CHAPTER 2

42.9K 1.2K 359
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






CHAPTER 2





ILANG araw na ang nakalipas nang mangyari ang pakikipagtagpo ko sa bwisit na lalaking nagbanta na lalagyan ng baby ang tyan ko.





Kung sana ay sa magandang pagkakataon kami unang nagkakilala ay willing pa ko magpalagay ng baby, kaso hindi. Sa tingin ko ay baliw ang isang 'yon.





Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya dali-dali kong tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni Nads sa screen.





"Hello," bungad ko. Narinig ko ang sunod-sunod na pagsinghap niya.





"Tangina, nasaan ka?" Tanong nito.





Napakunot ang noo ko, "Pauwi na 'ko, anong nangyari?" Usisa ko.






"Nabaril si Drishti sa balikat, nandito kami sa White Hospital. Bilis, hinahanap ka nila kuya Demetrius." Anito, agad kong pinatay ang tawag at dali-daling sumakay ng taxi na dumaan sa harap ko.






Ang alam ko ay nagtungo sila sa club gamit ang van nila Nads, paanong nabaril si Drishti?






Nang makarating ay una kong nakita si Grace na nakatulala at nakayakap kay Marvin, "Tangina anong nangyari?" Bungad ko sa kanila, punong-puno ng dugo ang damit ni Grace at Andrea.






Agad na lumapit si Lorenz at hinawakan ang kamay ko, "Okay ka lang ba? Sabi nila Georgina pinagalitan ka raw ng prof niyo?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang tono habang nagtatanong. Tumango ako at binalingan muli si Nads.






"Kumusta si Ishay?" Tanong ko.







Tinuro niya ang pintuan ng isa sa nga private rooms, "Nasa loob si Jack, nagising na si Ishay." Malumanay na aniya.







"Ano bang nangyari? Sinong bumaril sa kanya?" Binalingan ko si Ejay, siya lang kase ang madalas na pisikalan ang hanap sa kaaway.






"Ikaw! May inaway ka na naman ba kagabi kaya kayo napaaway?" Galit na bulyaw ko.






"H-Hindi ako.. Hindi ko alam ang nangyari, nagising na lang akong wala ring maalala tapos ang natatandaan naming lahat nangho-holdap." Mabilis na sagot niya.





"Alam na ba 'to ng mga pinsan ni Ishay? Si kuya Trius, nasaan?" Sunod-sunod na tanong ko.






"Kausap ng doktor, sinabi niya na huwag na raw mag-alala dahil wala naman daw seryosong nangyari. Sinabi rin ni Ishay na huwag nang sabihin kila Cherrie at Julia." Paliwanag ni Karen, napasapo ako sa aking noo.






PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon