CHAPTER 10

29.8K 821 109
                                    

CHAPTER 10




NAPANGANGA ako nang makapasok kami sa condo unit na minsan ay tinutuluyan niya raw.



"Sa'yo talaga 'to?" Tanong ko.



Pinaghalong puti at itim ang mga kagamitan sa loob, pagpasok mo pa lang ay unang bungad ang sala ng condo. May isang mahabang kulay puting sofa at sa tapat ang kulay itim na babasaging center table na may mamahalin at international magazine sa ilalim.



"Yup, I'm not normally staying here. I just bought it for emergency, just like now." Sagot niya at prenteng naupo sa sofa habang ang dalawang paa ay nakapatong sa center table.



"Ang ganda dito." Komento ko at naupo sa tabi niya.



"You want?" Tanong niya kaya agad akong napalingon sa kanya.



"Anong 'you want' ka 'dyan?" Tanong ko, bahagya siyang tumawa at niyakap ako. Ramdam ko ang kanyang mainit na hininga na tumatama sa aking leeg.



Bahagya akong umusog upang lumayo sa kanya, "Hoy lumayo ka nga ng konti." Suway ko.



"If you want this unit, I can give it to you. Just tell me if you want it." Wika niya at niyakap muli ako ng pagkahigpit-higpit.



"Isa, hindi ka lalayo?" Banta ko, narinig ko ang bahagya niyang pagtawa at kasabay noon ang kanyang paglayo. Ay lumayo nga?



"I'll cook our food, what do you want?" Masuyong tanong niya. Agad akong nag-isip ng gustong kainin.



"Pwedeng spag?" Tanong ko, saglit siyang nag-isip.



"What kind of pasta?" Tanong niyang muli. Hinawi niya pa ang buhok kong nakatabing sa aking mukha.



"Italian? Hindi pa 'ko nakakakain ng ganoon e." Sagot ko, tumango siya at hinalikan ang noo ko.



"Start studying, I'll cook our dinner." Wika niya at nagtungo sa kusina na katabi lamang ng sala.



Agad kong inilabas ang aking cellphone at mga libro at ipinatong sa center table, naupo ako sa sahig at nagsimulang aralin ang mga pages na ibinigay ni Helga na kailangan kong aralin.



Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tawag mula sa cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Grace sa screen kaya agad kong sinagot.



"Hello," bungad ko.



"Jo, sa'n ka?" Tila natatarantang aniya.



Agad akong nag-isip ng palusot, "L-Library, bakit?" Sagot ko.



"Si Ishay kase, nagpasundo sa amin kanina dito sa presinto. Nakita na namin kanina tapos binilan lang namin siya ng makakain pagbalik namin wala na siya. Sige na, mag-aral ka na 'dyan, kami nang bahala dito." Rinig kong paliwanag niya, agad akong naalarma.



"Ano? Alam na ba ni kuya Trius 'yan?" Tanong ko.



"'Wag ka nang mag-alala, kami nang magsasabi. Mag-aral ka na lang, ba-bye." Agad na naputol ang tawag kaya wala akong nagawa.



Ganyan talaga sila kapag alam nilang nag-aaral ako, hindi nila ako iistorbohin dahil alam nilang pangarap kong makagraduate ng may latin honor.



"Astéri mou," agad akong napalingon kay Ashtar, naka-topless siya kaya kitang-kita ko ang pagkaganda-gandang tanawin sa kanyang pang-itaas, pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa umbok sa kanyang pantalon.



PSYCHOPATH #3: Asmodeus Vigneroux | Innocent Shot (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon