrasyon"
'Yan ang paunang bungad ng emcee, halos lahat ng estudyante dito ay naiinip na at napipilitan na lang makinig. Ang iba naman ay bumalik sa classroom nila at 'yung iba dumiretso ng canteen.
"Sa taong ito, muling mag-lalaban, magpapakita ng gilas, at magpapasiklaban ang college at seniorhigh department"
Mas lalong umingay ang lugar ng sabihin kung sino ang mga magkalaban at makikilahok. Agad din akong tumayo sa pagkaka-upo ko dahil ipapaliwanan na nila ang mechanics at theme ng celebration na 'to.
YOU ARE READING
Truth in your Eyes (COMPLETED)
Teen FictionSheen Guevarra, a senior high school student who met three engineers in her life, but still can't move on from her former crush. Will age gap could be an obstacle to their love story? But what if destiny itself makes its way? Date Started : May 15...